Kabanata 20

17 1 5
                                    

Coral's PoV

Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng tahanan namin. Ang lugar kung saan lumaki ang maliit na batang noon ay walang kamuwang muwang sa mundo. Sinong mag-aakalang ang batang 'yon ay lalaki sa mundo at buhay na mapaglaro. Sa batang edad ay naranasan niya nang maramdamang pasanin ang mundo. Sa isang trahedya ng buhay niya, isang sakit na hindi magamot, sakit na nagawang sirain ang perpektong buhay nito. Ang batang 'yon na unti unting nawalan ng kasiyahan sa kaniyang labi, hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na nagbigay kahulugan sa madilim niyang buhay.

Huminga ako ng malalim. Humigpit ang kapit ko sa shoulder bag na nakasabit sa'king balikat. Mabigat na buntong hininga ang pinakakawalan ko. Naglakad ako patungo sa isang kahon na may kagabukan na. Ang mga gamit din dito sa loob ng bahay, ma-pa higaan, sofa, telebisyon at iba pa'y mayroon nang nakataklob na puting tela. Dahan dahan akong lumuhod sa sahig habang pinagmamsdan ang kahon na kulay pula. May naka sulat sa gilid niyon na "La Memoria"

Nang buksan ko 'yon ay medyo nabahing pa ako. Bumungad naman kaagad sa'kin ang sari saring mga gamit. Kinuha ko ang mga medalyang kinakalawang na at mga certificate ng aking mga karangalan. Napangiti ako. Buong buhay ko'y iginugol ko ang aking oras sa pag-aaral. Kukuha ako ng business ad dahil iyon ang tingin ng magulang ko na makabubuti sa'kin at sa negosyo. Kung tutuusin, ni isang saglit ay hindi ko halos naranasang gawin ang gusto ko. Kasalanan ko din siguro. Masyado kasi akong nagpapakontrol sa taong nakapaligid sa'kin. Akala ko'y kinakailangang maging maganda ka parati sa impresyon ng iba. Kasi sa paraang ito ka nila magagawang pansinin at mahalin. Kakatwang ang lahat ng paniniwala kong ito'y nagbago ng isang iglap. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Ang noong ari arian ng aking mga magulang ay nakuha lamang ng aking kamag-anak dahil hindi kona kayang pangasiwaan pa ito. Maging ang mga magulang ko ay nawala na sa'kin. Dumating na ako sa puntong kinatatakutan ko, ang maiwang mag-isa, ang layuan ng lahat at ang kaayawan. Bumaliktad ang takbo ng buhay ko. Nasira ang lahat ng bagay na binuo ko. Natigilan ako ilang saglit sa iniisip bago napabuntong hininga. Pumatak ang luha ko sa kartong kahon dahilan para mabasa ito ng kaunti.

"Napawalang saysay ang pinaghirapan ko dahil sa sakit na ito." ngumiti ako ng mapait. Ngunit sapat nang ako nalang ang mahirapan sa aking kundisyon. Kahit ang paglayo ang kailangan kong gawin para maiwasang mas lalong masaktan ang mga taong mahal ko, magsasakripisyo ako.

Nakalabas na ako ng bahay at nasa tapat ko na ngayon ang sasakyang sumundo sa'kin para pumunta sa lugar kung saan ako'y namulat sa panibagong simula ng buhay ko. Ipinakiusap ko ito kay Andrea na may maghatid sa'kin patungo sa lugar na 'yon. Hindi maayos ang relasyon sa pagitan namin, pero sa hindi malamang dahilan ay walang pag-aalinlangan niya itong tinanguan.

Natigilan ako nang may humintong tricycle sa tapat ng gate ng bahay namin. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakasuot ito ng panghardinero. Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagbabantay niyang parati sa'kin sa pamamagitan ng pagkukunwaring isang trabahador ng aming pamilya. Kaya hindi ko maiwasang mas lalong masaktan sa ginagawa niya. Sa tuwing nakikita ko siya, pinipiga ang puso ko. Parati niya akong inaalala, kahit alam niya sa sarili niyang hindi ko siya magagawang alalahanin pa.

Ilang araw din ang nakalipas nang simulan kong hanapin ang doktor ko noon na kaisa ko simula palang para pagalingin ang sakit ko. Hindi naging madali ngunit hindi naman ako nabigo sa paghahanap.

Pinindot ko ang doorbell ng malaking bahay kung saan ko napag-alamang nakatira si doktor Martines. Walang nag-abalang lumabas para silipin manlang kung sino ang nag-iintay kaya pinindot ko uli ang doorbell. Sa pagkakataong 'yon ay may lumabas na may katandaang lalaki. Maputi ang balat at may katabaan ito. Nakasuot din siya ng salamin sa mata. Ang kulay ng buhok ay maputi nadin. "Sino sila?" dinig kong sabi ng matandang lalaki. Kinakabahan ma'y sinubukan kong ibuka ang bibig.

Reminiscing YesterdayWhere stories live. Discover now