UA: Caldereta

18 10 0
                                    


MELODY POV

Nakahiga ako sa kama at nakatalakbong habang nag dadrama. Habang nakatalakbong ako nakatingin lang ako sa cellphone ko tinext ko si Lloyd na ingat siya sa byahe at nahanap kona ang cellphone ko kaya naitext ko siya.

Tutulo na sana ulit ang luha ko kaso narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya sinagot kona agad.

" N-nakauwi kana? " garalgal yung boses ko nung sinabi ko 'yon.

" Umiiyak ka pa rin ba? " hindi ito boses ni Lloyd kaya napatingin ako sa cellphone. Number lang ang nakalagay dito pero kahit na ganoon. Alam kong boses 'to ni Laurence.

" Hindi! "

" Eh, bakit ka galit. "

" Ano naman sa'yo kung galit ako."

" Talaga bang mainitin ang ulo ng mga matataba? "

" Kung wala kang magandang sasabihin papatayin kona 'to!"

" Sandali."

" Ano!? "

" Maganda." Pagkasabi niya nun pinatayan ko siya.

Mga ilang segundo nawala din yung inis ko at napalitan ito ng ngiti.

LAURENCE POV

Tinago kona ang cellphone ko nung pinatay niya na. Tumayo na din ako sa kinauupuan ko dito sa kalsada habang nakatingin sa bahay nila. Ang totoo niyan nakita ko ang lahat, simula nung hinatid siya ni Kuya sa bahay nila.

Bago ako tuluyang umalis nakita kong pinatay niya na ang ilaw doon sa kwarto niya.

MELODY POV

Napabangon agad ako sa kinahihigaan ko nung tumunog ang alarm clock ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas papuntang sala.

" Melody, pumapayat ka ah."

" Talaga ate? " sabi ko at humarap sa salamin. Oo nga, pumayat ako ng konti.

Habang nakatingin ako sa salamin may biglang kumatok sa pintuan namin kaya pumunta ako doon para buksan 'yon.

" Melody. "

" Anong ginagawa mo dito? " pagkasabi ko nun niyakap niya ako.

" Sorry, patawarin mo ako sa ginawa ko sayo. "

" Lloyd."

"Ang agang yakap naman yan. " singit ni ate Musika.

" Musika. " sabi niya.

" Kamusta kana Lloyd? "

" O-okay lang. "

" Pasok ka."  inalok ko siyang umupo sa hapag kainan.

Magkaharap sila ngayon si ate sa lamesa at naguusap. " Sandali lang, magluluto ako. " paalam ko sakanilang dalawa at dumiretso na ako sa kusina.

MUSIKA POV

"  Anong nangyari d'yan sa paaa mo? "

" Ah ito? Wala 'to, malayo sa bituka." Sabi ko at ngumiti sa kanya na may pananakot. Ramdam kong nahalata niya 'yon pero kalmado lang siya habang nakatingin sa akin.

Magaling siyang magtago ng emotion niya. Hindi ko siya mabasa.

" May tanong pala ako, kilala mo ba 'yong classmate ni Melody? Laurence ang pangalan niya."

" Laurence? Ah, oo. Bakit? "

" Gusto ko lang malaman, anong ugali ba meron 'yung Laurence? "

" Okay naman. Makulit siya at mahilig magbiro. "

Unexpected Affection [On-going]Where stories live. Discover now