Chapter 1

15.7K 453 47
                                    

Nasapo ko ang aking pisngi nang sinampal ako ni Mommy. She was furious while pointing her finger at me.

"Wala ka talagang respeto! Bakit mo ginaganyan ang daddy mo? Hindi mo ba alam nang dahil sa kanya ay nagkaroon ka ng marangyang buhay? Mahiya ka naman!"

I laughed sarcastically. "He is not my dad, mom."

"He is!" giit niya. "At kailangan mong ipasok sa kokote iyon, Anastasia!"

"He is not my dad!" pag-uulit ko. "And he will never be!"

Nangilid ang luha sa aking mata nang tinalikuran ko siya. Well, this is my life. Kahit gaano pa kabait ang bagong asawa ni Mommy na sobrang yaman ay hindi ko pa rin tanggap.

The new husband of my evil mom is very kind. Sa sobrang bait, tanga rin, madaling mauto at sunod-sunuran. He was fooled by my mom's pretty face. Kaya ayaw ko sa kanya.

He adopted me when he married my mom. He was too kind na pati ang apelyido niya ay ibinigay niya sa akin. It's one of the most influential surname in our town. Ferrer.

Habang ako ay tumatanda, namulat ako kung gaano pala ka-importante ang pera. My stepfather was well-respected because he has everything. Respect nowadays involves money kaya kung meron ka niyan, luluhuran ka ng mga tao. Lahat sila ay susunod sa iyo. Pero kung wala, tatapak-tapakan ka lang.

If my mom loves her husband's money because it will make her powerful, desperada ako sap era upang makaalis dito. Ngunit hindi ko iyon magagawa kasi pinipigilan ni Mommy ang asawa niya na bigyan ako ng pera.

I need money to escape from this family and find my real dad.

"You are grounded, Anastasia! Wala kang makukuha na pera sa amin!" sigaw ni Mommy nang tuluyan na akong nakapasok sa kuwarto.

Padabog kong sinara ang pinto at saka dumiretso sa kama ko. Humilata ako roon at tahimik na pinalis ang luha na tumakas sa mata ko.

Ever since my mom married that rich man, nag-iba na siya. Wala na siyang pakialam sa akin. Mas may pakialam pa siya sa pera ng asawa niya at anak nito. Pinaramdam niya sa akin na sampid lang ako dito. Kaya no'ng minsang inaway ko ang anak ng asawa ni Mommy, kinampihan niya iyo at ako pa ang ginawang masama. Inaway ko lang naman iyon dahil sinabihan ako na malandi.

Bumangon ako mula sa pagkahiga at saka dumiretso sa study table ko. Marami akong natanggap na sulat. Lahat ng iyon ay galing sa mga mararangyang lalaki dito sa buong lungsod na ito. Lahat sila ay hinihingi ang kamay ko para sa kasal.

Ngunit ayaw kong magpakasal sa taong hindi ako bibigyan ng pera. Dapat mayroon kaya minabuti ko munang pag-aralan ang mga pangalang nagpadala sa akin.

☉⁠

"Masakit ba ang sampal ni Mommy?"

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Rina, ang stepsister ko na nakasandal sa pader malapit sa kuwarto ko. Inangatan ko siya ng kilay at saka binalingan siya.

"Masakit. Bakit?"

She laughed and crossed her arms. "Ano ba ang feeling na pati ang mommy mo ay nasa akin na rin, Anastasia?"

"Wala," kalmado kong sagot. "Ikaw? Anong feeling maging pangit, stepsister?" Asar ko siyang nginitian. "Kasi hindi ko naranasan iyon, e."

Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Don't worry." Napawi ang ngiti ko at sumeryoso. "Once na nakapili ako ng mapapangasawa ko, hindi mo na makikita ang pagmumukha ko."

At saka ko siya nilagpasan. Kaso hindi talaga papatalo ang babaeng ito at reresbak talaga.

"Sino naman ang kukuha sa iyo bilang asawa ng mga mayayamang lalaki? Mukha ka namang pera. Walang lalaking uubusin ang pera para sa babaeng katulad mo. Ganda lang ang mayroon ka pero wala kang class! You are just a bitch in here!"

Marahas ko siyang nilingon at saka mabilis siyang nilapitan. Mabilis siyang nakaatras ngunit mas mabilis ang kamay ko na ngayon ay nakahawak na sa buhok niya. Tumagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko.

"Aray!"

Inangat ko ang gilid ng labi ko at saka tinaasan siya muli ng kilay.

"At least maganda ako. Ang class, matutuhan, maaayos, pero ang ganda, hindi. Saka mo lang ako aangasan kapag maganda ka na, ah. Hindi ako nakikipag-away sa mga kalahi ng mga feeling class, cheap naman ang galawan."

Inis kong binitiwan ang kanyang buhok kaya muntik na siyang tumama sa pader. Bago pa man niya ako maresbakan ay biglang sumulpot ang isang kasambahay.

"Ma'am Anastasia, may bagong sulat po na dumating. Para po sa inyo..."

Kumunot ang noo ko. "Kanino galing?"

Binasa naman ng kasambahay ang nasa envelope. "Mula kay Mr. Xyrus Herbert Dela Cerna po."

Umawang ang labi ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang panlalaki ng mata ni Rina.

I smirked.

"Give me that." Sinenyasan ko siyang ibigay sa akin.

"Hey! Sigurado ka bang kay Anastasia iyan? Baka naman ay para sa akin iyan!" agresibong sambit ni Rina at akmang aagawin niya pa sa akin ang envelope ngunit inangat ko ito sa ere.

"Hindi ko akalain na mang-aagaw ka na pala ngayon, Rina?" Tumawa ako pagkatapos. "Hindi naman Anastasia ang pangalan mo, right?"

Napalunok siya.

"This is for me, Rina. Hindi sa iyo."

At saka ako tumalikod upang magtungo pabalik sa kuwarto. 

The Arrogant Wife (Wife Series #1)Where stories live. Discover now