CHAPTER 4

121 9 1
                                    

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Catalina hanggang sa makarating sa labas ng kanilang bahay. Mabilis siyang pumasok sa loob at isinandig ang likod sa nakasarang pinto habang sapu-sapo ang dibdib.

Humuhupa na ang matinding kabang naramdaman niya kanina. Akala niya'y mahuhuli siya ng mga pulis at nang lalaking iyon. Kamuntikan pa siyang mapahamak sa kamay ng mga lasing.

"Bakit ngayon kalang?"

Napangiwi si Catalina nang biglang may humila sa kanyang mahabang buhok. Sino pa nga ba ang gagawa niyon kung 'di ang kanyang madrasta na galit na namang nakatingin sa kanya.

Hinablot nito mula sa kanyang kamay ang bag na kanyang dala. Kapagkuwan ay isang huling malakas na hila ang ginawa sa kanyang buhok bago iyon binitiwan.

"Tutong nalang ang kakainin mo dahil ang tagal mong dumating. Hmp...! Ang dali-dali ng pinapagawa hindi pa magawa ng maayos," bubulong-bulong na dagdag ni Miriam habang pabalik sa loob ng silid nito kung saan naghihintay si Rigor.

Mapait na napangiti si Catalina, kailan ba siya tinirhan ng mga ito ng kakainin? Kung hindi siya magtatabi ng para sa kanya o magluluto ay walang laman ang kanyang tiyan.

Nang marinig ang halaklak mula sa loob ng kuwartong kinarorooan ng madrasta at ang kinakasama nito ay napatingin siya sa mga kamay na nanginginig. Gusto niyang sumigaw dahil sa galit at sa kawalang magawa sa sitwasyon niya.

Catalina hated herself every time she went outside the house at night and picked a bag from someone inside the club that Rigor's friend owned. She had no choice but to do what Miriam and Rigor told her, or otherwise, she'd be beaten up until she lost consciousness.

Hindi man niya nasisilip ang laman ng bag ay alam niya kung ano ang laman niyon, may ideya siya. Hindi siya ganoon katanga at kabobo upang hindi malaman, lalo na't sa tuwing binibigay niya ang bag sa dalawa ay naririnig niya ang mga ito sa pinanggagawa, at kung minsan ay nhuhuli niyang may kakaiba sa mga ito.

Nanghihinang lumakad patungo sa kusina si Catalina at nagsalin ng tubig sa isang malaking baso. She was hungry and she knew there's no food left for her.

Umupo siya sa harap ng hapag at nangalumbaba habang nakatutok ang paningin sa basong wala ng laman. Muli niyang naalala ang lalaking iyon, the stranger who saved her earlier that turn out to be the fireman that spared her from burning alive.

Akala niya'y makakaramdam siya ng galit sa bombero kapag nakita niya ito, ngunit kabaliktaran niyon ang kanyang nararamdaman sa kasalukuyan. She was somewhat relieved that he appeared out of nowhere. Kung wala ito ay pinagpipiyestahan na ang katawan niya ng mga masasamang loob. She would rather die than to have her body molested.

Nakahinga rin siya nang maluwag nang malamang narito ang kanyang kuwintas. It meant so much to her, the necklace was her source of strength, her companion to a lonely night, to her lonely life. Sisiguraduhin niyang makukuha iyong muli.

Pagkatapos mag-isip at makapagdesisyun ay pumasok si Catalina sa kanyang kuwarto upang magpahinga. She decided to go to the fire station near the town square to get her necklace back, only if her stepmother allowed her to go outside. Escaping was not part of the plan since she knew what would happen to her if she did so.

Kahit na inaasahan na ni Catalina ay hindi pa rin niya maiwasang hindi madismaya nang hindi siya payagang lumabas ng bahay nang magpaalam siya kinabukasan. Hindi niya naiwas ang mukha nang ibato nito sa kanya ang mga maduming damit nito at ni Rigor.

"Ilang ulit kang dapat sabihan na hindi ka puwedeng lumabas hanggat hindi ko sinasabi?" anito na nandidilat sa kanya. "Kapag nalaman kung sumuway ka at hindi mo pa tapos ang mga labahin, makakatikim ka sa akin, Catalina! 'Wag mo akong subukan," pagbabantas nito.

Stitches And Burns (Sedulous Series #7)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ