Kabanata 18

20 3 10
                                    

Coral.

"Halika, mag-isa ka lang ba?" Tanong ko sa binatang nasa may hindi kalayuan. Pansin ko din kasi ang tingin nito sa'kin kaya napapatingin din tuloy ako. Crush siguro ako ng maamong lalaki na'to. Nabighani ata masyado sa ganda ko. Napangiti ako, puro ka kalokohan, Coral.

"Ngayon ko lang siya nakitang may kasamang sumakay rito. Parating malalim ang iniisip niya. Minsan ay lumuha pero kapag tatanungin mo kung bakit, hindi din niya daw alam." Miya miya ay narinig kong sabi ni Kuyang may-ari ng sinasakyan naming bangka. Nandito kasi kami ngayon sa Coral Garden. Kapangalan ko kasi kaya nacurious akong pumunta dito. Matapos naming magkausap ng lalaki, namalayan ko nalang na kasama kona siya rito. Sadyang napaka bilis ng mga pangyayari.

At tulad ng sinabi ni kuya, siguro nga tama sya. Malalim ang iniisip ko. Kasing lalim ng dagat na ito, ang Coral Garden. Bakit kaya Coral Garden ang pangalan pero hindi naman garden? Hayy ewan, katulad ko ngang talaga ito, magulo.

"G-Ganoon po siya kamisteryosa?" Nilingon ko ang lalaki na kasama ko. Napapalunok pa sya habang nagtatanong. Napangiti ako. Natatawa kasi ako sa reaksyon niya. Akala mo naman ay isa akong diwatang mahiwaga. Kung maka misteryosa naman--- exaggerated masyado!

Napatingin siya sa direksyon ko kaya agad kong nilihis ang tingin sa dagat. Binanggit kopa si Nemo dahil bigla akong nawala sa sarili, siguro ay dahil hindi ko inaasahan ang paglingon niya.

"Ako si Cade Accious." Pagpapakilala niya sa'kin nang hapong mamaalam na ako sa kaniya.

Ibang klase ang naging kaba sa dibdib ko nang hingin niya ang pangalan ko. Sadyang hindi ko masabi.

Matapos ang gabing 'yon, pinaulit ulit ko ang pangalan niya sa utak ko. Nagbabakasakaling maalala ko kinabukasan. Ni hindi ako makapagpakilala, gusto ko nalang manatiling imahinasyon sa kaniya.

Paggising ko, hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa'kin. Isang panaginip din na mayroon daw akong nakasamang lalaki sa dalampasigan. 'Yon lang ang alam ko at wala ng iba. Bukod nalang noong nakakita ako ng sulat sa papel. Dahil doon, nagsimulang magkaron ng kaguluhan sa payapa kong isip.

Hanggang sa pagsapit ng hapon, may lumapit sa'king lalaki. Di ko siya kilala, at aaminin kong natatakot ako sa presensya niya.

Cade, siya si Cade, iyon ang sabi niya. Pero wala, di ko siya talagang kilala.

Nagising ang diwa ko mula sa isang tila mahabang panaginip. Pinilit kong imulat ang mata kahit pipikit pikit pa. Nakatulog na pala ako sa aming byahe.

Cade, siya si Cade, iyon ang sabi niya. Pero wala, di ko siya talagang kilala.

Ngunit ngayon ay malinaw na siya sa isip ko. Ang pangalan niya'y naka marka na sa puso ko. Ang mga pagkakataong kasama ko siya ay tila isa nang sirang plakang umuulit ulit sa isipan ko.

Hindi ko siya kilala noon, ngunit ngayon naaala ala na.

Nanatili kaming nakatingin sa isat isa. Mapupungay ang pareho naming mata.

Mukha ni Cade na nakatabingi ang ulo habang nakatingin sa'kin ang s'yang bumungad sa pagmulat ko. Napaayos ako ng upo dahil sa pagkailang.

Bumaba na siya ng kotse kaya't napababa din akong kaagad. Sabay naming pinagmasdan ang bahay na may kalakihan. Parang mga bahay na nakikita ko doon sa Pila.

Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ng sari saring ingay sa loob ng bahay.  Naramdaman ko ang presensya ni Cade na lumapit sa tabi ko. “H'wag ka mabigla sa Tiya ko. Pag nakita mo s'ya paniguradong lalapitan ka niyang kaagad. Ganuon siya sa mga bago sa paningin n'ya." Pangunguna niya sa'kin. Ngumiti lang ako at tumango.

Reminiscing YesterdayWhere stories live. Discover now