CHAPTER 8

218 15 3
                                    

PAGGISING NI Catalina ay wala na si Keiran sa loob ng bahay. Nag-iwan ito ng sulat na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mga damit na maayos na nakasalansan sa ibabaw ng durabox. Maaga itong umalis ng bahay dahil may emergency daw sa trabaho.

Kumalat ang pamumula ng kanyang pisngi hanggang sa kanyang buong mukha at umabot sa kanyang leeg nang makitang pati mga pangloob niya ay nilabhan nito. Matinding hiya ang kanyang naramdaman sa kaalamang iyon, lalaki si Keiran at ito ang kauna-unahang taong nakalaba ng mga pangloob niya bukod sa kanya mula nang makabalik siya sa poder ni Miriam. Catalina learn how to wash her clothes, and do the house chores at a very young age. Halos siya lang ang gumagawa ng lahat ng gawain sa bahay, kaya hindi siya sanay na pinagsisilbihin at alagaan ng ibang tao.

Namumula pa rin ang mukha na pumasok siya sa loob ng banyo dala ang mga gamit upang maglinis ng katawan. Kagabi pa humupa ang kanyang lagnat at maganda na ang kanyang pakiramdaman sa kasalukuyan.

Pagkatapos maglinis at labhan ang mga damit na isinuot ay inayos niya ang pinaghigaan. Nilinis niya ang bahay ni Keiran hanggang sa kasuluksulukan na sa totoo lang ay wala naman maraming lilinisin. The house was small and organized.

Nang wala nang magawa ay umupo siya at tumitig sa kawalan. Kapagkuwan ay inisip kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Nang maalala ang ginawa ni Miriam na pakikipag-usap kay Mr. Cheng. Nanginig ang kanyang katawan sa pinagsamang galit at takot. Hindi rin naman nagtagal ang gaanong damdamin dahil napalitan iyon ng panglulumo at helplessness.

Ipinatong niya ang mga paa sa sofa at isinubsob ang mukha sa mga tuhod. Yumuyugyog ang kanyang mga balikat habang umiiyak.

Paano na siya ngayon? Saan siya pupunta? Alam niyang hindi siya puwedeng umuwi dahil siguradong iyon na ang magiging katapusan niya. Miriam sold her off. At mamamatay siya kapag ginalaw siya ni Mr. Cheng. She would kill her. Iyon naang magiging sukdulan ng kanyang mga paghihirap at hindi niya kakayanin, she would rather end her life than being used over and over again.

Nang wala nang mailuha ay tumayo siya at inilibot ang mga mata sa maliit na bahay na iyon. Wala siyang kahit anong larawang nakikita sa dingding o sa kahit saang bahagi ng bahay. One look and anyone would know that a man occupied the place.

The silence was bringing her peace, hindi niya maramdaman ang bigat ng dibdib sa tuwing naroon siya sa kanilang bahay. Huminga siya ng malalim at pinuno ang dibdib ng hangin nang may mapagtanto. She wanted to stay there, she wanted the peace, the silence. Napapanatag siya ng pakiramdam na walang hihila sa kanyang buhok, bubugbog o tatadyak sa kanya aumang sandali. Hindi iyon gagawin ni Keiran sa kanya.

Catalina knew he was a good person. Kung masamang tao ay dapat ginawan na siya nito ng masama noong wala siyang kalaban-kalaban. Pero hindi. Sa halip ay pinatuloy siya at inalagaan kahit na estranghero sila sa isa't isa.

She shook her head violently and drop her body that instantly went weak on the sofa. No, she can't leave that house. Wala siyang mapupuntahan at mahihingan ng tulong. Keiran offered her help, masama bang samantalahin niya ang alok na iyon kahit na isang beses lang? Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may taong tumulong sa kanya, she craved for that help long time ago and now it was given to her. Marami siyang nilapitan noong tao, ang iba ay nagbitaw ng pangako na tutulungan siya ngunit walang tumupad sa mga iyon.

"Ngayon lang, Catalina," bulong niya sa sarili sabay kapa sa kuwintas na nasa kanyang leeg upang mang-amot ng lakas. Kahit ngayon ay hahayaan niya ang sariling makatamasa ng kapayapaan kahit sandali lang.

CATALINA nervously followed Keiran's movement the moment he entered the door. Kanina'y sandali niyang nakita ang pagkagulat sa mga mata nito pagkapasok. Marahil ay hindi nito inaasahan na naroon pa rin siya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin. Nabawasan din ang lakas ng loob niya na nabuo kanina. Hindi niya masabi kung galit ba ito o naiirita dahil naroon pa rin siya sa bahay nito at nakikiapid dahil blangko ang ekspresyon sa mukha ng lalaki bagaman ay naroon ang pagod.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 03, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Stitches And Burns (Sedulous Series #7)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang