Chapter 14

3.8K 200 109
                                    






Saffanyah Fley POV






"Tungkol na naman yan sa politiko."






"Hindi yan, wala sa bokabularyo ni Atty. Generous ang Politika."






Politika...





"Nababahala lang kasi ako dahil ang tagal naman ng pag-uusap nila Mother Superior at ni Atty. Generous."







Kahit ako ay napapaisip na rin kung bakit ang tagal nila sa pribadong opisina ni Madre Superiora.






"Huwag kayong mag-alala tungkol lang yan sa kita ng mga bata."






"Baka nga, akalain niyo yun ang laki ng kinita ng mga bata ngayon kesa nung nakaraang anihan." Rinig ko mula kay Nilda.




Isang volunteer dito.






"Mga Baks, baka naman."






Napatingin kami kay Junjun.





"Baka ano?" Tanong ko.




"Baka Fafa ang pinag-uusapan nila."






😶





Nagkatitigan kami ng ibang mga kasama ko.






"Mga baks tara! Baka maubusan tayo ng mga lalaki, wala pa naman akong tiwala sa askad ng pagmumukha nung Generous."






"Hay naku, akala ko pa naman kung ano na Junjun."




"Pero ano kaya talaga ang pinag-uusapan nila ngayon 'no? Nakakapagtaka kasi." Si Dorina.





Hindi na ako nakatiis pa.




"Bakit kayo nababahala sa pag-uusap nila Atty. Yboa at Madre Superiora?" Tanong ko.






"Eh kasi nga,  sa tinagal-tagal namin dito ay ngayon lang ito nangyari." Sagot ni Dorina.





"Oo, kasi kapag dumarating naman si Atty. dito ay palagi yan may pakain at salu-salo."




"Pero ngayon wala, di ba nakakapagtaka?" Si Tony.



"Diyos ko Noy,  gutom lang yang ipinagtataka mo. Baka walang pera pang-kain yang Generous na yan sa mga tao dito, kaya si Cyster Rufina lang ang pinapakain ngayon."




"Dami mong alam Junjun."




"Eh syempr~~~~."



Bumukas ang pintuan ng opisina ni Madre Superiora Rufina.





Napatayo naman kaming lahat na kanina pa naghihintay sa kanila.





"Tiyak na matutuwa ang mga bata at mga tao dito sa bayan natin Generous." Rinig ko mula kay Sister.





Ngiting-ngiti naman ang kasamang bisita ni Sister.




"Mabuti at naririto pa kayo dahil may importanting sasabihin si Atty. Yboa."





A One Night Stand With A Nun?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon