Chapter 8

115 7 10
                                    


"Gia, bumaba ka nga dyan at nandito si Heeseung!"




My eyes widened and I immediately fixed my hair. Humarap ako sa salamin sandali bago bumaba.





"Si Ate may manliligaw ulit!" sabi ng isa kong kapatid.




"Baliw wala!" sabi ko. Humarap ako kay Mommy at tinuro niya yung labas ng bahay namin kaya lumabas ako. Nakita ko siyang nakaupo sa kahoy naming upuan.





"Heeseung," tawag ko sa kaniya. Madali siyang tumayo at humarap sa akin.





"Hi..." 





"Sige, upo ka," sabi ko sa kaniya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"





Umupo ako sa isa pa naming upuan, nakaharap sa kaniya. 





"May itatanong lang sana," he answered. "Kung saan dito yung Complex?"



Yun lang pala itatanong niya? Bakit hindi na lang niya ako chinat? Kailangan pumunta talaga dito? 




Oh, bawal mag-assume!





"Ahh, malapit lang yon dito. Isang sakayan lang ng jeep. May masasakyan kang jeep papuntang Complex doon sa labasan," sagot ko sa kaniya.  "Pwede ka naman magchat para magtanong. Hindi mo na kailangan pumunta dito."





"Ayaw mo ba?" he asked. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kaniya. He chuckled at my reaction. "Bakit gulat na gulat ka?"




"Ha? Hindi ah!" I chuckled nervously. "Hindi naman sa ayaw no... Baka mapagod ka kung pupunta ka pa dito para magtanong." 

The Night You Called Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon