Chapter 27

10.1K 166 3
                                    

Kinuha ko na lamang ang tinidor mula sa kanya at mabilis na akong sumubo ng salad at chicken. Medyo nanginginig ang kamay niyang binuksan ang bote ng red wine at nagsalin ito sa basong nasa harap niya.

"Can I have some Bryan?" Nagpapacute na naman ang malanding Karen. Yumuko pa ito upang iabot ang kanyang baso kay Bryan. Pinapakita na naman ang kanyang cleavage.

"Sure." Nilagyan nito ang baso ni Karen. Biglang nanlaki ang mga mata nito ng mapatingin sa suot kong singsing.

"Oh my gosh! Engaged na ba kayo ni Bryan?" Napahawak pa ito sa kanyang bibig habang titig na titig sa singsing.

"Hindi pa. Promise ring ito. Kaya heart shaped ang bato kasi sinisimbolo nito ang puso ni Bryan." Nakangiting sabi ko.

"Really? Wow! Ang sweet mo naman Bryan." Kinikilig na saad ni Brenna. "Ang mahal siguro niyan ano?"

"Okay lang naman kahit mahal. Mahal ko naman siya eh." Sagot ni Bryan habang nakatitig ulit kay Matt. Gusto ko ng maawa kay Matt pero totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi ni Bryan. Ramdam ko ang pagmamahal na yun.

"Di ba binigyan ka rin ni kuya ng eternity ring noon?" Heto na naman po kami. Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata ni Matt.

"Binalik ko yun sa kanya bago kayo pumunta dito." Bago sila noon umalis ay binalik ko yun kay Matt.

"Ha? Bakit?" Tanong ulit ni Brenna.

"Kasi ayokong umasa. Malinaw naman sa ating lahat na mas importante sa kuya mo ang mga pangarap niya di ba? Look at him now. Sikat na sikat na siya sa SLC at sa buong Northern Luzon. Worth it naman lahat ng ito kumpara sa akin." Sagot ko habang tinititigan ko si Matt. "Mas worth the wait naman yung dumating sa buhay ko eh. Si Bryan. Sobra sobra pa sa hiniling ko. Nagawa niyang bumaba mula sa mundo niya para makasama ako. Di ko yun hiningi. Kusa niyang binigay. Kasi totoong mahal niya ako. Pinapakita niyang ako ang pinakaimportante sa buhay niya. Na balewala ang lahat pag wala ako. Siya lang ang nagkapagbigay nun sa akin. Yung ganung pagpapahalaga." Binaling ko ang tingin ko kay Bryan. Nagchange color na naman ang mga mata niya. "Tara na baby." Bulong ko sa tenga niya.

"We better go. Nice meeting you again Brenna. Karen." Sabi ni Bryan. Nag-iwan ito ng ilang one thousand peso bill sa table. Seryoso itong tumingin kay Matt na ngayon ay nakayuko. Tumayo ako at niyakap ng mahigpit si Brenna, basang basa ng luha ang mga mata nito.

Niyakap ko ng mahigpit ang kanang braso ni Bryan habang papalabas na kami sa Forest House. Pakiramdam ko ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ito na siguro yung closure na gusto kong mangyari, yung masabi ko kay Matt ang mga di ko nasabi noon sa kanya. Tiningala ko si Bryan. May ngiting naglalaro sa mga labi niya.

"Mukhang happy ka ata Mr. Bernabe?" Tukso ko sa kanya habang inaalalayan niya ako pasakay sa itim na montero sport.

"You're really something. Do you know that?" Tumabi na ito ng upo sa akin.

"Bakit?" Tanong ko. Niyakap ko ulit ang kanan niyang braso at humilig ako sa kanyang balikat.

"The way you said it. About me being worth waiting for. You mean every word you said right?"

"Oo naman. Lahat ng yun totoo. Kasi pinaramdam mo sa akin lahat ng yun. Yung importansya at pagpapahalagang di naibigay ng kahit sino sa akin. Kaya mahal na mahal kita eh." Humigpit pang lalo ang pagkakayakap ko sa kanang braso niya. "Alam mo ba kung bakit itong brasong ito ang pinakapaborito kong yakapin?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi addict ka diyan?" Tumatawang sagot niya.

"Baliw! Paborito ko ito kasi ito yung shooting hand mo di ba? Itong side na ito yung Bryan ko. Yung basketball player." Inabot ko ang kaliwa niyang kamay kung saan nakasuot ang rolex watch niya. "Itong side na to yung Bryan na anak ng Vice President. Yung mahirap abuting side."

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now