02

15 6 8
                                    

Dedicated to athaliaaa_pretty

Time flies really fast.

Dalawang linggo na ang nagdaan simula yung nangyari ang kahihiyang ginawa ko noon.

Nasa cafeteria kaming magkakaibigan dahil break naman namin, hindi ko na alam ang pinaguusapan nila dahil kasalukuyang lumilipad ang utak ko.

Napatingin ako sa pintuan ng May pumasok doon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya, Oh my god anong ginagawa niya dito.

Malamang cafeteria to teh, hindi naman para sa sarili mo lang, malamang mapapadpad ang isang gwapong yan dito.

Napairap ako sa hangin sa naisip kong yon. Masyado ka nang nagiging tanga star.

"Anong iniirap irap mo diyan beh?" Tanong sakin ni athalia at nagtingin tingin sa paligid.

Kinalabit siya ni Xy at tinuro ang lalaking iyon. Nagkatinginan pa silang dalawa bago tumawa at sinundot sundot ako sa tagiliran.

"Ano ba!"

"Ayiee crush mo noh?" Inirapan ko lang ang tanong na yon ni Xy.

"Nako beh, wag mo kaming iniirapan diyan. So crush mo nga? Tigilan Moko beh tigilan Moko beh!" Sa sobrang lakas ng boses ni Athalia ay pinagtinginan na kami ng mga malapit na table saamin.

Nag sorry lang si athalia sa kanila at nag peace sign.

"MAREEEEE!!!!" Patakbong lumapit sa aking si Max at niyakap ako.

"Ano ba mare yang bunganga mo nakakahiya ka" sabi ko sakanya dahil muli nanaman kaming pinagtinginan.

"Mas nakakahiya ka naman mare, Tara kantunan" pang gagaya niya pa sakin

Tumawa silang tatlo at inasar nanaman ako.

Sige magsama sama kayo

"Alam kong nakakahiya ako don wag mo na ipamukha" sabi ko sakanya.

"Ay serious much beh? Kalat na kaya sa buong campus, diba mga beh?" Umagree naman ang dalawa sa sinabi ni Athalia.

"Seryoso?!" Gulat ko silang tinignan.

"Yes beh, ako pa magpapahuli sa chika? No way beh. Narinig ko ang mga manok kanina na tumitilaok pagkapasok ko ng gate, narinig ko ang pinaguusapan nila. Ikaw yun beh medyo nakakahiya ka beh pero maganda ka padin naman." Sunod sunod na sabi ni Athalia habang kumakain.

"Kasi naman mare sa lahat nalang nang mapag t-tripan mo ang president pa ng SBO" segunda ni Max.

"President ng SBO?"tanong ko.

"Yes beh, president ng SBO as in 'Student Body Organization'"
Sabi ni Xy.

Tangina?

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Talaga bang gumawa ako ng kahihiyan sa SBO president?

Wth? Pano naman kasi ako maniniwala kung naturingang SBO president siya sa unang tingin palang no? Tsk tsk tsk.

Buti nalang pogi ka.

"Anong iniiling iling mo diyan beh nasisiraan Kana ba ng ulo?" Kunot noong tanong ni Athalia

"Sira! Wala to" hinampas ko siya sa balikat na nagpangiwi sa kanya.

Umalis na si Max dahil ang sabi niya sakin ay tinext daw siya ng jowa niya para makipag kita. Sana all.

Natapos na din kaming kumain at bumalik kami sa room since tapos na din ang break time.

Hapon na at nakatambay ako dito sa oval. Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang naglalaro ng soccer sa field.

Wala ang dalawa dahil bibili daw muna sila ng pagkain sa cafeteria. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad ang init pati.

Wala nanaman kasi ang PE teacher namin na dapat ay PE namin ngayon.

"Hey" halos mapatalon ako sa gulat ng May magsalita sa likod ko.

Hinarap ko siya at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko siya. Really? Anong ginagawa niya bakit nandito siya? Wala din ba siyang klase?

Ano bang pakealam ko?

"Eyy?" nasagot ko nalang sa kanya.

Nakapamulsa siya habang nakasandal sa May puno katabi ng inuupuan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.

Magulo padin ang buhok niya ngunit wala na siyang salamin ngayon. May kakapalan ang kilay niya ngunit maganda. Kulay brown ang kanyang mata at May nunal siya sa May kilay niya. Matangos ang ilong niya. At sobrang puti niya din.

Mukhang sa harina siya pinaglihi. Tama tama. Ang galing ko talaga.

Napadpad ang tingin ko sa id niya, nakita ko ang pangalan niya don.

Clark Kaizer Zotomayor

Ang gwapo ng pangalan kasing gwapo niya.

"What's up?" Tanong niya sakin.

"Eh?" Muntik ko ng masampal ang sarili ko sa naging sagot ko. Gaga ka star.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Ang sexy omayghatt

Bakit niya ako kinakausap? may gusto ba siya sakin? na love at first sight naba siya sa ganda ko?

Tigilan mo ang pag aassume teh

Tinignan niya lang ako saglit bago tumingin ulit sa field. Tumingin nalang ako sa kalangitan dahil ang ganda niyang tignan ngayon. Sobrang blue ng kulay niya at magaganda din ang hugis ng mga ulap.

Pagtingin ko sa kinatatayuan niya kanina ay wala na siya doon. Tumingin ako sa paligid at nakita na siyang naglalakad papalayo.

Bakit kasi ang gwapo mo

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Do what makes your soul shine.

TILL' OUR NEXT ECLIPSEWhere stories live. Discover now