Chapter 7

132 5 15
                                    

SELENE GIA HWANG




"Okay. Tara!" sabi ko sa kaniya. Nauna akong naglakad dahil kalsada na kasi yung katabi namin at maraming sasakyan. 





"May Dunkin Donut pala dito," sabi ni Heeseung. Lumingon ako sa kaniya at hinintay siyang makalapit sa'kin.




"Oo, lapit lang no? Maganda mag-aral dyan!" sabi ko sa kaniya. "At maraming cafe dito!"





Hindi siya nagsalita. Patingin-tingin siya sa paligid habang naglalakad. Nagulat na lang ako bigla niyang hinawakan ang braso ko at marahan akong hinila papunta sa kanan niya.





And that's when I realized that I was walking near the road. Konti na lang ay mahahagip na ng sasakyan. Tinignan ko siya ulit. It was just a simple gesture but my heart suddenly felt giddy and butterflies started to roam around my stomach. 




It's been a while since I felt this feeling. This familiar feeling.





"May sakayan dito papuntang Nuvali?" he suddenly asked.





"Huh? Ah... meron doon sa may SM," sagot ko sa kaniya. 





"Thank you," nakangiting sabi niya. "Nakapunta ka na doon?"





"Oo, dalawang beses pa nga lang. Ikaw ba?"





"Hindi pa pero gusto sana naming pumunta doon magkakaibigan."





"Ahh..." I nodded. "Nga pala, ang saya kasama ni Jay, no?" tanong ko. Bigla siyang tumingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. 





The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon