MLFY 15

237 9 2
                                    

ANNE/SHAMIE'S P.O.V

Nagising ako na wala na si best sa tabi ko. Nakita kong may note sa side table ng kama ko kaya agad kong binasa ito.

Best,kailangan ko munang pumunta sa botique,
Nandiyan na nga pala sila tita,dont worry
Babalik ako mamaya para kausapin siya..

Maggie,

Nandiyan na pala sila mama. Hindi ko alam kung masama galit pa rin ito sa akin,kung sakaling hindi siya mapapayag ni best na umalis na dito ay wala na akong ibang choice kundi sumama sa kanila.

Malapit ng mag lunch kaya bumaba na ako.naabutan ko si paula na nanunuod ng t.v sa sala.lumingon ito sa akin. Napansin ko namang wala si mama,siguro ay nasa palengke ito. Tumabi ako kay paula at niyakap siya.wala lang feel ko lang maglambing sa kapatid ko.

"Weird mo naman ngayon ate"puna nito sa akin.

"Masama bang yakapin ang kapatid ko?"paglalambing ko dito. "Hindi naman!hindi lang bagay sayo"natatawang sabi nito,

"Tuloy na ba talaga tayo sa pagtira sa baguio?"malungkot kong tanong.tumingin naman ito sa akin. "Ayaw mo tumira tayo doon noh?,kahit ako ayoko pero desidido na si mama,inayos na nga namin yung bahay dun sa baguio eh"

"Bakit ba kasi kailangan nating tumira doon?,wala bang sinabi sayong dahilan si mama?"siguro naman au alam ni paula kung bakit ayaw na ni mama na tumira pa kami dito.
"Wala naman siyang sinabi eh,pero napansin ko siya nitong nakaraang araw bago kami pumuntang baguio, panay ang silip nito sa bintana,para bang palagi siyang may tinitignan sa labas" pagkwekwento nito sa akin. Hindi kaya may pinagtataguan talaga si mama? Pero sino naman. Imposibleng may pinagkakautangan siya dahil alam kong may iniwang pera sa kanila si tito fred bago ito namatay.

"Galit pa ba si mama sa akin?"muli kong tanong dito. "Kahit kailan hindi nagalit si mama sayo,nagtampo lang. Panay nga tawag nun kay ate maggie para itanong kung ano ginagawa mo"nakangiti nitong sabi. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong hindi galit si mama sa akin.

"Mamayang hapon pala aalis ako, Aattend ako ng party,6:30 kasi yung party at pupunta pa ako kina analyn siya daw mag aayos sa akin.ikaw na lang magsabi kay mama pag uwi"tumango naman ito at tumayo.nakita kong may kinuha itong bagay sa mini drawer namin sa tabi ng upuan,may kinuha itong box na maliit dito,hindi ko alam na may box pala doon .inabot niya sa akin ang isang kwintas na heartshape na pendant,isa itong locket pala.

"Sayo yan ate. Buksan mo mamaya, alam kong magagalit si mama sa akin dahil binigay ko sayo yan, pero gusto kong maging masaya ka ate, yang kwintas na yan ang makakasagot sa lahat ng tanong mo" maluha luhang sabi nito at biglang tumakbo paakyat ng hagdan.nagtaka naman ako sa sinabi ni paula kaya Agad ko naman itong sinundan para magtanong pa.ngunit nakalock na ang kwarto nito. Minabuti ko na lang sa pumasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at tinignan ang kwintas. Mukha itong mamahalin. Bubuksan ko na sana yung pendant ng mag ring ang phone ko kaya nilapag ko sa side table ito at kinuha ang phone ko. Si analyn pala ang natawag.

"Oh analyn napatawag ka?"tanong ko agad dito pagkasagot ng phone. "Namiss kita eh! Punta ka dito sa bahay now na!!dalhin mo na yung isusuot mo para dito ka na maligo at magbihis. Yung kaibigan na lang ni mama ang mag aayos sa ating dalawa"excited namang sabi ni analyn.

"Lunch time palang noh!! Mamaya pa yung party, wag ka masyado excited diyan"mamimiss ko talag itong babae na to pag wala na kami dito. Sila ni maggie ang tanging kaibigan ko.

My Love For You.....Where stories live. Discover now