[00] Introduction

39.9K 466 65
  • Dedicado a Edmarie Lozanta
                                        

It Started With FLAMES

Written by: ellesanity (Former CherrySnow) of Wattpad.

December 05, 2012 – October 30, 2013

DO NOT COPY MY STORY. PLAGIARISM IS A CRIME. THANK YOU.

 

Introduction 

“Love hurts.”

---xxx 


LOVE? Ano nga bang feeling ng in-love? Syempre, masaya. Masarap sa feeling. Nakaka-inspire. Parang ang sarap mabuhay. ‘Yung feeling na mapapangiti ka nalang bigla nang dahil lang sa kanya. ‘Yung feeling na nakakagawa ka ng mga bagay na akala mo imposible nang dahil sa kanya. 

Sa una masarap ma-inlove. Pero kapag nagmahal ka, ‘di naman maiiwasang magselos, masaktan, umiyak, umasa, at mahirapan. Kapag nagmamahal ka, kaakibat na nito ang sakit at mga pagsubok na darating sa buhay mo. Hindi naman ‘yun maiiwasan dahil nagmahal ka.

‘Pag nagmahal ka, ‘di rin maiiwasang mabigo ka. Darating pa sa punto na nagagawa mong magsakripisyo, magpakamanhid at magpaka-martry. Pero sabi nga nila; “Love Conquers All.”  Kung mahal niyo talaga ang isa't isa, kung may tiwala kayo at ang kung kayo talaga, KAYO TALAGA HANGGANG SA HULI. Pero… hindi naman lahat ng umiibig, nakukuha ang happy ending na hinahanap nila. Hindi lahat, nagiging maligaya sa bandang dulo ng istorya. Minsan kasi, kaya tayo nabibigo ay dahil merong ibang taong nakalaan para sa atin. At sila ang dapat nating hanapin. 

Dahil nagkwekwento ako about sa love, naalala ko tuloy ‘yung larong FLAMES. Larong kinahiligan ko mula elementary hanggang ngayon.

 

-

Friends

Lovers

Anger

Marriage

Enemy

Sweetheart

For Short:

FLAMES.

 

Ito yung laro kung saan malalaman mo kung ano ba talaga ‘yung kahahantungan niyo ng Crush mo o ng taong mahal mo. Dito raw malalaman kung ano nga ba kayo d’yan sa mga nabanggit sa itaas.

Pero s’yempre, gaya nga ng sinabi ko, it is just a GAME. Laro lang ‘to. Walang halong katotohanan ang lumalabas na resulta rito. Mangyari man 'to, nagkataon lang at hindi dahil sa eto 'yung prediction ng FLAMES.

-

“O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d’yan huh? Crush mo 'ko ‘no?”

 -

Isang simpleng laro lang ang FLAMES.

‘Di ko inaakalang dahil dito… mag-uumpisa ang lahat.

  

Ang dahilan kung bakit niya ako pinansin.

Ang nagtulak para mas makilala namin ang isa't isa.

Dahilan kung bakit ko siya minamahal ngayon.

At ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

  

***

 

Elle's Note: If you found some grammatical errors/misspelled words, please do tell me. May contain profanities and language that are not suitable for young readers so please be guided. This is not so good as what you may think so don't expect too much. If you wish to continue reading this story, proceed to the next chapter.  

Thank you. Enjoy reading!

PS: This isn’t a fan fiction of Suzy Bae and Kim Soo Hyun. I just used Suzy Bae and the others to portray my characters because I just want to. You can imagine your own Nathalie, Xen, Hani, Erah, Stanley and Drake though. :>

It Started With FLAMES (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora