Prologue

26 5 4
                                    

STAR LYNE 

I SIGHED inis kong tinapunan ng tingin ang basurahan na napupuno na ng mga nilukot kong sketches. Hanggang ngayon ay wala paring matinong design ang pumapasok sa isip ko. Kung bakit ba naman kasi ako ang na-asign sa project na ito. 

Importante ang project na ito for the company. Kaya ganon nalamang ang pagkabugnot ko nang malamang ako ang mag ha-handle nito. Nakasalalay ang pangalan ng company dito at hindi pwedeng sumablay to. Mawawalan ako ng trabaho.

Ang sabi ng head ng department namin ay ako raw mismo ang napili ng client na mag handle nito. 

"What Sir?!" Gulat akong napatayo, gusto kong magreklamo sobrang malaking maling desisyon po yung ginagawa niyo sir I'm very much againts to it. No No

"You can't do anything about it Architect the client personally asked for you to handle the project. plus this is a great opportunity to prove yourself to the company. You can't say no, the company is relying on you Architect Lyne."

Marahas akong napabuntong hininga nang maalala ko ang naging usapan namin ni Sir kanina.

Obviously wala akong choice kung hindi ang tanggapin ito kahit labag sa kaloob looban ko. 

Pasado alas dose na ng tumayo ako at inayos ang sarili ko. Sabi ni Sir ay pwede ko na daw bisitahin ang site na pag tatayuan ng bahay anytime I'm free.

Since malapit na akong mapikon sa ginagawa ko ay nagdecide akong puntahan nalang ngayon. Medyo malayo layo pa iyon dahil sa Cavite daw ang location. 

Sa tingin ko pa ay aabutin pa ako ng isang oras bago ako makarating doon.

Kung hindi nga naman ako minamalas at nasa Cavite pa ang location sa bagong project namin. Sana lang ang hindi magtagpo ang landas naming dalawa dahil iyon talaga ang iniiwasan kong mangyari.

What am I even thinking kung wala nga siya dito sa Pilipinas? Ang gaga mo talaga Star.

Pagkababa ko ng jeep ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko. 

No way.

Imposible naman yata.

Nilabas ko ang contract at dinouble check ko ang location.

Tama naman ang napuntahan ko.

Nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga at naglakad habang nililibot ko ang tingin sa paligid.

Malawak ito at maaliwalas ang paligid mayroon itong view na ang gandang pagmasdan. 

"Ang ganda dito hon. Ano sa tingin mo? Gusto ko dito natin itatayo ang magiging bahay natin at gagawa ng sarili nating pamilya. Ano sa tingin mo hon?"

"What ever you wish for boo, let's make it happen."

Ramdam ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Ramdam ko din ang pagtulo ng mainit na likido na nagmumula sa kaliwa kong mata. Kasabay nito ang pagbuhos ng mga ala-alang kailan man ay nakatatak na sa aking puso't isipan.

......................................................................................................................................................................................................................................

Your past is always your past. 

Even if you forget it , it remembers you.

TILL' OUR NEXT ECLIPSEWhere stories live. Discover now