XIII: Nella Fantasia

2.1K 114 8
                                    

Peia's POV:

"Wait! Sandali lang!" sigaw ko habang hinahabol si Kenji dito sa may eskinita.

Alam mo yung lakad niya equivalent sa takbo ko eh.

Finally! After ng mala-marathon kong takbo para lang maabutan siya, naabutan ko rin!

"Sabi ko wait lang diba!" irita kong pagkakasabi.

Pumunta ako sa harap niya dahilan para sapilitan siyang mahinto.

Itinaas ko ang kamay ko at ini-stop sign sa harap niya.

"Time first" sabi ko at binaba ang kamay ko sa tuhod kasabay ang naiwan ko pang kamay.

Yumuko pa ko ng kaunti para mahabol ang hiningang inutang niya sakin.

"Bat- bat ayaw mo huminto?" Tanong ko na medyo out of breath parin.

"Why would I?" aroganteng tanong niya.

"Bingi ka ba?! Sabi ko wait diba!"

"Anyways, pupunta daw sa bahay ni Watanabe sa sabado, 1 pm daw" pag-iinform ko.

"Convince me" smug na hamon niya sakin.

"Kapal mo naman"

"I'm not the one who needs you. YOU need ME" pag-eemphasize niya.

May point siya pero...

Paano ko naman kokumbinsihin to? Eh sa bugbugan lang to magaling eh- Tama!

May invisible light bulb na bigla nalang umilaw sa taas ng ulo ko nang may maisip akong solusyon.

"Pag natalo kita? Papayag ka nang makipag-cooperate samin?" Paglilinaw na tanong ko.

"Fight?" ngumisi siya na parang alam na alam na niyang di ako mananalo.

"Then show me what you got, Peia"
















"Are you kidding me?"

Tinignan ko siya ng may 'what' face.

"Oh bakit? Laban parin naman to ah!" Depensa ko sa sarili.

Dinala ko siya sa arcade.

Huh! Di niya ata alam na laman ako lagi ng sm kada pasko. Kabisado ko mga pasikot-sikot ng mga laro sa arcade no!

"Ganito, sa loob ng 10 games... Kung sino may pinakamadaming wins, siya mananalo" sabi ko at inabot ang kamay ko sa harap niya.

"Wag mo sabihing natatakot ka?" Pang-aasar ko.

Si Kenji ang pinakapikunin sa kanilang apat, kaya alam kong tatalab tong pang-aasar ko.

"I'm not!" agap na sagot niya.

"So it's a deal then?" Shinake ko pa ang kamay kong nakalutang parin sa ere.

Labag sa loob na inabot niya yun at shinake.

"You bet. I'll beat you up in this stupid game"











"First game. Indiana Jones"

Nakaupo kaming dalawa sa harap ng dalawa ring Indiana Jones machines.

"Kung sino makakakuha ng madaming tokens. Siya ang panalo" paliwanag ko bago nagsimula ang game.

The Extra Protagonist Where stories live. Discover now