Kabanata 14

16 3 13
                                    

Coral.

Emptiness.

Naramdaman mo na bang magkaroon ng kakulangan sa'yo? Yung meron ka namang kasama pero parang wala. O kaya'y nagigising ka na lang na isang umaga, may gusto kang malaman, may gumugulo sa 'yong isipan.

Pero alam mo ba yung nakakalito? 'Yung napunan nga ang kulang sa'yo pero naghahangad ka nanaman ng isa pang kahilingan.

Narinig ko ang langitngit ng gate sa baba kaya lumabas ako ng kwarto ko. Rinig na rinig ang pagtakbo ko papunta sa kabilang kwarto dahil ang tinatapakan kong sahig ay gawa lamang sa kahoy.

"Mag-iingat ka hijo." Dinig kong pamamaalam ni Lolo.

Naglakad ako papasok sa kwarto ni lolo at nagtungo sa balkonahe. Pagkasilip ko doo'y nakita ko lolo sa pinto habang si Cade ay lumabas ng main gate. Nakangiti ito kay lolo na kumaway.

"Salamat po, uuna na po ako." nagtanguan pa sila bago tuluyang makasakay si Cade sa likod ng tricycle na nakahinto sa harap niya. Parang naramdaman ata niya ang aking presensya kaya tumingala s'ya sa direksyon ko. Nagtama ang tingin namin. Napangiti s'ya sa'kin, inangat nito ang kaliwang kamay at kumaway sa'kin.

Nanatili akong nakatayo sa aking pwesto. Ni hindi ako ngumiti o kumaway manlang sa kaniya hanggang sa maka alis na ang sinasakyan.

Cade...

Naaalala kita.

Ang iyong itsura, tindig at mula sa iyong simpleng mga galaw. Ang pag ngiti mo at sa iyong pagtawa. Sa pagkislap ng mga mata sa tuwing ako'y iyong tinitignan. His scent which reminds me of a memory I cannot even recall.

Lahat sa kaniya'y pamilyar.

Sa paggising ko kanina, siya kaagad ang bumungad sa'kin. Ako'y lubos na naguluhan sa katotohanang kilala ko s'ya, ngunit hindi ko alam kung bakit o papaano.

Nang mabasa ko ang talaarawan ko kanina, malinaw sa'kin ang lahat. Mahirap paniwalaan, pero kailangang tanggapin. Nais kong maka-alala, pero sa tuwing tinitignan ko ang lalaki, may magnet ma parang pumipigil sa kagustuhang kong 'yon. May takot, may pangamba na sa akin ay nananaig.

Napabuntong hininga ako. Ewan koba kumg bakit ganito ang nagiging reaksyon ko. Hindi ba't magandang sign nga ito kasi kahit papaano ay nakakaalala na ako?

"Apo?

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig kong magsalita si lolo. Naglapag siya ng kape sa harapan ko at naupo sa upuang malapit sa akin. Nandito na ako ngayon sa hapag kainan kung saan ay natatanaw ko ang ilang mga sasakyang dumadaan mula sa labas ng bintana. Prente akong nakaupo upuang kahoy, naka sandal habang ang isang paa ay naka taas. Yakap yakap ko ang aking tuhod, malalim ang iniisip.

"Ano ba'ng iniisip mo, apo?" sinisilip niya ang mukha ko, inaalam kung anong nararamdaman ko. Umayos ako ng upo bago siya ginawaran ng ngiti. "W-Wala po." pagsisinungaling ko. "Salamat po sa kape." nakangiting sabi ko bago humigop.

"Umalis na si Cade. Pumasok na sa kaniyang trabaho kaya paniguradong mamaya pa 'yun makakabalik." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni lolo. Kaya naman pala wala padin ang lalaki simula nung makaalis siya kanina.

Napatingin ako kay lolo nung tumayo siya sa kinauupuan. May kinuha s'yang gitara bago pumunta sa likod bahay kung nasaan ang ilog. Narinig ko siyang mag strum ng gitara kaya habang dala dala ang kape, sumunod ako sa kaniya.

Kung hindi ako nagkakamali, Next In Line ang title ng kanta. Dati, parati kaming kumakanta at tumutugtog ni lolo dito. Kaso masyado akong naging abala sa pag-aaral at sa business kaya hindi na ako nakakabisita dito.

Reminiscing YesterdayWhere stories live. Discover now