Chapter 28

56 2 5
                                    

Kinakabahan akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin. Ngayon ay makakausap ko na ang biological mother ko. Ito pala ang inaasikaso ni Arthur noong mga panahong nakuhanan siya kasama ang model. Pinakiusapan niya sa private detective na hanapin ang nanay at tatay ko. Sadly, namatay na daw ang Papa ko na isa palang australian citizen.

"Paano kung ayawan ako?" Kinakabahan kong tanong.

Umiling siya sa akin at ngumiti.

"Walang aayaw sa iyo, Cora."

Humingi ako nang malalim at inaya na siya na lumabas ng condo. Nagdrive siya papunta sa café kung saan nila napagkasunduang magkita. Pagbaba sa sasakyan ay palakas nang palakas ang kabog ng puso ko. Hinawakan ni Arthur ang kamay ko at sabay kaming pumasok roon. Nang tawagin niya ang lalaki na nagpakilalang Detective Orion sa akin ay napamaang ako nang makita kung sino ang itinuro nitong nanay ko.

The doctor who checked on Arthur! Ang nanay ng ex niya ay nanay ko rin. So ibig sabihin ay magkapatid kami ni Ciara? Parehas kaming gulat nang makita ang isa't isa. Hindi nga ako makagalaw sa sobrang gulat sa nangyayari ngayon.

"Go on, baby. Talk to your mother. I'll stay here with Orion."

Lumakas ang loob ko sa bulong ni Arthur. Dahan- dahan akong naglakad papunta sa nanay ko. Nang makaupo ako ay ngumiti ako sakanya. Maganda siya kahit na mahahalata mo na may edad na ito. Nakita ko na ang pagkakahawig lang namin ay ang mata. Ang features na natira na ay galing sa aking ama. Mas nagdominate ang foreigner blood sa akin.

"Hello po." Magalang na bati ko.

Nag- uunahang pumatak ang mga luha mula sa mata niya habang hinahawakan ang kamay ko. Ganoon din ang nangyari sa akin.

"I'm sorry, Cora. I'm sorry Mom didn't have the courage to find you. I'm sorry that for the past years I am hating you. I'm hating on a child who didn't do anything wrong to me. I'm sorry, anak..."

Pinilit kong ngumiti. Sobrang dami na ng emosyong nararamdaman ko ngayon pero hindi ako galit. Hindi ako kailanman nagalit sakaniya.

"You were a product of a night stand between me and the guy at the bar abroad. I had a daughter already that time. Kaya hindi ko matanggap na nabuntis ako ng iba. My husband says we'll keep you pero ako ang nagdesisyon na ipamigay ka dahil sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko ang pagtataksil ko sa pamilya ko."

Tumango ako sakanya. Naiintindihan ko siya. Finally, narinig ko na rin ang rason sa lahat ng tanong ko.

"Your sister, Ciara, is longing for you. Noong lumalaki ay tinatanong niya sa akin kung nasaan ang kapatid niya dahil nakita niya na nabuntis ako noon. I always deny you to her. Noong mawala siya ay parang nagunaw ang mundo ko. Doon ko na- realize na kung sana kinupkop kita ay hindi ako magiging ganoon kalungkot. Hindi na kita nahanap pa dahil nawalan ako ng contact sa pinagpaampunan ko na kalaunan lang ay nalaman ko na pumanaw na. Hindi rin ako nagkalakas ng loob dahil sa tingin ko ay galit ka sa akin at hindi mo maatim na makipagkita."

Umiling agad ako.

"Hindi po ako galit. Simula palang ay alam ko na may malaking rason ka siguro kung bakit mo ako pinamigay sa iba. Ngayon na alam ko na ay hindi iyon nagbago. Ang sabi kasi ng Nanay at Tatay ko sa akin ay huwag raw akong magtanim ng sama ng loob. Kaya po hindi ka pa man humihingi ng tawad, napatawad kita."

Umiyak siya lalo sa sinabi ko.

"Tama nga ang nagturo sa akin kung saan ka ipapaampon. Look at you right now. You've grown beautifully. Inside and out. Masaya ako na makita ka muli after twenty two years."

Ngumiti ako at mas lalong naging proud sa Nanay at Tatay na kinalakihan ko.

"I'm happy to see you too, Mama." Ani ko.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon