Chapter 12

1.5K 66 0
                                    

Athena's POV

Limang araw na ang nakakalipas simula nang takbuhan ko si Xavier noon sa mall. Oo, tinakbuhan dahil sa takot na baka kung ano ang iisipin niya sa sinabi ni Manong. Limang araw ko na rin siyang iniiwasan, mabuti nga at ganoon din ang ginagawa niya dahil hindi na siya nangungulit.

Abot-abot ang kaba ko noong gabing 'yon, nung sinabi sa 'kin ni Manong na hindi talaga ako galing dito. Natatakot ako sa iisipin ni Xavier, na iisipin niyang totoo ang lahat nang sinabi ni Manong.

"Hindi ko maintindihan..pero isa lang ang nakikita ko..hindi ka galing mula sa mundong 'to." Tumama sa 'kin ang madilim na ekspreyon ni Manong, dahilan para kumibot-kibot ang labi ko.

P-paano niya..hindi..

Mabilis kong inagaw ang palad ko mula sa kaniya. Akma na sana akong lilingon kay Xavier para sana tingnan ang reaksyon niya, pero naunahan ako nang pagtawa niya.

"E hindi naman talaga galing 'yan dito! 'Yang mukhang 'yan? Tss, itsyura ba ng tao 'yan pfft!" Tumatawa niya pang sabi habang napapailing-iling at napapahampas pa sa hangin.

Hindi ko magawang mapikon o sumabay sa tawa niya. Mariin akong napapikit dahil sa kabog ng dibdib ko dala ng kaba at takot kaya mabilis akong tumakbo papalayo doon.

"Hoy saan ka pupunta?! Dalia Sophien!" Dinig ko pang sigaw ng demuho pero hindi ko na siya nilingon pa.

Walang puwedeng makaalam sa kung anong totoong pagkatao ko, tanging..ako lang dapat..

Naputol lahat ng iniisip ko tungkol sa mga nangyari noong isang araw nang marinig na ang pagtunog ng bell, indikasyon na tapos na ang subject.

"We will continue our lesson tomorrow, see you again class."

Parang wala naman akong natutunan ngayong araw. Hays, masyadong nakaka-drain.

Ginawa ko na ang halos araw-araw kong routine. Tatayo habang dala ang gamit nang hindi tumitingin sa likuran.

"Party tayo girls?! Nag-aaya kasi 'yung isa kong prenny na mag-bar. Ano game?" Ani Faith habang nasa nakaupo pa rin sa upuan niya, nagreretouch kasi siya ng make-up sa mukha.

Bar? Matagal ko nang gustong makapunta roon pero parang wala ako sa mood ngayon. Wala akong gana sa lahat.

"Hindi ako puwede, madami akong gagawin eh." Palusot ko pa sabay upo ng bahagya sa desk ko dahil nasa likuran lang naman ng upuan ni faith 'to.

Umangat ang tingin sa 'kin ni Faith. "Talaga? Woah, ang laki na talaga ng pinagbago mo ah. Kung dati mas inuuna mo ang party kaysa sa mga gagawin mo."

Napatingin ako kay Lira nang hawakan niya ang balikat ko. "Oo nga, natutuwa talaga ako sa pagbabago mo Dalia, pakiramdam ko may pinanganak ulit na bagong Dalia." Sabay silang natawa ni Faith, bahagya naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Nang matapos si Faith sa pag-aayos ay akma na sana kaming maglalakad palabas pero mabilis akong napahinto nang tawagin ako ni Damon galing sa likuran kaya mabilis akong napalingon.

"Dalia, Xavier is sick." Aniya gamit ang malamig na boses.

Hanggang ngayon masama pa rin siguro ang loob niya sa 'kin dahil sa mga nasabi ko.

Lumipat ang paningin ko kay Xavier na ngayon ay nakadukdok ng nakatagilid sa desk niya. Halos maligo na siya sa pawis na namumuo sa noo niya, bahagya ring namumula ang mukha niya dahilan para magsimula akong makaramdam ng kaba.

Into the Other World (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang