Chapter 11
‘Tutorial Session: Day 1’
[HANI's POV]
Natapos nang kumanta ‘yung banda nila Hanz. Infairness, magaling sila ha. ‘Di ko alam na may talent pala 'tong mga 'to pagdating sa pagtugtog. Tapos ‘yung si Exzen, maganda pala boses nun. Haha.
Nakatingin pa rin ako sa stage. Agad na bumaba si Exzen at nagtungo sa may counter? Mag-iinom ata. Oh well, I don't care. All I wanna see is Hanz my labsss.
Pero itong si Bes Xhe, kanina pa nakatingin kay Exzen. Mukhang balak niya atang tunawin sa titig 'yung lalaking 'yun!.
Si Hanz my labsss naman, dumeretso agad sa isang table kung saan naka-upo si Cleo and her friends. Aish. ‘Di manlang ako napansin!
"Oh, buti naman at nakarating kayo. Sinama mo pala sila." Bati sa ‘min ni Drake na kakarating lang galing stage.
Nga pala, siya ‘yung nag-imbita sa ‘min dito. Ay mali—si Bes Erah lang pala inimbita niya. Sinama lang kami.
Nag-usap lang silang dalawa doon. You know, Erah and Drake. Tapos sila Tyler at Dexter, nagpunta sa dance floor. Habang si Bes Xhe naman, nakatingin pa rin doon kay Exzen.
"Oy Bes. Hanggang kailan mo siya balak titigan? Tunaw na eh." Sabi ko kay Bes Xhe na may kasamang paghampas sa braso niya para naman matauhan.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo d’yan?"
"Deny ka pa eh! I see you kaya. Nakatitig ka kay Exzen. KANINA PA."
"Hindi ah! Pinanood ko lang silang tumugtog. ‘To, malisyosa!"
"Weh? Eh hanggang dun sa pagpunta niya sa counter, ‘di naalis ‘yang malagkit mong titig. Tapos sasabihin mong ‘di ka nakatingin sa kanya?"
“Malagkit na titig ka d’yan!”
At ayun! Pinagtaasan niya po ako ng kilay!
"I know you Bes. May bumabagabag sayo kanina pa. ‘Di ba? Ano ‘yun? Care to share?"
"Pshh. Fine. Nakatingin nga ako sa kanya. HAPPY? Mukha lang kasing may kakaiba sa kanya."
Hahaha! Sabi na eh, aamin din pala siya!
"Sus, nag-aalala ka naman." Pang-aasar ko pa sa kanya.
"Hindi ah. ‘Di lang ako sanay na makita siyang ganun kaya ganito ako. Pwede ba, ‘wag kang mag-isip ng kung anu-ano d’yan!" She said and then she frowned.
Kaya naman tinigil ko na ‘yung pang-aasar sa kanya. Nilibot ko ng tingin ‘yung buong bar. Nakita kong papalapit na sa table namin si Stanley.
"Hey Girls. Nandito pala kayo." Bati niya tapos tumingin siya sa ‘kin.
"O, nandito ka pala. Hi slave." He greeted.
YOU ARE READING
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
