KARA'S POV~
Laking gulat ko ng biglang pumasok si Wendee sa kwarto ko..
Sa gulat ko, ilang segundo pa bago ako natauhan na hindi pala ako naka-manang Kara fashion kasi nga kakaligo ko lang kaya agad kong kinuha at sinuot ang glasses ko.
"K-k-k-kara?!" sigaw ni Wendee
Mukhang galit sya kasi nakakunot na yung noo nya. Ayokong magalit sya at isiping nagsinunggaling ako.
Kailangan ko na yatang sabihin sa kanya ang lahat.
"Wen.. sorry kong hindi ko nasabi sayo. Hindi sa nagsinungaling ako o—-"
"Kara !! ang ganda mo! Tanggalin mo yang glasses! Owmaygee! Ang sexy mo!"
Ha?
"t-teka.. hindi ka galit or nagtatampo sakin?"
Tumigil sya tas..
"hahahaha ano bang pinagsasabi mo dyan? Ba't naman ako magagalit? Kasi maganda ka? Haha"
"hindi kasi, naglihim ako na—-"
"bilang kaibigan mo, naiintindihan ko yun at tsaka siguro naman may dahilan ka kung bakit mas pinili mong magpakapangit at titiisin ang pambubully nila diba? Kaya okay lang yun naiintindihan ko at hindi ako galit.. basta ang importante..ANG GANDA MO TALAGA !! SHET ~ NAKAKATIBO KA FRIEND !"
Anla? Anyare dito?
"ah-eh.. mamaya nalang tayo magpatuloy mag-usap Wen, magbibihis muna ako pwede?" kumurapkurap lang sya at ang lapad ng ngiti
Problema nito?
"sige. Hintayin kita sa baba. Magkwento ka habang kumakain tayo, okay?"
Tumango lang ako tas lumabas na sya ng kwarto.
Haay.
Siguro may purpose kung bakit nalaman na ni Wendee ngayon ang totoo kong itsura.
—
Habang kumakain kami ay ikinuwento ko kang Wendee ang lahat at nakiusap rin ako na sana kami lang ang makakaalam nito sa ngayon kasi ayokong may makaalam na iba at dahil na rin sa Dad ko.
"Kara, sayang naman nun. Alam mo, kung hindi ka lang nagpapanggap na manang pag nasa school tayo, naku! Itaga mo sa bato, siguradong maraming manliligaw sayo. Baka nga ligawan ka pa ni Sky o kaya kung sino mang gwapong nilalang sa Achivers."
Gwapo na naman?
"Wen, alam mo na naman kung bakit diba? Ayokong mawalay sa Dad ko. Kasi pagtitigil na ako sa paglihim ng tunay kong anyo, baka..baka ipagtabuyan na nya ako. Tsaka ayokong saktan ang Dad ko. Alam ko kasing pag nakita nya yung mukha ko, maaalala lang nya ang mama."
Niyakap naman ako bigla ni Wendee.
"Naintidihan kong ang hirap ng choice mo Kar, pero kasi.. sana isipin mo rin ang kapakanan mo. Isa kasi sa dahilan ng pambubully nila sayo ay yang fashion mo. Mukha ka kasing dukha, eh anak ka naman pala ng may-ari ng Rycho Appliances dito sa Pilipinas. Idagdag mo pa yang katalinuhan mo na maraming na-iinggit. Oh? sino sa tingin mo ang hindi magiging target ng bullies nyan?"
Napabuntong hininga nalang ako. May point si Wendee pero kasi.. importante para sa kin ang papa ko.
"Alam kong mas importante sayo ang papa mo. Halata naman eh.Ang akin lang naman eh mahalin mo rin ang sarili mo."
Dahil sa sinabi ni Wen, nabanggit ko rin sa kanya yung pagpapalit ko ng anyo kada-Linggo.
Ang saya nya nung nalaman nya yun.. para daw akong isang undercover agent sa isang pelikula.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Hide 'n Seek
Ficção AdolescentePERSONAL DATA Name: Kathy Rain Borromeo Self-description: NPD (no permanent description) Talent: Acting Special Skill : HIDING Why is she hiding anyway? ------------------------------ Love Story po ito. LOVE STORY. Wala pong Horror scene dito. Paki...
