Nagising na lamang ako na nakaupo na sa isang upuan habang nakatali ang buong katawan. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa mukha ko lalo na sa pisngi ko ngunit hindi ko ito mahawakan kasi nakatali ako. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at saka pinagmasdan ang kapaligiran.
Madilim at walang masyadong gamit na kuwarto ang bumungad sa akin. Tanging ang ilaw at isang malaking lamesa malayo sa akin ang narito.
Sumikip ang dibdib ko nang naalala ko kung bakit ako nandito. Si Girly, na akala ko ay katulad lamang ni Rina ay isa palang mamamatay tao. Hindi ko siya kilala ngunit parang ang dami niyang alam tungkol sa akin at sa pagsasama namin ni Xyrus.
I tried to get away but I couldn’t because the grip of the rope was so tight and I almost screamed because of pain.
Nangilid ang luha sa aking mata nang maalala na nabanggit ni Girly si Frederick. Sino’ng Frederick at bakit ako nandito ngayon?
Umaasa ako na sana ay hindi si Frederick na kaibigan ko, na ang lalaking tumulong sa akin upang hanapin at protektahan si Daddy.
Frederick is my friend and I trust him so much, more than anything else. I owe him a lot.
“Gising na pala ang reyna!”
Padabog na pumasok si Girly na ngayon ay may sugat na sa labi. Kumunot ang noo ko ngunit biglang nanlamig nang nakitang may dala siyang baril. Kumuha siya ng upuan at saka umupo. Pinakita niya sa akin ang baril na dala niya at saka pinunasan niya ito.
“Hindi ka ililigtas ng asawa mo.” Ngumisi siya. “Baka nga ipapa-salvage ka pa dahil kriminal ang tatay mo.”
“Huwag mong sabihin iyan, you freak!” sigaw ko at nagpupumiglas na sa tali. “Wala kang ibidensya, bitch! Huwag kang magsalita ng ganiyan sa Daddy ko!”
Natutop ko ang labi ko nang itinutok niya sa akin ang baril at kinasa. Malamig ang kanyang tingin at ramdam na ramdam ko ang kanyang galit. Ngumisi siya kalaunan nang nakitang natakot ako. Binaba niya ang baril at saka bumuntonghininga.
“Ano ba ang mayroon sa iyo at hindi ka na lang ipapatay? Girlfriend ka ba ni Frederick?”
Umawang ang labi ko. “S-Sinong Frederick ang tinutukoy mo?”
Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko matatanggap kung si Frederick na kilala ko ang may pakana nito. Baka magpapakamatay ako kung ganoon. Naging desperada ako sa pera dahil gusto kong mahanap si Dad. Gusto kong makasama si Dad.
Pinagkaitan ako ng kalayaan ni Mommy. I didn’t know how the real world works. Limitado lang ang alam ko and I met Frederick online. I trusted him because he was so good in his job. Siguro tanga ako, pero balewala ang katangahan kapag desperada ka na.
Bago pa man ako masagot ni Girly, pumasok ang panibagong lalaki. Isang matangkad na lalaki na may tattoo sa kanyang braso. Leon ang kanyang tattoo at marami siyang piercing.
Umawang ang labi ko nang nakilala ko kung sino ito. He was wearing a jeans and a shirt. Hindi siya ang Frederick sa isip ko. Ibang-iba siya.
“Leave the fuck out of here, Girly,” mapang-utos niyang sambit.
Padabog na tumayo si Girly at inirapan ako.
“Alright,” at lumabas na siya sa kuwarto.
Nang nakalabas na si Girly, bumuntonghininga ang lalaki sa harapan ko at saka tiningnan ako.
“Anastasia Hyacinth,” sambit niya sa buong pangalan ko. “It’s me, Frederick.”
Umawang ang labi ko. “Frederick?”
Tumango siya at matamis na ngumiti sa akin. “Yes.”
“Frederick!” Nagkaroon ako ng pag-asa. “Bakit ako nandito? At bakit ka nandito? Si Daddy? Kasama mo si Daddy?”
Bumilis lalo ang paghinga ko habang tinatanong siya. Kung nandito siya, panigurado na nandito si Daddy!
Lumapit si Frederick sa akin at saka ini-level ang aming mukha. Ngumisi siya at hinawakan ang baba ko.
“Pinatay ng Daddy mo ang tatay ng asawa mo, Anastasia,” mahina ngunit namamaos niyang sambit. “Kaya ka nandito ngayon kasi kailangan kita.”
“H-Huh?” Kumunot ang noo ko. “Ano? Nasaan si Daddy? Bakit ako nakatali?”
Hindi niya ako sinagot at binitiwan ang baba ko. Natulala ako lalo na nang nilagay niya sa bulsa niya ang kamay niya at saka bumuga ng hangin.
“Kailangan kita dahil sigurado ako na ililigtas ka ng asawa mo.”
Tumalikod siya sa akin at saka humalakhak.
Umawang ang labi ko at nataranta. “Frederick! Nasaan si Daddy? Ha? Nasaan?”
Natigilan siya sa paglalakad at saka binalingan ako na may pilyo na ngiti sa labi. “Hindi ko siya kasama, Anastasia.”
Napasinghap ako. Ngumisi naman siya lalo.
“Ang dali-dali mong utuin.” He grinned. “You didn’t even check my background, huh? You trusted me so much that it took you a year to ask me about his pictures.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
”W-What do you mean, Frederick?” I asked. “What are you talking about?”Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakarating sa may pintuan. Nilingon niya ako at humawak sa doorknob.
“Hindi ko kasama ang Daddy mo, at mas lalong hindi ko pa siya nakikita. Pareho lang tayo, Anastasia. Pareho nating hinahanap ang inutil mong tatay.” Lumamig ang aura niya. “I was using you.”
Gumuho ang mundo ko sa narinig. Ano?
He smirked. “You are so arrogant yet stupid, Anastasia. Ganda lang talaga ang mayroon ka. You didn’t even realize that you were fooled.”
“A-Ano?” nangingiyak kong sinabi. “Hindi mo talaga nahanap ang Daddy ko? So, yung mga pera na bigay ko—”
“Nasa akin, Anastasia,” pagputol niya at saka ngumisi. “At huwag kang mag-alala, kapag nalaman ng Daddy mo na nakidnap ka ng taong tinataguan niya, sigurado ako na lalabas siya sa lungga niya.”
“B-Bakit?” tanong ko nang akma na siyang lalabas. “I trusted you, Frederick. Wala akong ginawang masama sa iyo. I even treated you as my friend. Ano ang nangyari? At bakit mo hinahanap si Dad? Ano ang kasalanan niya sa iyo?”
Nakita ko na kinuyom niya ang kamao niya.
“Bakit, Frederick?” Humina ang boses ko. “Alam na alam mo kung ano ang pinagdadaanan ko. Bakit mo ito ginawa sa akin?”
Tumulo sa hita ko ang luha sa mata ko. Humihikbi na ako dahil sa sobrang katraydoran na natanggap ko.
“Your father is destined to be killed, Anastasia,” mahina niyang sambit, hindi na makatingin sa akin. “Iyon ang huling hiling ng Daddy ko bago siya nawala sa mundong ito.”

YOU ARE READING
The Arrogant Wife (Wife Series #1)
RomanceBecause of desperation for money and wanting to find her father, Anastasia Hyacinth accepts the proposal of Xyrus Herbert Dela Cerna after knowing that he is rich. During their marriage, Anastasia shows her arrogance and even calls herself a gold di...