01

23 6 5
                                    


"DALIAN MO na kasi babe a dare is a dare." Pinagtaasan ko lang ng kilay si Qey nang sabihin niya yon sakin.

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng classroom at hinihintay ang pagdating ng susunod na teacher namin, paniguradong late nanaman siya dahil wala nang araw na hindi ito nala-late, isang himala nalang siguro kung maging early bird or sakto ang dating niya sa klase.

Kaya sa pag ka bored namin ay naglaro kami ng truth or dare, truth ang pinili nila habang dare naman ang akin.

Wala kasi akong nararamdamang excitement lalo na pag truth ang pinili ko. Paniguradong magsisinungaling lang ako Sakanila. Dahil nakukutuban ko na ang kanilang itatanong. Kaya pinili kong mag dare.

"Parang hindi mga kaibigan" bulong ko. Na narinig din naman nilang dalawa.

"Oh my God ka babe, don't tell me umaatras ka?" Nakangising sabi ni Athalia.

"Ako? Sinong May sabing umaatras ako? Hinahamon niyo ba ako?" Taas noo kong sabi.

"Yes yes. Star dali na gawin mo na we just have to wait here."

Pinatayo nila ako sa harap ng pinto at doon kami nag hintay ng dadaan.

Nakaharang kaming tatlo sa May pinto kaya naman tuwing May papasok ay nagrereklamo sila saamin.

Simula nung pagtungtong ko sa highschool ay naging magkakaibigan na kami, at matagal ko na din naman silang kilala dahil madalas ko silang makita sa church pero ngayon lang highschool kami naging close.

Sabay sabay kaming bumuntong hininga nang wala pa kaming makitang dadaan na lalaki.

Paano ba namang wala eh class hour ngayon. Tamad lang talagang magturo ang teacher namin ngayong oras na to. Or baka naman ay nasa meeting siya.

"Omaygas ate star. It's your time to shine, ayan ayan oh May dadaan." Tulak sakin ni Xy na sinamahan din ng pagtulak ni Athalia.

Sa pagtulak nila ay natisod ako sa pasong nakaharang sa May pinto ng room at dere-deretso akong lumagapak sa sahig.

Narinig ko pa ang tawanan ng iba naming kaklase. Tumayo agad ako at pinagpagan ang damit ko. Kaagad ko namang tinignan ng masama yung dalawa at nag peace sign lang sila.

May tinuro sila kaya sinundan ko yun ng tingin. Nalaglag ang panga ko ng makakita ako ng nakatayong lalaki sa harap ko.

Oh god blessing ba ito? Ang pogi.

May katangkaran siya at matangkad siya sa akin, kahit na ako ang pinaka-matangkad sa aming magkakaibigan. Magulo ang kanyang buhok at nakasuot siya ng reading glasses. Ang hot mo fafa.

*Ehem*

Narinig ko siyang tumikhim at pinasadahan ako ng tingin. Umangat ang isang kilay niya na para bang sinasabi niya na 'miss your standing in my way'

Tusukin ko mata mo.

Kaya dali dali akong tumabi sa daan. Nilapitan naman ako ng dalawa at pinagpasa pasahan nila ako ng tulak.

"HOY KA!! Yung dare nakalimutan mo na!" Xy

"Omygad beh sa sobrang pagka starstruck mo sakanya nakalimutan mo na kami at ang dare namin. Anong feeling beh?" ani ni Athalia.

"HABULIN MO NAAAA DALIII!!!" pagtulak pa nila sakin.

Nasubsob ako sa likod ng lalaking yon na kanina ay nasa harapan ko lang. Lumingon siya sakin nang Naka kunot ang noo.

"Uhmm... Tara kantunan" Gusto kong matunaw na lang dito.

LUPA KAININ MO AKO FLEECE LANG

"What do you think your saying?" tumaas ang isang kilay niya saakin.

Ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap niya.

Lord bakit naman ganito. Minsan nanga lang makakita ng pogi. Ganito pa Lord.

"Sorry Dare lang" tumalikod kaagad ako sakanya.

Nakaramdam ako ng sobrang awkward. Ano ba naman kasing dare yan 'ANG DIGNIDAD KO!'.

Ang dare kasi nila sakin ay kung sino man ang unang lalaki na dadaan sa tapat ng room namin ay sasabihan ko ng 'Tara kantunan' na word na yon. Andami daming words at yun pa ang napili nila. Gosh. Pakiramdam ko talaga nawala ang dignidad ko.

"Tsk" narinig kong bulong niya. Pagkaharap ko sakanya ay naglalakad na siya palayo.

Ang sungit pero gwapo

Tinignan ko pa siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Tumalikod na din ako at naglakad papunta sa mga kaibigan ko. Nakatingin sila sakin habang nakangiwi.

Buntong hininga nalang ako at bagsak ang balikat na naupo sa upuan ko.

Inasar asar pa ako ng dalawa sa kahihiyan daw na ginawa ko paniguradong nasaksihan yon ng mga kaklase ko dahil sa mismong tapat ng room iyon nangyari.

Anong kahihiyan ang ginagawa mo sa buhay mo star nakakahiya ka.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Meeting someone unepectedly 

who becomes so important to you is such an unbelievably special thing

TILL' OUR NEXT ECLIPSEWhere stories live. Discover now