UA: Scam

11 2 0
                                    


LLOYD POV

" Una na ako. " paalam ko kay Serenade habang inaayos ang mga gamit ko.

" Maaga pa para umuwi." sabi niya habang nakatingin doon sa computer

" Yeah. I know, kaya maaga ko tinapos lahat." sinuot kona 'yong bag ko.

" I need to go." Pagkasabi non ay napatigil ako dahil dito sa direksyon namin papunta si boss.

" We need to talk. "

" What is it, sir? "

" We have a big problem." napatingin saamin si Serenade habang napahawak sa noo dahil sa narinig niya.

Napapikit nalang ako habang nag iisip. Bakit ngayon pa. Ngayon pa talagang monthsary namin ni Melody.

Anong ihaharap ko sakanya?

" Sorry Lloyd. Hindi kita mapapaalis ng maaga ngayon kahit gustuhin ko." inabot niya sa'kin mga papel at tinapik ang likod ko bago umalis.

Napaupo nalang ulit ako sa pwesto ko habang napahawak sa ulo. " Are you okay? "

" No, I'm not okay, Serenade." mga ilang segundo ako nag isip bago tuluyan kumilos.

Panay ang tingin ko sa orasan umaasa ako na sana matapos ko kaagad ito ng maaga kaso hindi talaga aabot kahit anong gawin ko.

" Serenade. Anong araw ngayon? " napatingin siya sa cellphone niya.

" Sabado. " pagkasabi niya ay kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan ni Leighton.

" Sup." Halatang kagigising lang niya base sa boses niya.

" Leigh. Bar tayo? " sabi ko habang nag tatype dito sa harap ng computer.

Si Serenade naman nakakunot ng noo habang nakatingin sa'kin, sinenyasan ko nalang siya na huwag maingay at mukhang na gets naman niya dahil binalik niya ang atensyon sa ginagawa niya.

" Naks! Tara. Kailangan ngayon na?"

" Yeah, hitayin mo'ko sa bahay. Pauwi na'ko "

" Sure na? Baka scam ka na naman."

" My treat. "

" Ayon!" Masayang sabi niya at siya na din nagpatay ng call.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil napapayag ko siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para kumalma.

" Pinagtitripan mo na naman si Kuya Leighton." sabi niya habang umiiling pero tumatawa.

LEIGTHON POV

Nakahiga ako ngayon dito sa sofa ng condo ni Lloyd habang hinihintay siya na dumating. Ang hilig niya talaga akong paghintayin ng matagal halos isang oras na akong nandito.

Talagang inlove na si Lloyd dati kasi nakakapagbonding pa kami pero ngayon halos layuan na'ko. -,-

Nakatingin lang ako sa taas ng kisame habang nakataas ang kamay ko at gumagawa ng mga shapes.

It's already 3:00 pm pero wala pa rin siya. Nakakainis talaga siya, hindi man lang naawa sa'kin. Sabagay, ganon naman talaga siya. Always late pero kapag kay Melody early bird.

" What's the new? " walang gana kong sabi habang kausap ko ang sarili ko.

Nahulog ako sa kinahihigaan ko ng biglang bumukas pintuan at may pumasok na babae, may hawak siyang cake habang nakangiti sa'kin.

Napakunot ako ng noo at pinagmasdan 'yong babae sa harap ko, hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung sino siya at paano siya nakapasok dito sa condo ni Lloyd.

Unexpected Affection [On-going]Where stories live. Discover now