Part 1

469 10 2
                                    

Kanina pa balisa si Kiara after ng meeting nilang mga fitness instructors.

Kalahati ng team nila ay hindi parin kumokota sa budget nila at isa na siya doon.

Month end nanaman, nangangarag nanaman siya kung papaano niya mamimeet ang target budget niya for the month.

Meron pa siyang one week para makahanap ng client na kukuha sa kanta ng personal training package.

Kulang pa siya ng 24k to meet her 75k budget para sa buwan na ito. Lately nahihirapan siya sa sales, kumpara dati na lagi siyang kota agad kahit pasimula pa lang ang buwan dahil marami mga enrolles noon.

Bumaba ang bilang ng membership ng Crunch Fitness for couple of months dahil sa bagong tayong branch ng Gold's gym na malapit sa pinagtatrabahuan.

Ang mga ibang mga pioneer na members ay nagsi alisan narin dahil mas mababa ang monthly dues ng kalabang gym at mas maganda ang mga promo nito sa mga bagong miyembro. Mayron din itong mga free group classes na part ng monthly dues nila.

Nagsilipatan narin ang mga ibang group instructors at personal trainers nila dahil sa pressure sa budget at yung mga iba naman ay napilitang umalis dahil hindi nakakota ang mga ito sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay isa sa mga rules ng gym na kung hindi bumadget ng tatlong sunod sunod na buwan ay kailangang mag resign ng mga ito. Ito rin ang isa sa mga rules ng gym na sa tingin niya ay unfair pero nakikipagtrabaho lang siya at wala siyang karapatang magreklamo dahil sa simula pa lang ay alam na nila na isa ito sa rule ng gym.

Kakaunting percentage lang ng package ang nakukuha nila every session nila sa mga kliyente mas malaki ang kubra ng gym kesa sa kanila. Kung maeexpire ang package ng kliyente ay wala silang makukuha as a personal trainer.

Ngayong buwan na ito siya nahirapan sa kanyang budget lalu na at nasa second level na siya ng sales budget niya na tumataas ng 25k, kung dati ay 50k ngayon ay 75k na ang kailangan niyang sales interms of package para kumota siya.

Kinailangan niyang lumiban ng isang linggo dahil sa nagkasakit at natrangkaso siya marahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho kaya ngayon ay behind siya sa sales.

Kailangan niyang bumadyet dahil may nanay siyang nanggagamot at nag aaral na kapatid, siya ang bumubuhay at inaasahan ng kanyang pamilya.

Maswerte parin siya kahit dahil papaano kahit college under graduate siya ay tinanggap parin siya ng manager nila dahil sa potensyal niya sa sales na kalauna'y naging kaibigan niya.

"Hey Kia kanina ka pa tulala diyan sa assessment table puna ng kaibigang si Naomi na kasalukuyang kakagaling lang sa reception para sa last sale nito para kumota.

Iniisip ko lang yung budget ko this month kulang pa aniya dito.

Kayang kaya mo yan friend meron ka pang isang linggo para makahanap ng client na kukuha ng package sa'yo pampalakas ng loob nito sa kanya.

Ako naman ay sinwerte lang dahil yung pamilya ng client ko ay nirefer sa akin para kumuha ng session kaya ang laking pasalamat ko kay Sir Meliton.

Happy for you Naomi at least wala ka ng aalahanin this month aniya dito.

Thank you, tara we eat out now habang wala ka pang nakaschedule na client anyaya ng kaibigan

Hmmm... friend may baon kasi ako at tight ang budget ko ngayon, sa pantry nalang ako kakain aniya dito.

Ikaw lang atang alam kong instructor na nagbabaon dito, daig mo pa ang pamilyadong tao kung kumayod at magtipid sa sarili, treat yourself naman pag minsan pangungumbinsi nito sa kanya.

May pinag gagastusan kasi ako Naomi, pasensya na aniya dito.

Ok, try to loosen up a little bit anito sa kanya sabay paalam kasama ang ibang instructors na naghihintay dito sa labas.

Kahit na matagal na niya itong kaibigan ay discreet parin siya sa pinagdadaanan sa buhay dahil binavalue niya ang kanyang personal privacy.

Hindi nito maiintindihan ang kalagayan niya dahil may kaya ito sa buhay at habang wala pa ang petisyon nito sa Amerika ay dito muna ito nagtatrabaho.

"Kinuha niya ang baon sa locker at tinungo ang mini pantry ng mga service attendant para doon kumain.

Inilagay ang baong pagkain sa microwave. Nangamoy daing at utot ang pantry at naamoy ng mga members na nasa lounge area yon.

Naririnig niya ang reklamo ng mga ito. Hindi niya nalamang iyon pinansin. Pinagpatuloy niya ang pag kain sa baon ng pasukin siya ng maarteng receptionist.

Ano ba naman yan Kiara!
nakasimangot na reklamo ni Mayla.
Nakakahiya sa mga members natin! nangangamoy mabaho at utot ang baon mo.

Next time choose what to eat nasa gym ka ng mayayaman dear!

Nakaismid itong tinalikuran siya at habang palabas ng pantry ay nagspray ito ng airfreshner sa dinadaanan nito.

Hindi na niya ito masyadong pinansin pa dahil sa gutom niya.

Pagkatapos kumain ay nagsepilyo muna siya ng ngipin at nagpabango dahil may kliyente siyang nakaschedule na tuturuan.

"Sir Marco magcardio workout po muna kayo for 30 mins. then 20 mins. weights po tayo then stretching aniya sa kliyente na malapit sa kanya.

Nagtungo na ito sa threadmill at inadjust ni Kiara ang speed at power ng threadmill.

Tinapos nila ang isang oras session nito at inistrech niya ito pakatapos.

Masaya itong kakwentuhan kaya hindi niya namalayan na tapos na ang isang oras na session nila.

Dalawang taon na niyang kliyente ito, simula ng maging personal trainer siya nito ay nag improve ang health condition nito dahil malaking timbang ang nabawas dito from size XL ngayon ay size M nalang ito.

Sa edad na singwenta nito ay lalo itong bumatang tingnan simula ng maglose ito ng weight mas nag gain ito ng self confidence.

Na achive nila ang goal nito dahil sa discipline at sa program na ginawa niya para dito. Nakatulong din sa kanya ang kurso sa nursing upang matulungan ito.

Malaking achivement para sa kanya pag nakikita niyang naachieve nila ang goal ng kanyang mga kliyente.
Lalo narin pag nakikita niya na nadadagdagan ang self confidence ng mga ito.

Sa taas niyang 5'4 at balingkinitang katawan di aakalain ng iba na isa siya sa mga strict na personal trainor. She's professional interms of work.

Ilang beses narin siyang nakatanggap ng indecent proposal sa mga mayayamang members pero kahit mahirap ang kalagayan niya ay hindi niya ibaba ang moralidad para dungisan ang puri niya na siyang maipagmamalaki niya sa magiging asawa. Napakatradisyunal niya sa pananaw na iyon.

Pagkatapos ng huling session niya ay naglagi pa siya sa gym para mahabol ang 25k na kulang pa niya ngunit wala masyadong nag gym sa araw na yon dahil sa easter at halos nakabakasyon ang mga members at nakafreeze ang mga membership ng mga ito.

Kung sakali ay ito ang unang month na hindi siya babudget pero may ilang araw panaman siyang natitira.

"Siya at ang ina bumubuhay sa kanyang pamilya dahil bata palang siya ay wala na siyang nakagisnang ama at walang binanggit ang ina kung sino at nasaan ang ama. Tuwing tinatanong niya ito ay tahimik lang ito at ayaw nitong pag usapan ang kanyang ama.

Pumapasok na kasambahay ang ina sa bayan at lingguhan ang uwian dahil malayo layo sa lugar nila ang pinapasukan.

Ginalang nalang niya ang desisyon nito dahil kung mahal sila nito hindi ganito ang buhay nila ngayon at hindi kayod kalabaw ang ina dahil sa hirap ng buhay. Ang alam lang niya ay pinabayaan sila nito."








My Sassy Personal TrainerWhere stories live. Discover now