Part XVI. Affinity

35 4 1
                                    

[Amber's POV]

Sa buong araw, distracted ako kay Luke. Oo, kay Luke! Nakakainis kasi siya! Bakit ba siya nandito?!

"Bakit ba tingin ka nang tingin sakin Lucy?" Tanong niya.

"Teka! Ikaw nga tingin nang tingin jan eh! Wag mo ngang binibintang sakin!" I pouted.

"Pano mo nalamang tingin ako nang tingin sa akin ha? So that means, kanina ka pa nga tumitingin." At ngumisi pa ang loko.

"Argh!" Naisigaw ko.

"Ms. Lightbourne, anong problema?" Sita ng teacher namin.

"Sorry ma'am. Si Lucas kasi." Sumbong ko.

"And what is your problem, Mr. Harrington?" Tanong niya naman kay Luke.

"Nothing. How about you? Do you want me to give you a problem, ma'am?" Sagot niya.

"Sumasagot ka pa ha?!" Ako yan. Tapos binatukan ko siya.

"Aw!" Tapos hinawakan niya yung batok niya. "Pasalamat ka *asdfghjkl* kita." Bulong niya.

"May sinasabi ka?!" Tanong ko.

"Wala! Sabi ko pasalamat ka bespren kita!" Sagot niya.

"Good." Sabi ko. "Ma'am, continue your discussion po." I smiled.

Tinuloy na nga ni ma'am yung lesson hanggang mag dismissal. Buti nalang 'di na ako nagpa-distract ulit hehe.

"Bez! Hang-out tayo after class! Tara, gora!" Aya ni Farrah.

"No. She's coming with me." Pigil ni Luke.

"Oo nga babe, hayaan mo sila. Tayo naman magloving-loving." Kumindat naman si Leonid. Landi nila psh.

"Heh! Hindi nga tayo bati eh!" Tapos umirap si Farrah. As if I know, gusto lang niya magpalambing pft.

"Ow. Hindi daw bati!" Asar naman nila James at Zach.

"At least ako may girlfriend. Eh kayo?" Tanong naman ni Leo.

"I kinda like that Kayla Beavins." Tatango-tangong sabi ni James.

"Wuy babaero! Wag na wag mong paglalaruan si Kayla kundi sisiguraduhin kong mababaog ka!" Nanggagalaiting pahayag ni Farrah.

"Ow. Not my balls." Pagdadrama naman ni James. Daming alam eh haha.

Bigla namang tumayo si Luke. "Alis na tayo, Lucy."

Sumunod lang ako hanggang sa kotse niya. Tahimik lang din siyang nagdrive.

"Teka, papuntang mall to ah? Are we going shopping?" Tanong ko. No answer.

"Yiiiee, magsa-shoping siya." Pang-asar ko. Again, no reply. Nanahimik nalang ako. Then nakarating na nga kami sa mall.

Tamang hinala, we're going shopping! Pero dun sa mga gadgets section lang talaga kami pumunta hehe.

"iPhone 6." Diretso niyang utos dun sa saleslady.

"Anong gusto mong kulay, Lucy?" Wow, kinausap niya ko. Akala ko nakalimutan niya nang may kasama siya eh. -.-

"Teka, why me? Bakit akong tinatanong mo? Tsaka bakit ka bibili niyan? May phone ka naman ah?" Sunod-sunod kong tanong.

"Just a present for my special someone. At magaling ka mamili ng kulay, that's why." Sagot niya.

Tumango lang ako. "Okay, I choose the gold one. Para unique tsaka ang ganda sa mata."

"Ay ma'am, sorry po. Ang available nalang pong gold is yung iPhone 6 Plus." Sabi nung saleslady.

"Okay. I'll take them." Walang kagatol-gatol na sabi ni Luke.

"100 thousand pesos sir." Sabi nung saleslady habang pinapakita yung phone.

Kinuha niya yung wallet niya at may nilabas na pera at card. "I only have 90K here. Get the remaining balance in my atm." Sabi niya. Okay, siya na rich kid. Siya na talaga.

Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na kami sa shop. Pumunta kami sa Jollibee because I insisted. Laking Jollibee ako eh hihi.

Umupo kami sa table for two dun sa tabi ng salamin. "Here. Para sayo yan." Sabi niya tsaka inabot sakin ang box ng iPhone 6 Plus.

"T-teka? Sa akin?" I stuttered. Ibig bang sabihin nun, a-ako ang special someone niya?

"Yup. Sa'yo nga. Ikaw si special, as in special child." Tapos tawa siya. Binatukan ko nga!

"Hey, ouch! Nagbibiro lang ako eh." Pero tumatawa pa rin siya. "Syempre, I am my special someone. Mahal na mahal ko sarili ko eh!" Tapos kinuha niya naman yung isa pang iPhone.

Natawa rin naman ako. Makulit pa rin siya. May mga bagay nga na hindi nagbabago. Bigla kong naisip ang wishlist ko. May isa na namang pangarap na natupad.

[] Buy iPhone 6

Hindi lang iPhone 6. Yung plus pa! Kung siniswerte nga naman. HAHA.

"Luke, salamat." I smiled.

"No problemo!" Tapos kumindat siya.

"Ang hangin grabe. Tinatangay akooo!" Nag-acting naman akong tinatangay ng hangin hehe.

"Kapit ka. Haha biro lang. Tara, ihahatid na kita." Aya niya tapos nagulat ako kasi kinuha niya yung kamay ko.

*lubdub* *lubdub*

Um. What was that? Puso, bakit ka ganyan? Hinay-hinay lang baka magkaron ng heart disease.

Iginayak niya ako sa kotse niya. Thank you God, nakalabas kami sa mall nang ligtas. Halos patayin na ko sa tingin nung mga babae dun eh. Buti nalang may disguise si Luke kaya di masyadong nakilala. Kaso hot pa rin talaga siya eh. Ooopps..

"Salamat sa lahat-lahat, Luke." Sabi ko pagkababa namin sa tapat ng bahay ko.

Niyakap ko siya. "Sobrang saya ko talaga ngayon dahil sa'yo."

Tumawa siya at niyakap ako pabalik. "Ano pa't tinawag mo akong Super Luke di'ba?"

"Sige, magpapaalam na ako. Baka hanapin na ko sa bahay eh." Napakamot siya sa batok.

"Bye Luke." Tapos hinalikan ko siya. Sa cheeks lang naman, don't cha worry.

Mukhang nagulat siya. Unexpected eh haha. "B-bye Lucy." Tapos pumasok na siya sa kotse.

Pinanood kong humarurot ang kotse niya hanggang makalayo tapos pumasok na rin ako sa bahay.

Pagdating ko sa front porch, bukas ang pinto at mukhang may kausap si mama. Mali man ang makinig, ewan ko pero parang naingganyo ako at nakinig sa may pinto.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" Sigaw ni mama. Nagtatalo ba sila?

"Meron pa Lalaine! Hayaan mo naman akong gampanan ang pagiging ama ko sa anak natin!" Sigaw ng lalake. Teka, anak?

"Natin? Wala tayong anak, Walter! Kaya lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw ulit ni mama.

Walter? Sinong Walter? Sinilip ko ang lalaki. Pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya noon. Parang sa---tama! Sa contest! Siya yung tatay ni Vennesse, si Mr. Walter Scott. Bakit siya nandito? At sino ang anak nila ni mama?

"Bakit mo ba inilalayo ang anak ko sa akin? Ama niya ako kaya may karapatan ako sa kanya." His voice cracks.

Sa sobrang curious ko, lumabas ako sa pinagtataguan ko at pumunta sa sala kung nasaan sila mama. "Ma?"

Tumingin sa akin si Mr. Scott. "Anak ko."

Tumulo ang luha niya. "Amber, anak. Ako ang ama mo."

--

A/N:

Wahaha. Sabaw. Wala na naman akong maisip eh. Sorry! Anyway, salamat po sa 370+ reads! Malaking bagay na yun sakin sooo THANK YOUUU! :*

Keep supporting my story. Vote/Comment/Share! Love you all!

~Author Nhiika

Wishlist ng AmbisyosaWhere stories live. Discover now