Chapter 26

2.2K 125 356
                                    


Wanina POV



Si Saffanyah




Ang pesting yun sa buhay ko!




At si Veille


Paano nangyaring naging sila nang dalawa?!



Noong nakita ko ang babaeng yun sa labas ng Bar and Casino nila Veille ay nagduda na ako.



Pagdududa na hindi ko akalain na maging totoo pala.



Dahil napakaimposibli na magkatagpo sila sa laki ng Ormoc.




Pero nangyari ang hindi inaasahan.



Letche!



3 taon ko din pinaghirapan na makuha ang atensiyon ng Ate Veille.



Atensiyon na pilit kong kinukuha kahit andiyan yung Zach na yun.



Pero ngayong nawala na sa landas ko ang lalaking yun ay may panibago na naman!



Hindi ko matanggap ay si Saffanyah ang pinatulan niya!



Kung papatol pala siya sa babae ay bakit hindi nalang ako?!



Ako na nagtiyaga, nagsikap at nagpursige para sa kaniya.



Pero binaliwala lang niya yun dahil...


Dahil ang tingin lang niya sa akin ay kapatid!



Bunsong kapatid na siyang wala sa kanya!


"Nina ano kako ang gusto mong tanghalian?"



Doon ako natauhan nang may tumapik sa balikat ko.



Si Pelita pala ito na katrabaho ko.


"Gulay nalang sa akin Aling Inday." Usal ko.


"Babaeng to akala ko pa naman nakikinig ka. Wala nang gulay,  naubusan na tayo dun palang sa ibaba."


Kunyari ay hindi ako nagpaapekto sa ginawang katangahan.




"S-Sige kahit ano nalang Aling Inday."


Kumuha na yung matanda ng kahit ano sa bayong niya.



Ito ang laging nagbebenta ng pagkain dito sa opisina tuwing Tanghali.


At mamayang alas 3:00 ng hapon ay babalik para magbenta naman ng pang-meryenda.



Dinuguan ang ibinigay nito na tinanggap at binayaran ko.



"Ano ba ganap sayo at lutang ka diyan?"



Uli ay sumama na naman ang pakiramdam ko.



"Wala, bwesit lang yung Saffanyah na yun."


Nagulat ito.



"Sinong Saffanyah? Yung Saffanyah na kaklase natin na feeling mo ay kung sinong matalino? Dinaan lang naman sa pagsipsip at pagpapaawa sa mga Profs natin ang ginawa?"



A One Night Stand With A Nun?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon