CHAPTER 18
Renz's POV:
"RENZ!"
Iyon na naman ang boses na naririnig ko.
"Sino ka ba!" singhal ko. Imbes na sagutin ako ay humalakhak lang siya ng humalakhak. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo!"
Nakakuyom ang aking mga kamay.
"'Di ba gusto mong tumira sa mundong ito?"
Nag-alangan akong sumagot, "O-oo."
Bigla siyang sumeryoso. "Sumama ka na sa 'kin."
"Ayaw ko! Mayroon pa akong babalikan sa aking mundo." Nagmatigas ako.
"Come with me, mas magiging maganda ang iyong buhay."
Kaagad akong bumangon. Nang tignan ko ang paligid ay saka ko napagtanto na nasa ospital pala ako. Ano'ng nangyari? Tinignan ko ang aking sarili. Naka-dextrose pala ako.
"Nahimatay ka kanina," nag-aalalang saad ng babae sa tabi ko. Tinignan ko siyang mabuti saka ngumiti.
"Wow, concern ka, ha."
Natawa siya. "Hays! Minsan lang akong ganito. Ha-ha-ha!"
"Hay naku!" panggagaya ko sa kanya. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Gusto kong kasabay ka." Saka inabot sa akin ang aking tupperware na may lamang pagkain.
"Si Pearl, nasaan?" tanong ko.
"Pumasok muna siya. Tayo naman ay walang klase kaya binantayan muna kita."
Tumango ako at binuksan ang baunan.
"Kamusta na pala pakiramdam mo?" kapagkuwa'y tanong niya habang kumakain.
"Hindi na sumasakit ang ulo ko. Hindi kagaya kanina na halos mabiyak na ito sa sakit." Sumubo ako ng kanin at ulam. "Salamat, Nadine, a."
"Wala 'yon, kaibigan kita, e."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkwentuhan sa mga bagay-bagay. Matapos ang ilang sandali ay bigla kong naalala ang naging panaginip ko kanina lang.
Sino ba kasi siya? Kilala niya ba talaga ako?
Pearl's POV:
NANG MATAPOS ang aming klase ay niligpit ko kaagad ang aking mga gamit saka nagmamadaling tumungo sa ospital. Walking distance lang naman 'yon mula sa paaralan namin kaya madali akong nakapunta.
Pagkarating ko roon sa ward ay nakita ko sila Nadine at Renz na masayang magkasama. Deretso akong naglakad papunta sa kanila.
"Pearl!"
"Hi, Pres!" Ngumiti ako kay Nadine.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" baling ko kay Renz.
"Maayos na!" masayang sagot niya na parang bata.
Nasa ganoon kaming senaryo nang biglang pumasok ang isang estudyante at hinanap ako.
"Ms. Salvacion, pumunta ka raw po sa opisina ni Ms. Black."
Nagpaalam ako agad sa dalawa at deretsong tinungo ang opisina ni Ms. Black. Pagkarating ko roon ay nakita kong kakalabas lang ni Kaizer sa opisina. Ano'ng ginagawa niya rito? Siguro may ginawa na namang kalokohan.
Nakatalikod sa lamesa ang upuan ni Ms. Black pagpasok ko.
"Nandito na po ako, Miss Black," abiso ko.
"Kamusta si Renz?" agad niyang tanong.
YOU ARE READING
Codebreaker [COMPLETED]
Science FictionBullied at school. Unloved at home. Renz Castaneda has always wanted to escape reality-and one night, the online world gives him a chance to disappear for good. After mysteriously waking up inside the games and apps he once used to survive daily lif...
![Codebreaker [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/188834753-64-k628678.jpg)