01 : I Got a Letter

9.7K 459 121
                                    


The thing I was excited for wasn't even our graduation, it's the summer vacation.

Pagkatapos ng apat na taon sa college, sa wakas ay makapagpapahinga na rin ako nang matagal-tagal. Of course, may review para sa board exam pero after three months pa naman 'yon. Babawi ako ng tulog at pahinga na hindi ko masyadong natikman nitong mga huling buwan. Yes, finally, I could sleep and rest without thinking about lectures, thesis and exams.

And yet here I was, getting disturbed by my annoying sister at 8 in the morning.

Binalot ko ang buong katawan ko ng kumot at hinayaan siyang magsalita mag-isa. Nakakainis. Ito ang first day ng summer vacation tapos gigisingin niya ako nang ganito kaaga?

"Kapag 'di ka pa bumangon dyan, hahampasin talaga kita," she threatened.

"Subukan mo, hahampasin rin kita," I mumbled, my eyes still closed. Bigla namang tumahimik ang paligid kaya natuwa ako. Great. No more annoying s—

Napabangon ako nang naramdaman ko ang pagtama sa akin ng makating tambo. Pagdilat ko ay patuloy pa ring pinapagpag ng kapatid ko sa akin 'yon kaya tuluyan nang nagising ang diwa ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

"O ayan, may sulat ka nga!" she grumbled as she threw the envelope on my bed. "Naistorbo pa tuloy ako sa ginagawa ko."

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa pintuan ng kwarto. She just marched away after waking me up. Nakakairita. Pwede namang itabi muna 'yong sulat hanggang sa magising ako. For sure, gumanti lang 'yon dahil nagising din siya kahapon habang nagp-prepare ako for our graduation rites.

I checked the time and cursed under my breath. Balak ko pa namang mamayang hapon pa magising kasi nga bakasyon na. Pero dahil nawala na rin ang antok ko ay tiningnan ko ang binigay na envelope ng kapatid ko. Pinunit ko 'yon at kinuha ko ang papel sa loob.


To Ms. Elix,

We are pleased to inform you that you are invited to our first reality program as a guest challenger. This program is part of our outreach project to both authors and readers who are with us from the start until now.


Unti-unting kumunot ang noo ko habang patuloy na binabasa ang letter hanggang sa makarating ako sa last paragraph.


The proposed project will last for 40 days, and all of your necessities will be provided. However, the mechanics will only be explained once you reached the destination. Please take note of the time and meeting place at the back page. In addition, please refrain from post anything about this event on your social media accounts for the mean time.

Thank you for your cooperation and we are looking forward to your participation.

Sincerely,

Hannah Jung

Creative Team Head


Binasa ko naman nang paulit-ulit ang sulat dahil feeling ko ay nagkakamali lang ako ng tingin. Teka, totoo ba 'to? Bakit parang scam?

Napatakbo agad ako sa harap ng laptop ko at agad-agad kong in-open ang site na nakalagay sa papel. All of a sudden, I remembered the survey that was sent to us by the creative team.

"Ahh! Ito ba 'yon?"

Napa-check agad ako sa profile ko sa online site na 'yon. Matagal na akong member dito at active rin naman ako pero hindi ko akalain na 'yong survey na pinasagot sa amin sa inbox ay may kinalaman pala rito. May tanong kasi ro'n tungkol sa 40 day-vacation at kung sakaling available daw ba ako. Hindi ko pa naman sineryoso ang mga sagot ko ro'n, thinking na para lang 'yon sa isang story or something.

ChallengersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon