Leave a comment :)
==
Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba'y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo.
She stayed still for a moment and immediately opened her eyes.
Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya.
"No... no... no..." she's in her room... in their house!
Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon.
Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon.
Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. "Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!" malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa labas na tutulong sa kanya ngayon. "Let me out!" she shouted again, this time it was louder. "Mommy! Mommy, help me!" kumuyom ang kamay niya habang kinakatok pa rin ang pinto.
"Let me out!"
"No one will help you, Adelaide."
Napapitlag siya nang may marinig sa loob ng kwarto niya. Inilibot niya ang mata at nakita niya kaagad ang radyo na naroon sa may lamesa sa tabi ng kama niya. Napatitig siya roon habang hawak pa rin ang seradura ng pinto ng kwarto niya.
"No one will help you here," muling sabi ni Fernando sa kanya mula sa radyo. Hindi siya maaaring magkamali, alam niya na tinig iyon ni Fernando. He was the last person she saw before she passed out.
Nasundan siya nito at dinala muli pauwi sa kanila!
Inisip niya kung gaano ba siya katagal nawalan ng malay at nadala na siya nito roon ng walang kahirap-hirap. She remembered following Daniel... sobrang natatakot siyang may mangyayaring masama sa lalaki kaya naman sinundan niya ito... hindi niya alam na naroon sila Fernando para dakpin siya.
Tumalikod siya at muling kinatok ng malakas ang pinto. "Let me out! Palabasin niyo ako rito! Tulungan niyo ako!" namamanhid na ang kamay ni Adelaide sa pagkatok sa pinto ngunit wala paring dumarating na tulong para sa kanya. She's crying for help but to no avail.
"Mommy! Mommy, help me!" malakas na sabi niya habang nararamdaman ang pagpatak ng luha niya ngunit kahit ang Mommy niya ay hindi dumarating para tulungan siya.
"Mommy..." she looked down and clenched her fist. Matalim na nilingon niya ang radyong nasa lamesa at mabilis na kinuha iyon.
"Anong ginawa mo sa mommy ko?" mariin na tanong ko kay Fernando. "Anong ginawa mo sa kanya?" ulit ko rito habang mahigpit ang hawak sa radyo.
Narinig niya ang pagtawa ni Fernando mula sa radyong hawak niya. Nakakapanindig balahibo ang tawa nito... sa palagay ni Adelaide ay tawa iyon ng isang demonyo.
"Adelaide, your mom is safe... but she agrees with me that you need to be disciplined. She agreed to lock you up, hija."
"No... no! Alam kong hindi papayag si Mommy sa ginagawa mong ito. Palabasin mo ako rito ngayon!" mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ni Adelaide sa kamay niya habang masama ang tingin sa radyong hawak sa isang kamay.
Napalingon si Adelaide sa kabuuan ng kwarto niya. Initsa niya ang radyo sa kama bago nagpunta sa bintanang naroon. Agad niyang binuksan iyon at laking pasasalamat niya nang walang harang ang mga iyon.

YOU ARE READING
Crazed with Desire
RomanceDaniel Dela Cruz thought his life was going to be bland and dull and the only excitement he will have is from the missions he needs to accomplish. He lost his family in a tragic accident and he never opened himself up to anyone since then... And the...