CWD32

28.8K 1K 108
                                    

Leave a comment! ❤

●●●

Nang magmulat ng mata si Adelaide ay napansin niyang nasa kama na siya ngayon at nakahiga. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nawalan ng malay, ang huling naaalala niya lang ay sumakit ang ulo niya at nahilo siya, pagtapos ay nawalan na siya ng malay at tuluyang nabuwal.

She looked around the room, she's alone. It's possible that Daniel's home and he saw her on the floor and he carried her to their bed.

Maingat siyang bumangon para makaupo, napalingon naman siya sa may pinto nang bumukas ito at iluwa si Daniel na may dalang tray na may kung anong umuusok doon. Kumunot ang noo niya sa lalaki.

"Baby, you're awake," agad na lumapit sa kanya si Daniel matapos nitong ilapag sa may lamesa ang dalang tray. Naupo ito sa may gilid ng kama at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "You scared the shit out of me, what happened?" he asked her. He squeezed her hand while his eyes were on hers.

Pinagmasdan siya ni Adelaide at napailing. "I don't know... nahilo lang ako kaya ako natumba," paliwanag niya naman sa lalaki. Tinitigan siya ni Daniel na tila ba sinusuri nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Let's go to the hospital so they can check on you," sabi nito sa kanya na agad niyang pinigilan. "There's no need for that," awat niya sa lalaki. "I'm fine now, nainitan lang siguro ako kanina kaya nawalan ako ng malay, but I am all good now, Daniel," hinawakan niya ang kamay ng lalaki at pinisil iyon. "Don't worry, okay?" inangat niya ang isang kamay upang haplusin ang pisngi nito at ngumiti siya ng matamis sa kasintahan.

Halata namang napipilitang tumango si Daniel sa kanya kaya ginawaran niya na lang ito ng mabilis na halik sa mga labi. "Thank you..." bulong niya sa lalaki.

"I love you," sabi naman nito bago hinalikan ang noo niya. "I brought you some soup," sabi nito bago tinignan ang tray na dala kanina. Maging si Adelaide ay lumingon na rin doon. Parang kumalam ang sikmura niya nang maamoy niya iyon dahil hindi naman din talaga siya nakakain ng maayos kanina noong kasama niya si Julianna.

Naalala niya na naman ang mga sinabi ng babaeng iyon sa kanya. Kung paanong ipamukha nito sa kanya na walang-wala siya kay Bea sa buhay ni Daniel. Wala naman siyang plano na makipagkumpetensya kay Bea, alam niya naman ang lugar niya sa buhay nito at alam niya na kailanman ay hindi naman niya talaga mapapalitan ang babae sa buhay ng kasintahan niya.

"I love you, too," masuyong sabi niya kay Daniel. Ngumiti naman ito sa kanya bago kinuha ang mangkok na may lamang soup na inihanda nito. Kahit pa nagpipilit siya na siya na lamang ang kakain na mag-isa, hindi siya hinayaan ni Daniel kaya naman ito ang nagsubo sa kanya hanggang sa maubos niya ang laman ng mangkok na hawak nito.

"It's good," sabi ni Adelaide bago sumandal sa headboard ng kama. "I liked it," dagdag niya pang sabi sa lalaki.

"I'm glad you liked it," ngumiti ito sa kanya bago inabot ang baso na may lamang tubig. "Are you sure you're okay? If you don't want to go to the hospital, I can just call a doctor and ask him to go here to check on you," hinaplos ni Daniel ang pisngi ni Adelaide kaya naman mas napangiti siya dahil bakas na bakas sa mukha ni Daniel na nag-aalala ito sa kanya.

"I'm okay, now..." sabi niya rito upang mawala ang pag-aalala nito sa kanya. Kahit na hindi kumbinsido ay tumango ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Adelaide smiled at him and pulled him in a hug.

Wala namang nagawa si Daniel at niyakap na rin si Adelaide. Nahiga ito sa tabi niya kaya mas hinigpitan ni Adelaide ang yakap sa lalaki.

"You missed me?" Daniel asked her, he kissed the tip of her nose.

Crazed with DesireWhere stories live. Discover now