Chapter 20

11.4K 178 8
                                    


Pagdating ng second half ay pukpukan pa rin ang dalawang team. Halos nag-aagawan lang ng lead. Kung kanina ay halatang nawawalan ng focus si Bryan, ngayon ay nakakabawi na ito dahil nakadalawang magkasunod na three point shot ito. Ganun din naman si Paolo na biglang gumanda ang laro.

"Go! Go! Shoot!" Sigaw ko ng ipasa ni Jasper kay Bryan ang bola. Shemay! Si Matt pa talaga ang gwardiya niya. Habang nakaharang si Matt ay pumihit ito sa kanan at tumalon sa ere. Pinakawalan nito ang bola. Wooh! Pasok sa banga! Lumingon ito sa akin at kininditan pa talaga ako. Sheet! Naiihi ako sa kilig.

"Wooo!! May kinikilig diyan!" Sigaw nina Empoy at Caloy na tipong pinaparinig talaga akin.

"Heh!" Manahimik kayo!" Sagot ko. Muling gumanti ang SLC dahil nakashoot din si Matt.

Halos hindi na ako makahinnga dahil twenty seconds na lamang ang natitira sa oras. Bola ng Xavier pero leading kasi ngayon ang SLC ng dalawang puntos dahil nakashoot na naman si Matt. Pagod na pagod na ang lahat, lalong lalo na si Bryan. Awang awa na ako sa kanya dahil halos wala siyang pahinga sa buong second half. Tumawag ng time out si coach Arnel pagkatapos makascore ang SLC.

"Last shot will be for Bryan. Option B tayo guys. Paolo ikaw ang maglabas ng bola, Bryan tumakbo ka malapit dito. Pass the ball to Jasper. Jasper kay Bryan dapat ipasa ang bola. Kailangan isolate niyo si Bryan. Bryan, pag kaya sa three point shot go for the win. Pag di kaya go for two. Overtime tayo." Yun ang narinig kong instruction ni coach habang nakamasid lang ako sa kanilang lahat. Pumito na ang referee, hudyat na tapos na ang time out.

Si Paolo nga ang naglabas ng bola. Pinasa niya ito kay Allain dahil nadoble ng gwarya si Jasper. Hinanap naman ni Allain si Bryan na hinaharangan ni Matt gamit ang buong katawan nito. Kahit nakaharang ang katawan nito ay naipasa pa rin ni Allain ang bola dito. Sheet! Eleven seconds na lang. One on one na sila ni Matt. Nagbubungguan na ng likod at dibdib. Medyo payat kasi si Bryan, yung tipong tamang tama lang ang laki ng katawan at muscles. Yung tipong pangmodelo sa runway. Samantalang si Matt ay mas malaki ang katawan at mukhang naninigas ang malalaking muscle. Ewww! Ayoko ng ganun.

Eight seconds to go. Hindi na ako halos makahinga. Malayo kasi sila sa ring at di na makalapit pa si Bryan dahil mahigpit ang pagbabantay ni Matt sa kanya. Five seconds to go. Natahimik na ang buong gym. Lahat ay kinakabahan at naghihintay ng susunod na mangyayari.

"Bryan! Sabi ni Yumi pag di mo yan nashoot wala kang kiss mamaya!!!" Sheet ka Empoy! Umalingangaw talaga sa buong gym ang gym ang kanyang boses. Gosh! Nagblush ako ng bonggang bongga.

Ngunit. Subalit. Datapwat. Mukhang epektibo yata ang tinuran ni Empoy dahil biglang pumihit sa kanan si Bryan. Nang akmang pipihit din doon si Matt ay sa kaliwa pala ito umikot sabay talon ng mataas at hagis ng bola sa ring. Gosh! Hindi ako humihinga habang umiikot ikot sa ere ang bola. Dumapo ito sa gilid ng ring. Umikot ikot. OMG! Pasok sa banga! Bryan Bernabe, three points!

Malapad ang ngiting hinanap ako ng kanyang mga mata habang binubuhat siya ng kanyang mga teammates. Frustrated na binato ni Matt sa sulok ng gym ang bola. Seryoso ang mukha nitong nagwalk out sa gym. Maging si coach Arnel ay parang baliw na humalakhak. Nang humapa ang excitement ng buong team ay tumakbo sa bleachers si Bryan at sinugod ako ang yakap. Talagang binuhat niya ako habang nakapulupot ang legs ko sa kanyang bewang.

"Ang galing galing naman ng baby ko." Malambing kong sabi habang nakalambitin ako sa kanyang leeg.

"Hmmm..anong sabi mo?" Natatawa niyang tanong habang titig na titig sa mukha ko.

"Sabi ko, ang galing galing ng baby ko." Bulong ko sa malapit sa tenga niya.

"Sarap namang pakinggan nun. Isa pa nga." Shemay! Nagiging corny na ata kaming dalawa.

GRAVITY (completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz