Epilogue

20.4K 399 60
                                    


Pagbaba ko mula sa kotse ay dali dali kong tinakbo ang entrance ng Pacific hotel. Napatingin ako sa suot kong relo. Alas syete na ng gabi. Tinakbo ko na ang elevator. Pinindot ko ang apat na numerong code upang bumukas ang private elevator papunta sa penthouse. Paglabas ko ng elevator ay tinakbo ko na ulit ang pinto papunta sa loob ng penthouse. Madilim sa loob. Walang katao tao. Anyareh? Binuksan ko ang mga ilaw. Marahan akong umupo sa sofa. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong kulay lavander na dress. Natagalan kasi ako sa salon kanina kaya ayan nalate tuloy ako. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Hi babe, where have you been?" Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Bryan. Nakasuot ito ng dark gray Armani suit. Lumapit ito at kinuntilan ako ng halik sa labi. Mula sa kamay nitong nakatago sa likuran ay inabot nito sa akin ang isang tangkay ng pink tulip.

"Ahhh..thank you baby ko." Tumayo ako at mahigpit ko siyang niyapos sa batok. I gave him a lingering kiss on the lips. Nagulat ako ng maramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko.

"Mommy! This is for you.." Yumuko ako upang tignan ang nagsalita. Napangiti ako ng makita ko si Brent. Ang little Bryan ko. Inabot niya sa akin ang isa pang tangkay ng pink tulip. Nakasuot ito ng suit na parehas na parehas ng kay Bryan. Pati hati ng buhok ay parehas sila. Same hair color. Same light brown eyes. Hay, ang anak ko walang wala talagang nakuha sa akin maliban sa dimples sa sulok ng mga labi niya.

"Ahhh..thank you Brent.." Yumuko ako upang halikan ang pisngi nito. Ano ba naman itong si Bryan Bernabe. Pati ang anak namin ay tinuturuan niyang maging kasing sweet niya. Brent is three years old. Habang lumalaki ito ay nagiging carbon copy ito ni Bryan.

"Do you like what I'm wearing mommy?" Nagniningning ang matang tanong ng anak ko.

"Of course baby. You look so handsome, just like your dad." Muli akong umupo sa sofa. Tumabi ito sa akin habang nakangiting pinapanood lang kami ni Bryan.

"Daddy went to my school this afternoon. My new teacher said, daddy is hot." Hot. Anong hot?

"Maybe you mean cool baby. Dad is so cool." Sagot ko dito. Bigla kong naalala na nagvolunteer pala si Bryan na sunduin ngayon ang anak sa school dahil kailangan kong magpaayos ng buhok ko sa salon.

"Nah. Teacher and Frea's mom said. Dad is hot." Giit nito. Biglang nanliit ang mga mata ko.

"Bryan Bernabe, ano bang pinagsasasabi ng anak mong hot hot na yan? Nakipaglandian ka ba sa teacher ng anak mo?" Pinanliitan ko ito ng mata. Marahan itong napakamot ng ulo.

"O-Of course not..I just asked her about Brent's performance in school." Umupo ito sa tabi ko at umakbay sa akin.

"Teacher May Anne said dad should go to my school more often." Inosenteng kwento pa ng anak ko. Muling umusok ang ilong ko.

"Gaano ba kayo katagal nag-usap ng teacher ng anak mo ha? Bakit niya nasabing hot ka?" May pagmamaktol kong tanong habang inosenteng nakatitig lang sa amin si Brent.

"Ten. Fifteen minutes. I don't know.." Pinasadahan ko ng tingin ang gwapong asawa ko. Sino ba namang normal na babae ang hindi magkakagusto dito? Mukha pa lang ulam na. Dagdagan pa ng bumabakat na abs.

"Hmp! Nagpacute ka naman siguro ano?" Binirahan ko ng tayo. Tinungo ko ang ref at binuksan. Nilabas ko ang pitsel at nagsalin ako ng tubig sa baso. Tila bigla akong nauhaw. Naramdaman kong biglang may yumakap sa bewang ko.

"Hmmm.. Hanggang ngayon ba naman nagseselos ka pa rin babe? Ano pa bang gusto mo? Nakatali na nga ako sayo. Wala yun okay? Nakita mo na ba yung teacher ng anak mo?" Malambing nitong bulong sa tenga ko. Ang totoo niyan ay nakita ko na nga ang teacher ni Brent. Maliit ito at maitim. Malayong magustuhan ito ni Bryan.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now