Gaya ng usapan, nilibre ko ang BEBOB ng lunch.Mga reklamador talaga gusto mag samgyup eh sabi ni Coach, wag magpadami naka balance meal kami lagi pero matatakaw itong mga kasama ko.
Kita mo nag unli kami dahil gutom sila talaga, kaya nasa 2k yung nagastos ko sa kanila. Andami nilang alam eh, hirap talaga pag PG ano makapal eh. Mabuti at mabait ako ngayon, good vibes lang hay nako sana naman magtagal na ito!
I texted her na kasama ko ang BEBOB naglunch and she said na hindi na din siya maglunch dahil parang masama ang pakiramdam niya. Nag alala ako kaya nagpaalam ako sa brodies, agad akong tumayo.
"Paps baka malate ako ng balik kasi diba 2pm pa naman? sige lang kain kayo diyan, puntahan ko muna. Masama ang pakiramdam baka mapano yun!" sambit ko sa kanila.
Aba nagpalakpalakan silang lahat, si Thirdy na sumagot sa akin "Sige ton! alis na kumakain pa kami eh kami na bahala kay Coach" sabi nito palibhasa nilibre ko sila.
Dumaan muna ako ng pepper lunch, nagtake out ako at bumili na rin ako ng gamot bago ako pumunta sa building niya. Nagulat naman friends niya dahil nandito ako sa gawi nila, labo nito dahil malayo to sa amin eh kaya nakakapagtakang narito ako.
Nakita ko si Andi,girfriend ni Tio! Shocks, Law Student nga pala ito kaya pala friends din sila nitong si Villarioza. I smiled at her then asked her "Where's Andree, Ands?" tanong ko sa kaniya.
tinuro niya naman "Naku! She's not feeling well yata, inaya namin to eat ayaw daw walang gana eh" nandoon sa isang sulok nakayuko sa arm chair nito at nakahoodie. Lumapit ako and I wake her up para makakain at makainom ng gamot.
Andree's POV
Pumasok ako kahit masama ang pakiramdam dahil may recitation kami sa major kaya no choice. I was able to answer naman my orals but wala akong gana kumain, bigat ng pakiramdam ko. Nagtext si Anton na nasa UPTC sila with his team mates, nagreply lang ako na okay at hindi ako nakakain dahil I am not feeling well tapos natulog ako dito sa arm rest ko, ilang minuto lang may nangigising na sa akin.It's Anton may dalang lunch and I guess gamot? "Hi, tapos ka na maglunch? why are you here?" tanong ko dito pero kinapa niya lang noo at leeg ko.
"Mainit nga, bakit pa kasi pumasok" sermon niya sa akin. Para talagang years na kaming friends.
"Uhm may orals kasi eh atsaka kaya ko naman just want to sleep so bad" daing ko sa kaniya, nangungunot ang noo niya, bat parang galit naman!
"Alam mo ikaw, nakakakaba ka. Sana pag may sakit ka please excuse yourself sa klase huh? kain ka at uminom ng gamot tas halika uwi kita" sabi niya habang binubuksan yung dala niyang lunch.
After ko kumain at uminom ng gamot, nagpaalam muna ako sa blockmates ko na sabihan nalang yung profs namin na I am not feeling well today kaya absent muna ako, wala naman nang orals pa eh.
Anton tooked me sa condo ko dahil sinabi ko naman kina mom na dito muna ako uuwi dahil wala naman sila sa bahay. Edi nandito na ako nakakamot at nakahiga, Anton left muna bumalik siya to get his stuffs sa training then paalam sa coach. Natulog nalang muna ako, nakainom naman na ako ng gamot. Naka on yung music ko para hindi boring, lagi naman.
Anton's POV
Nagmamadali akong pumasok ng gym. Sinabi ko kay Coach na may emergency ako kailangan ko lumiban for now, bahala na bukas magkapenalty."Coach, liban muna ako today. May aalagaan lang emergency eh kawawa naman" paalam ko sa kaniya, alam kong nakahanda na parusa ko bukas.
"Asistio, namimihasa sa absent? pero dahil emergency nga naman, considered yang excuse mo pero bukas? 15 laps!" akala ko mabait, 15 laps pala.
YOU ARE READING
After years, still you.
FanfictionThis fanfiction is a work of creative fiction inspired to Anton Asistio. All characters, settings, and elements from UAAP people and their respective copyright holders. This story is created for entertainment purposes only and is not intended for p...