Part VII. Sabotage

61 3 1
                                    

[Amber's POV]

Pagkatapos ng mahigit isang linggo, napag-isipan kong sumali sa singing contest. There's no backing out. Kelangan ko ding ipakita kay Vennesse na hindi niya dapat ako inaapi. Tama Amber, fight lang nang fight! Ikaw ang reyna dito.

"Nak, ready ka na mamaya?" Tanong ni mama sakin.

"Ma kinakabahan po ako. First time ko to eh." Sagot ko. Totoo yun, kinakabahan ako. Baka kasi magkamali ako eh. Pahiya pa.

"Ano ka ba nak, ang ganda ganda mo kaya. Bat ka naman kakabahan? Tignan mo, andami na ng fans mo oh. Ako, si Farrah tapos yung poging naghatid sayo nung isang linggo. O diba, madami agad." Biro ni mama.

"Oo nga bez, may fans ka agad. Dagdag mo pa si Kayla. Naku bez, ang swerte ko kasi yung bespren ko maganda. Yan ha, pinagbigyan na kita. Wag ka na kabahan hihi." Sabi naman ni Farrah. Niyakap ko nalang silang dalawa. Masaya ako kasi nanjan sila para sakin.

"Mahal ko kayo bez at mama." Sabi ko.

Humiwalay sa yakap si mama. "Kung nandito lang sana ang papa mo, matutuwa yun." At pinilit niyang ngumiti pero pumalya. Makikita mo ang kalungkutan sa mata niya.

'Pangako ko sayo ma, hahanapin ko si papa. Magiging pamilya tayo ulit.' Naisip ko. At niyakap ko ulit si mama. Alam ko na hindi ko lubusang matatanggal yung lungkot at pangungulila pero alam ko din na makakatulong ang mga maliliit na bagay tulad nito.

"Osya, picture muna kayo nak. Smile!" Sabi ni mama sabay click sa camera.

"Yay, ang gaganda nyo mga 'day. Manang-mana sa nanay." Puri ni mama habang pinagmamasdan ang mga litrato.

"Syempre naman tita. Pang beauty queen ata etong mga to!" Pagmamalaki naman ni Farrah. Uto-uto haha joke.

Tumayo si Farrah sa tabi ni mama at pinaupo niya si mama sa tabi ko."Tita, ako naman magpipicture sainyo ni Amber. Say cheese!" Posing posing naman kami ni mama. Selfie lords haha.

"Wow mas maganda parin si tita kesa sayo bez hihihi." Pang-asar ni Farrah. Napa pout nalang ako. Ge ganyan kayo, di niyo maappreciate yung cuteness ko. :3

*ding* *dong*

"Ma, may bisita ka ata." Sabi ko kay mama.

"Ah sige mga anak, stay lang kayo jan. Pagbubuksan ko lang yung bisita." Paalam ni mama. Sweet ng aking ina nu? Pati si Farrah tinatawag niya nang anak. Ganun talaga, bffs ang parents namin eh.

"Ang bait talaga ni tita ano? Di na ako magtataka pag nainggit sayo si Vennesse haha." Pag jojoke ni Farrah. Natawa naman ako. XD

"Hay nako bez, pakiramdam ko may balak na hindi maganda yung babaeng yun. Kelangan mag ingat tayo." Babala ni Farrah.

"Lagi naman siyang may ginagawang hindi maganda eh. Sanayan nalang bez." I smiled.

"Nak, sayo pala itong bisita eh!" Rinig namin mula sa sala.

"Pumunta kayo dito dali. Nandito yung pogi!" Aya ni mama. Hala, sinong pogi? :o Pumunta naman kami ni Farrah sa sala.

"Lucas?!" Gulat ko nang makita ko syang prenteng nakaupo sa sofa habang kausap ni mama.

"Yiiee, pinuntahan siya ni Prince Charming!" Bulong ni Farrah sabang sinusundot yung tagiliran ko.

"Siya yung poging naghatid sa iyo dati diba? Ang gwapo talaga neto nak." Puri ni mama sa loko na napakalapad ng ngiti ngayon. Hmpf, napuri lang eh. =_=

"Mama naman. Lumalaki lang ang ulo niyan eh. Mas lalong nagiging mahangin." I pouted.

"Hay nako Amber, ang arte ha? Oh hijo, pag pasensyahan mo na tong si Amber ha? Mejo bitter kasi, nakalunok ata ng ampalaya." Pagpapatawa ni mama. Aw grabe ma, you have betrayed me. TT-TT

Wishlist ng AmbisyosaWhere stories live. Discover now