Chapter 15

58 1 5
                                    

Hindi ko kailanman inungkat pa ang nangyari sa ball. Umakto ako na hindi ko na ito naaalala. Takot akong makita muli ang itsura ni Arthur na napapamaang. For some reasons, it's just doesn't feel right. Siguro ay may malalim na rason sa ekspresyon niya pero labas na ako doon. Wala akong karapatang alamin iyon. At wala din akong rason kung bakit kailangan kong alamin pa.

"You'll come, right? Sumama ka na kasi. Hindi ako mag- eenjoy kapag hindi ka kasama." Ani Miya.

Nag- oo nalang ako sakanya habang pagod na nagtatry magbake ng cake para sa birthday niya bukas.

"Pero pupunta muna ako sa condo mo bukas ng umaga. Lutuan mo ako ng adobo." Tinawanan ko si Miya. Wiling- wili sa adobo ko. Ilang taon na na ganyan 'yan. Ang laging hiling sa birthday ay adobo.

"Sino ba ang mga kasama? Makakapunta ba si Alexis?"

Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko nang marinig ko ang marahas na singhap niya.

"Huwag mo na akong tanungin tungkol sa lalaki na iyon. Hindi makakapunta. Nakakatampo."

"Edi ako nalang talaga ang kasama mo? Huwag kang mag- alala, hindi kita bibiguin bukas."

"Sweet naman! Love you Cora baby!"

Nagtawanan kaming dalawa pagkatapos noon.

Magdamag kaming nag- uusap ng walang kabuluhang bagay. Kung ano- anong topic na nga ang napag- usapan naming dalawa. Nagtatanong rin siya sa kung ano ang nangyari sa ball at sinabi ko naman ang nangyari pwera lang sa parte na may dalawang tao na pumunta sa amin na ikinausok ng ilong Boss ko.

Kinabukasan ay sobrang aga ni Miya. Inaya pa nga ako na magworkout sa gym na nasa building rin na iyon. Dahil linggo at walang gagawin ay pumayag ako rito. Pagkauwi namin ay sinimulan ko nang magluto habang siya naman ay nagva- vlog tungkol sa birthday niya.

"Sarap! Favorite ko talaga 'to!" Sabi niya pagkatapos kumain ng isang kutsara.

"Ay, wait! Nakalimutan ko pala sa ref," Tumayo ako sa pagkakaupo at saka kinuha ang cake na binake ko para sakanya kagabi. Tagal kong natulog para ma- perfect 'yon.

"At may pa- cake pa si Mayora! Thank you, Cor! Love you so much!" Tuwang- tuwang sabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay naligo muna kami. Nag- aaya si Miya sa mall at magshashopping daw siya dahil iyon lang ang ikasasaya niya ngayon. Ang Mommy at Daddy niya kasi ay nasa States dahil may inaasikasong business. Gusto man daw umuwi ng mga iyon ay hindi niya na rin pinauwi dahil okay na daw na batiin siya nito.

"Grabe ka! Sobrang dami mo nang napamili. Di pa rin tayo titigil?" Tanong ko sabay kuha ng ilang paperbag sakanya.

"Last na talaga, promise! Pagkatapos kong bumili ng pangkabog na outfit natin ay magsasalon tayo! Gosh! Gusto ko nang magpa- manicure at pedicure. And also, my hair needs treatment din."

Wala akong nagawa doon. Nakasunod lang ako sakanya. Ayaw nga ako nitong pagbayarin ni singkong duling dahil daw libre niya iyon. Birthday niya naman kaya okay lang daw na gumasta siya at pinaghirapan nga naman niya iyon dahil katas ng pagvavlog.

Madilim na sa labas nang matapos kami sa errands namin. Doon na rin kami nagdinner dahil pagbalik daw namin sa condo ay mag- aayos na kami para mamaya.

"Excited na ako! Magtry tayo ng maraming drinks mamaya, ah!"

"Sige lang." Natatawa kong pagpayag.

Inayusan niya ako at sabay kaming dalawa na pumunta sa club. Kilala na ata siya dito pero dahil bagong salta ako ay hinahanapan ako ng id kaya sinabi ni Miya na kasama niya ako. Pinapasok naman agad ako ng guard pagkasabi noon.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon