CHAPTER 12 - FIRST SIGHT

597 27 0
                                        

KARA'S POV~

(Saturday Morning)

Nakaharap lang ako sa salamin with my messy hair and nerdy glasses. At as always ang manang Kara fashion ko.

Haay.           

Nagbago nga ako. Iniba ang itsura ko. Pero san ba ang Dad ko ngayon?

Hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal at pag-alaga nya sa akin.

Parang kinalimutan na nyang may anak syang nag-e-effort para hindi sya iwan ng Dad nya.

Hindi pa ba talaga sapat ang ginawa ko para hindi na nya maalala ang mama ko at para hindi na sya masaktan? O baka wala na talaga syang pakialam sa akin?

Miss na miss ko na ang Daddy ko.

Yung ngiti nyang nakakahawa, ni minsan hindi ko na nakita ulit yun.

Yung bigla nalang nya akong bubuhatin kasi ipapamukha nyang malakas pa sya at hindi pa sya matanda.

Yung mga araw na nagba-bonding kami sa park at binili nya ako nung teddy bear.

Yung birthday ko..

Yung 17th birthday ko na kinalimutan nya..

San na ba kasi ang Daddy ko? bakit parang wala na sya sa buhay ko?

At hindi ko na naman napigilang umiyak. Kainis naman oh.

Ano ba kasing dapat kung gawin para labanan yung mga nananakit sa akin? Dobleng sakit na naman ang nararamdaman ko. Tama na ang sakit na nakukuha ko galing sa Dad ko. Ayoko nang madagdagan pa yun at lalo na kung nang dahil lang sa mga taong ayaw malamangan.

Lalaban na nga ba talaga ako? Pero hindi ko ata kaya. Hindi ko alam kung paano. Ayokong may mapahamak. Sapat na ang ako ang masaktan basta wag lang ang mga taong importante sa akin.

---

(Sunday Morning)

I’ve decided.

Ngayon lang talaga to. Ngayon lang araw nato.

Ito lang ang naiisip ko.

Gusto kong malaman kung anong pinagkaiba ng totoo kong anyo sa manang fashion ko.

Off to church.

Paglabas ko ng apartment. May taxi agad na huminto.

“san po tayo miss?” tanong nung driver

Medyo nanibago ako kasi ‘miss’ ang tawag sa akin hindi ‘manang’

“a-ah sa Cathedral po manong”

At pinaandar na nya ang taxi.

Pagkababa ko, marami ng tao sa paligid ng simbahan kasi malapit ng magsimula ang third mass ngayong umaga.

Habang naglalakad ako, parang kinikilabutan ako sa tingin ng mga taong nakakasalubong ko.

Pangit ba ang sout ko? may dumi ba sa mukha ko?

Well, sanay naman akong pinagtitinginan pero iba ang tingin nila ngayon.

Iba ang tingin nila nung manang kara fashion ko kaysa sa porma ko ngayon.

Eh kasi yung suot ko ngayon yung regalo ni Wendee sa akin na whole dress na above the knee at kulay white ang upper part na may three-fourth laced sleeve at kulay dark blue naman ang skirt.

Nanibago nga ako sa suot ko eh. Parang naiksian ako.

Tas nilugay ko lang ang sinuklay ko na na long wavy brown hair ko

Hide 'n SeekМесто, где живут истории. Откройте их для себя