CWD33

45.4K 1.4K 194
                                    

Hunter's Temptation Book is now available for pre-order. Visit Immac Watty Online Shoppe on Facebook to know the full details! :)


------


"Where are you going?" She watches him dressed up while she's hugging his pillow. Narooon pa ang amoy ni Daniel kaya naman mahigpit ang yakap doon ni Adelaide. Nakatakip sa katawan ni Adelaide ang kumot habang nakasilip pa rin siya at pinapanuod ang kasintahan habang nagbibihis ito.

Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang lalaki.

"Thunder is asking me to help him," he shrugged and looked at her. Lumapit ito sa kanya at naupo sa kama. Hinaplos ni Daniel ang pisngi ni Adelaide bago yumuko at mabilis na dinampian ng halik ang labi niya.

"This early? Hindi pa ako nakakapagluto ng almusal, e," reklamo niya naman sa lalaki. Hinawakan niya rin ang butones ng polo nito at binubuksan ito.

Daniel chuckled and pecked on her lips again. "It's okay, baby. I'll just eat there," sabi nito sa kanya. Hindi naman siya nagsalita habang nakatingin siya sa lalaki. "Why? What's wrong?" he asked her.

Umiling naman si Adelaide bilang sagot dito. "What time are you going home?" tanong niya na lang sa halip. Idinantay niya ang pisngi sa unan habang nakatingin sa lalaki.

Ngumiti si Daniel sa kanya at hinawakan ang kamay niya bago dinala sa mga labi nito upang halikan iyon. "I'll try to be home early, baby," he told her. Tumango na lang siya dahil alam niya naman na wala naman siyang magagawa dahil may trabaho si Daniel. She's pretty sure Thunder called him because they wanted him to do something.

"It's okay, I will be fine here..." sabi niya sa lalaki at pilit na ngumiti. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Daniel habang nakatingin sa kanya. "I'm sorry about Julianna. I will talk to her and will tell her to look for another place to stay, okay? I will deal with her, baby," sabi nito sa kanya bago muling masuyong hinaplos ang pisngi niya.

Wala siyang sinabi na kung ano kay Daniel dahil alam niya naman na kahit ampon lang ng pamilya nila Bea si Julianna, alam niya na matatawag pa ring pamilya ito ni Daniel.

"Okay..." sumang-ayon na lang siya sa lalaki. Ngumiti ito sa kanya at muling yumukod upang halikan ang mga labi niya. Tinanggap naman iyon ni Adelaide at kung hindi pa tumunog ang cellphone ni Daniel ay malamang na kung saan pa silang dalawa aabot.

"I got to go. Eat, okay? Call me if you need anything," sabi ni Daniel bago hinalikan ang noo niya at kinuha ang wallet nito at ang cellphone na nasa lamesa. Tumango lang siya rito at pinagmasdan ito hanggang sa makaalis ito ng kwarto.

She stayed in bed for another ten minutes. Hindi niya rin malaman kung bakit ba parang mabigat ang pakiramdam niya ngayon gayong kahapon naman ay ayos lang siya. It was as if she's too lazy to get up and all she wanted to do is to sleep throughout the day.

Tinignan niya ang cellphone niya kung may balita galing kay Wesley pero wala naman din siyang nakita. Iilan lang naman ang taong may alam ng phone number niya.

Si Daniel, si Hunter, si Zyline, si Rain at si Wesley.

Hustong alas nueve nang mapagdesisyunan niyang bumangon na lang upang makapag-almusal. Wala siyang gana na magluto kaya naman iniisip na lang ni Adelaide na kumain ng cereals ngayong umaga.

She's silently praying that Julianna went out today because she doesn't want to deal with her today.

Natigilan si Adelaide sa paghakbang nang muling makaramdam ng pangangasim sa sikmura niya. Napatakip din siya sa bibig nang pakiramdam niya ay masusuka kaya mabilis na tinungo niya ang banyo at inangat ang takip ng toilet bowl at saka sumuka.

Crazed with DesireWhere stories live. Discover now