CHAPTER 25: Keys

39 3 0
                                        

CHAPTER 25

Zhat's POV:

"ILABAS NI'YO 'ko!" sigaw ko habang sinisipa ang rehas.

"Manahimik ka!" saway naman sa 'kin ng pulis na nagbabantay. Wala akong magawa kundi umupong muli.

Nasa ganoon akong kalagayan nang may isang lalaking lumapit sa 'kin.

"Isa akong detective. Nandito ako para imbestigahan ka," deretso niyang sabi sa blankong mukha.

"Wala akong kasalanan, detective. Nakita ni'yo ba sa CCTV na ako ang nag-inject sa kaniya!" asik ko.

"Pa'no mo nalaman na syringe ang ginamit sa kaniyang pagpatay? Wala pa akong sinasabi kung paano siya namatay." Tagos sa buto ang lamig na kanyang tingin. Hindi ko 'yon kayang salubongin kaya iniwas ko ang mata.

"May alam ka sa nangyari, at nandito ako para pigain lahat ng alam mo." Napalunok ako. "Kaya kitang palayain, sabihin mo lang ang totoo at lahat ng alam mo. Sumasang-ayon ka ba?"

Gusto kong makalaya kaya pumayag ako.

"Alam ko kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. Ang kasintahan ko, si Pharsa. Habang magkasama kami ay lagi niyang pinagbabantaan si Renz. Sa kaniya rin ang syringe na ginamit sa pagpatay kay Renz. Marami siyang syringe, iba-iba ang klase ganoon din ang mga gamot. Lahat ng iyon ay nakalagay sa kaniyang briefcase."

"Bakit? Ano pakay niya para gawin 'yon?"

"Noong una, ginamit niya si Renz sa simpleng bagay lang tapos iniwan niya rin sa ere. Magkasintahan na kami ni Pharsa nang maging sila. Hindi ko rin matukoy kung bakit niya pa kailangang jowain si Renz." Inalala ko ang mga napansin kay Pharsa no'n. "Lagi rin siyang may kausap sa selpon. Sa tuwing tumatawag ang kausap niyang iyon ay umaalis siya. Hindi ko alam kung saan siya laging pumupunta."

"May napansin ka bang ibang tao na malapit kay Pharsa?"

Umiling ako. "Wala."

Napaisip siya bago nagsalita ulit. "May alam ka sa XWeb?"

Napako ako sa aking kinauupuan saka tumikhim. "Wala. Wala akong alam. Ang alam ko lang diyan ay website siya na kakompetensya ng Cyberzone."

"Posible kayang may koneksyon si Pharsa sa XWeb?" pag-uusisa niya.

"Ano?"

"Na-track namin ang GPS location ng kaniyang selpon." Pinakita niya sa akin ang monitor ng kaniyang laptop saka tinuro ang kulay pulang umiilaw sa parang mapa ng aming lugar. "Nandito siya sa gusali ng XWeb."

Napamaang ako at naguluhan. "Bawal itong ginagawa mo, 'di ba? Paano ka nakapaglagay ng tracking device sa kaniyang selpon nang walang paalam?"

"Para sa kaalaman mo, kaya namin i-trace lahat ng devices ng kung sino man ang pinaghihinalaan namin," nakangising tugon niya, tila ay kumpyansa siya sa kaniyang sagot.

Tumikhim ako.

"Oo nga pala, may awtoridad kayo. My bad." Kinagat ko ang aking ibabang labi sa inis saka umayos ng upo. "Sinabi ko na ang lahat ng alam ko. Papakawalan ni'yo na ba 'ko?"

Umiling siya. "Mayroon ka pang tinatago, Zhat."

Hinampas ko ang mesa saka matalim na tumingin sa kaniya. "Ano pa ba ang gusto mo, ha!"

Tinignan niya ako nang walang emosyon mata. "Ano ang alam mo sa XWeb?"

Napasandal ako. "Sabing wala nga! Sinabi ko na ang lahat ng alam ko, iyon lang!"

Codebreaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now