"Welcome back, hijo, and hija!"
Nang nakauwi kami, sinalubong kami ni Tita Xera. She was so happy as she embraced her son. Sino ba naman ang hindi sasaya? Isang buwan ba namang nag-e-enjoy ang anak niya sa piling ko?
Bumuntonghininga ako at saka niyakap si Tita matapos niyang yakapin si Xyrus.
Ngumiti siya sa akin matapos ko siyang yakapin. Tiningnan niya ako at nang may napansin siya, kumunot ang kanyang noo.
"You don't look like yourself today, hija. May nangyari ba? Are you okay?" she asked worriedly and even looked at Xyrus to confirm something.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "I am fine po. I am just tired."
Xyrus sighed. "She's tired, Mom. She needs to rest." Marahang hinapit ni Xyrus ang aking baywang. "Saka na lang tayo mag-usap ulit kapag nasa opisina na ako, Mom."
Agad umiling si Tita. "Kahit huwag ka munang magtrabaho, anak. You should rest too."
Kung nasa tamang ayos lang ako ngayon, baka ngumiti na ako kay Tita o hindi kaya sumabay sa kanyang mapang-asar na ngiti. Pero hindi...I was awake the whole night—thinking about my dad. At ngayong nakauwi na kami, wala akong sakto sa tulog kaya matamlay ako. Mas lalo lamang nagpa-overthink nang malala sa akin ay ang biglang pagkawala ng contact ko kay Frederick. Hindi ko na siya ma-contact. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-panic. Desperada akong makakuha ng sagot mula sa kanya.
Hinaplos taas-baba ni Xyrus ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.
"Puntahan mo muna ang mommy mo, Xyrus," I said. "Matutulog muna ako."
He shook his head. "I am going with you. Hindi kita tatantanan hangga't hindi maaayos ito."
I sighed. "I am tired, Xyrus. Puwede bukas mo na lang ako gapangin?"
Natigilan siya sa sinabi ko. Huminga ako nang malalim at akmang mauuna na sana sa paglalakad nang hinawakan niya ang braso ko. Napatingin muli ako sa kanya.
"What are you talking about?" he asked and slightly smiled. "Ano ba ang nasa isip mo? At gagapangin? Hindi gano'n, Anastasia."
Umirap ako. "Eh, ano ba ang ibig mong sabihin? Malolosyang ako kapag inaaraw-araw mo ako. Very good ka sa part na nananaliksik ka about different sex positions pero pagod ako ngayon, okay?"
Natawa siya at saka napatili ako nang bigla niya akong niyakap. Pati ang mga kasambahay na nasa paligid ay natigilan sa biglang pagtili ko.
"You are so green-minded, babe. I am not talking about sex." He chucked sexily and bit my left shoulder. "I am talking about your problem. Let's talk about your dad and how can I make you feel better."
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti na siya ngayon.
"Let's go to our room and let's fix everything. Ayoko na makikita kang malungkot. I want my arrogant wife back. Let's talk about your problem peacefully and talk how to deal with it."
***
Nasa kuwarto niya ako dinala. Umupo ako sa kamang malambot habang si Xyrus ay naghuhubad sa harapan ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanyang katawan. Nag-flex ang kanyang muscles nang hinubad niya ang kanyang polo patalikod sa akin.
"So, who's Frederick?" tanong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. "Is he a threat? Kaselos-selos ba siya, Anastasia?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko. "Frederick is just a friend. Matagal-tagal ko na rin siyang kilala at matagal na rin akong nagpapatulong sa kanya."

YOU ARE READING
The Arrogant Wife (Wife Series #1)
RomanceBecause of desperation for money and wanting to find her father, Anastasia Hyacinth accepts the proposal of Xyrus Herbert Dela Cerna after knowing that he is rich. During their marriage, Anastasia shows her arrogance and even calls herself a gold di...