Chapter 30

3.7K 125 8
                                    

Miesha Ermintrude POV

"A-Anong sabi ninyo?"


"Malubha ang lagay ng aking anak dahil sa bago niyang kinakasama ngayon na malimit siyang sinasaktan."




Napahawak ako sa dibdib ko.


"D-Diyos ko."

Napuno ng pag-aalala ang puso ko.

Hinawakan ng Lola Fatima ang aking kamay.



"K-Kaya kung maaari lang Apo, ay sumama ka sa akin. Natatakot ako na baka mawala ang aking anak, at kung mangyari man yun ay gusto kong makita ka niya."



Bigla kong naalala si Chary na ngayon ay mahimbing ang pagtulog.



"Gusto ko pong sumama, pero hindi po ako pweding basta nalang ay sumama sa inyo ngayon."

Nagtataka itong napatingin.

"Bakit?"

Nagkatinginan kami ni Junjun at pagkatapos ay matiim kong tinignan ang abuela ko.



"May anak akong natutulog ngayon sa aking silid at hindi ko siya pweding iwan at hayaang magising bukas ng umaga na wala ako sa tabi niya."




Kita ko ang gulat sa mukha niya.



"May anak ka na, Apo ko?"



Napangiti ako.


"Opo, ang Apo niyo sa akin sa tuhod."

Napaawang ang bibig nito sa saya.





"Maaari ko ba siyang makita iha?"





Matamis ang ngiting tumango ako.





Sabay kaming tumayo, at magkaagapay na tumungo ng aking silid.





"Ah."




Narinig ko ang singhap ng Lola pagkakita sa aking Anak.




Lalo pa siyang nagalak nang kami ay lumapit.





"Napakacute niyang bata Apo." Usal niya sa mahinang boses.





"Halos dalawang taon na rin nang amin siyang inaruga ni Veille bilang aming Anak." Hayag ko.





"Talaga Apo? Masaya ako para sayo, pero asan nga pala si Veille?"




Malungkot na napangiti ako.





"Magdadalawang taon na rin na umalis siya para sa paghahanda ng kanyang sarili para sa kompanya nila."





Hindi nakaimik ang Lola Fatima.





"Bakit hindi mo ako tinawagan man lang para nasamahan ka namin ng Aunt Teresa mo sa kalungkutan mo?"





Napayuko ako.





"Nahihiya po ako sa inyo, isa pa nais ko ring bigyan ng panahon ang sarili ko na kayanin ng sarili kong katatagan. Hindi naman ako pinababayaan ng Panginoon sa paghihirap ko habang wala si Veille."






A One Night Stand With A Nun?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon