Chapter 40
‘Declaration of Love’
“I wish falling in love has traffic lights too. So that I would know if I should go for it, slow down or just stop.”
---xxx
[ERAH’s POV]
“Iniiwasan mo ba ako?” He asked.
Nandito kami sa office ng Student Council. Kaming dalawa lang ang tao ngayon. May pinakuha kasi sa ‘kin si Ms. President at hindi ko naman inaasahang nandito rin siya.
Mukhang nakakahalata na siya sa pag-iwas ko sa kanya.
“Hindi ahh. Bakit naman kita iiwasan?” I denied. “Sige, una na ako. Ibibigay ko pa ‘to kay Ms. President.” I said tapos nagsimula na akong maglakad palabas ng office.
“Tulungan na kita d’yan.” Alok niya tapos naglakad siya papalapit sa ‘kin.
“A, e, ‘di na! Okay lang. Kaya ko na ‘to. Magaaan lang naman ‘to e.” I said, pertaining to the box na bitbit ko. Naglalaman ‘yun ng mga props na gagamitin para sa aming booth—ang Marriage Booth. “Salamat na lang.” pahabol ko pa tapos nagsimula na akong maglakad palabas ng office pero hinarang niya naman ako kaya hindi tuloy ako makaraan.
“Drake, pwede bang tumabi ka ng kaunti? Hindi ako makaraan e.” Sabi ko. Pero hindi siya gumalaw. “Ano ba Drake, nagmamadali ako. Kailangan na ‘to doon sa boo—” I am not able to finish what I was saying dahil bigla na lang siyang nagsalita.
“Alam kong iniiwasan mo ‘ko, ‘wag ka nang magkaila.” He said, habang nakatitig siya sa mga mata ko. Ang lapit niya sa ‘kin. I could smell his perfume. It was so intoxicating. And his eyes, para akong malulunod dahil sa titig niya. Darn, ano ba ‘tong pinag-iisip ko? “Answer me, why are you avoiding me?” he asked.
“Hindi nga sabi kita iniiwasan. Kaya pwede ba, tumabi ka na d’yan. Marami pa akong gagawin.” I said. But he didn’t even move a single inch. Bakit ba napakapersistent niya ngayon?
Tinitigan ko siya ng masama pero hindi pa ‘rin siya gumagalaw. Kaya napilitan akong sabihin ang mga katagang ‘di ko dapat babanggitin.
“Fine. Iniiwasan nga kita. E ano naman sayo? Lagi mo namang kasama si Phenelope kaya okay lang ‘yun. Saka isa pa, baka magselos pa ‘yun sa ‘kin.” Inis kong sabi. Sheez, I sounded like a jealous girlfriend. “Oh ayan, nasagot ko na ‘yung tanong mo. Kaya pwede ba, paraanin mo na ako.”
Tumawa lang siya sa sagot ko tapos nag-smirk. Fuu, anong nakakatawa sa sinabi ko? Napakunot tuloy ang noo ko.
“What’s funny?” I asked him, irritated.
“Hahaha. It’s just that, you sound like a jealous girlfriend. ‘Wag kang mag-alala, hindi ko naman girlfriend si Phenelope kaya hindi ‘yun magseselos sa ‘tin.” He said. Hindi pa rin naaalis ‘yung naka-plaster na grin sa mukha niya. Nahampas ko tuloy siya sa braso niya sabay sabing; “Hindi ako nagseselos ano! Ang kapal mo naman. Tss.”
YOU ARE READING
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"
