One thing I hated about being a writer was that I couldn't sleep unless I had written the thoughts and scenarios swimming in my head.
Tulog na silang tatlo habang nagsusulat pa rin ako rito sa sala. Nakakainis kasi kung kailang pa-madaling araw na ay saka naman gumagana nang maayos ang utak ko pagdating sa pagsusulat. Nakadagdag pa sa inis ko ang tablet. Hindi ako sanay na walang physical keyboard na ginagamit kapag nagsusulat dahil madalas ay laptop o desktop namin ang gamit ko.
Mabuti nga at may natira pang snacks mula sa mga binili namin kaninang umaga dahil mas nakakapagsulat ako kapag may kinakain. Ang kulang lang ngayon ay kape kaso baka hindi na ako tuluyang makatulog 'pag uminom pa ako. Besides, ayaw kong lumabas nang ganitong oras kahit 24 hours na bukas ang camp store.
I checked the time, but immediately regretted it when the digital clock changed from 2:59 AM to 3:00 AM. Nanindig ang mga balahibo ko dahil doon at agad kong na-imagine na may gumagalaw na mga anino sa paligid. Kahit hindi pa ako inaantok ay kumaripas ako ng takbo sa kuwarto.
***
I couldn't sleep.
Pagtingin ko sa orasan ay 5:40 AM na at kung pipilitin ko lang matulog ay baka late na ako magising o sumakit lang lalo ang ulo ko.
Dahil mukhang hindi na rin naman ako makakapagpahinga ay bumangon ako at naghilamos. Medyo lumiliwanag na rin naman ang paligid kaya nawala na rin kahit papaano ang takot ko.
Come to think of it, mukhang maaabutan ko ang sunrise ngayon. That made me quite excited. Kapag may pasok kasi, madalas ay nawawalan ako ng paki sa paligid dahil ang iniisip ko ay kung hindi ako male-late sa unang subject. Kapag weekends naman, hapon na ako nagigising. This was the first time I could actually watch the sunrise properly.
I slowly opened the door of the cabin, careful not to wake the three up at this ungodly hour. The camp was silent, except for the occasional buzzing of crickets and cicadas, and chirping of birds. Tanging ang main cabin lang ang mayroong tao sa labas dahil naghahanda na ang staffs para sa isa na namang araw.
Naglakad ako papunta sa stone bridge sa bandang dulo ng camp. Beyond that was the mini forest and hanging bridge. Doon mas makikita ang sunrise. Habang nasa stone bridge ako ay may nakita rin akong naglalakad patungo sa hanging bridge.
The girl halted in front of the cliff, and carefully laid out a blanket. Inilagay niya ro'n ang mug ng kape na hawak niya at umupo habang nakatingin sa langit. Hindi ko agad na-realize na nakatingin lang ako sa kanya kaya pareho kaming nagulat nang magtama ang mga mata namin.
It turned out it was Yena, the fantasy writer whom I wanted to get close with.
"H-Hi," I nervously greeted.
Dahil magkatabi lang ang cabin namin ng pink at green team ay madalas ko rin siyang makita sa porch. Teammates niya lang din ang kinakausap niya pero kapag nagkakataon na pareho kaming nasa porch ng cabins namin ay nagtatanguan lang kami.
As a timid person and an introvert, wanting to be friends with someone who shared the same traits was challenging and frustrating at the same time. Hindi ako sanay na ako ang nag-i-initiate ng usapan at madalas ay ako ang kinakausap. But this time, being silent would just raise the awkwardness even more.
"Hello," mahina niyang bati. "Y-you're here for the sunrise, too?"
"Ah. Oo."
I was taken aback, to be honest. Akala ko ay mahihirapan siyang kausapin ako dahil ang impression ko ay mas mahiyain siya kaysa sa akin. But maybe because I greeted her first ay mas naging madali para sa kanya ang conversation?
BINABASA MO ANG
Challengers
AdventureAfter graduating, all Elix wanted to do was rest for a while, but an invitation changed the course of her summer vacation. She had been a writer on an online platform since college and accumulated quite a huge number of readers. She received an invi...