MLFY 18

252 13 0
                                    

JARED'S POV

Ngayon ok na ang lahat. Malinaw na ang totoong nangyari. Hindi sila ang dahilan ng aksidente ni shamie kundi sila pala ang tumulong dito. Ang kasalanan lang nila ay ginamit nila si shamie para mangulilia sila tita sa anak nito. Nararamdaman kong mabuti namang tao si lori roble.hindi pa kami nakakapag usap ni shamie. Siguro ay hahayaan ko munang magkasama sila ng magulang niya. Natigil ako sa pag iisip ng marinig kong nagbabangayan sa likod ko si maggie at trev.

"Feeling mo ang gwapo mo?duhhh!!!"

"Feeling mo naman maganda ka?eeeewww !!" Natawa na lang ako sa pag aaway ng dalawa. Nagkatinginan naman kami ni shamie at parehas na natawa. Sapat na sa akin makitang nakangiti siya. Saka ko nalang siya kakausapin tungkol sa aming dalawa.

"Nakakadiri ka. Kahit kailan hindi kita matatypan noh!!"

"Sus!! If i know gustong gusto mo na ako sunggaban diyan" nag aaway pa rin yung dalawa.

"Tumigil na nga kayo diyan.. baka in the end kayo ang magkatuluyan"sabi ni shamie sa dalawa. Hindi malabo. Pero may pagka playboy yan si trev.

"Eeeewwww!! No way!!" Sabay na sabi ng dalawa kaya pati sila tita ay natawa na rin..bago sumakay sa kotse ay tinawag ni maggie si shamie. Nagyakapan yung dalawa.

"Best!! Ako pa rin ang best friend mo ah? Si shamie ka man o si anne, ikaw lang ang nag iisang bestfriend ko"sabi ni maggie at umiyak na ito.

"Ano ka ba!! Walang magbabago ok? Maalala ko man ang lahat. Mananatiling ikaw ang best ko, itetext kita kung saan ako titira at magbobonding tayo ulit" maluha luha namang sabi ni shamie.Muli itong nagyakapan.nagpaalam na ring uuwi si maggie

"Sa kotse ko na sasakay sila tita, sumunod na lang kayo ni shamie. Sa bahay daw muna nila tita si shamie, saka ka na umiskor" sabi ni trev. Sabay kindat. Gago talaga kahit kailan. Ng lumapit si shamie ay pinagbuksan ko ito ng pinto ng kotse. Sumakay na rin ako. Nauna ng umandar ang kotse ni trev.

"Naniniwala ka ng asawa mo ko? Naalala mo na ba? Tumawa naman ito sa sinabi ko. "Yeah! Naniniwala na ako pero hindi ko pa naaalala lahat"sabi nito.

"Im happy!! Very happy.. nung panahong akala ko wala ng pag asa na mahanap pa kita, ni minsan hindi ako sumuko. Naaksidente ka ng hindi man lang namin nakita ang katawan mo . Ang sabi nila baka patay ka na. Naisip ko na baka. Pero kasi tong puso ko nararamdaman na buhay ka" hindi ako makapaniwalang kasama ko na si shamie.

"Masaya rin ako na nasagot na lahat ng katanungan ko. Na nalaman ko na rin ang totoo."sabi naman nito. Mababakas sa mukha nito ang saya. "Pwede na ba tayong magsimula ulit? You know im still your husband"natawa naman ito sa akin. Pero tumango pa rin ito bilang sagot.

Pagdating sa bahay nila tita ay pumasok na kami sa loob. Nasa sala ito at masayang masaya. Si trev naman nakaupo sa sofa na nakikipagkwentuhan kina tita at tito.tumigil sila sa pagtatawanan ng makita nila kami.

SHAMIE'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pero may part na nalukungkot pa rin ako. Siguradong mamimiss ko sila mama lori at paula. Naiintindihan ko naman sila. Kahit ganon ang ginawa nila ay hindi nila ako tinuring na iba. Minahal nila ako.

Tumabi ako sa kina mommy at daddy. Nasa gitna nila ako. niyakap naman ako ni mommy. " akala ko talagang wala ka na sa buhay namin! Thanks to your husband dahil hindi siya sumuko sayo" naiiyak nanaman na sabi ni mommy. Mas hinigpitan ko ang yakap dito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. " dont worry mom,dad. Hindi na ako mawawala pa sa inyo hindi ko pa po naalala ang lahat. Pero masaya ako na nandito na ako kasama kayo" si jared at trev naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Napansin kong tahimik lang si dad. "Dad? Dont you miss me?"ngumiti naman ito sa sinabi ko. At niyakap din ako. "I miss you my daugther. I love you so much. Sa sobrang saya ko ay wala akong masabi"niyakap ko rin ito at hinalikan sa pisngi.

"Jared! Can i ask you a favor?"tumingin naman ako kay jared ng tanungin ito ni mommy. "Sure po tita. Ano po yun?" Tanong naman nito. "Call me mommy or mom,dati naman yun ang tawag mo sa akin" napangiti naman si jared dito. "Ngayon kasama na natin ulit si shamie. Pwede bang wag mo muna siya kunin sa amin? I want to spend more time on my baby shamie! Ok lang ba sayo?" Tumawa naman ng malakas si trev na ikinatingin namin sa kanya. Sinamaan naman ng tingin ito ni jared.

"It's ok to me mom! I know how much you miss her." Sabi naman ni jared. Tumayo naman si dad at tinapik ito sa balikat. "Let' have a drink son. Ang you too trev.hayaan na muna natin mag bonding ang mag ina ko"yaya ni daddy sa dalawa. Tumayo naman din yung dalawa at umalis na sila sa sala.

"Sa garden lang mag iinom ang mga yun, gusto mo na ba mag pahinga?" Sabi naman sa akin ni mommy.

"Dito na lang po muna tayo. Hindi pa naman po ako inaantok" muli nanaman ako nitong niyakap kaya niyakap ko rin siya. 4 years akong nawalay sa kanila.

"Baby hindi mo ba natatandaan kung anong nangyari nung mismong aksidente mo?" Napa isip naman ako sa sinabi ni mama. Hindi ko maalala yung araw na maaksidente ako. "Hindi po talaga eh." Sabi ko .. masaya na akong naalala ko ang totoong pamilya ko. "dapat siguro ay sundin natin yung suggestion ng doctor na magpa therapy ka. Baka sakaling maalala mo lahat. Pero para sa akin mas ok na yung naalala mo kami." Sabi ni mommy. "Wala pong problema sa akin na magpa therapy, para sa akin din naman yun" parehas kaming napatingin ni mommy ng lumapit si daddy sa amin..

"Shamie. Im so happy dahil kasama ka na ulit namin. For 4 years na akala namin wala ka na, Sinubukan naming tanggapin pero nangulila pa rin kami sayo. Mabait talaga ang diyos,hindi niya hinayaan na mamatay ka sa aksidente mo noon. "Mangiyak ngiyak na sabi ni daddy.niyakap ko naman ito.

"Im happy too dad. So much!!!" Nagyakapan naman kaming tatlo. "Uuwi na daw sila jared. You talk to him." Sabi naman ni dad. Tumayo naman sila ni mommy at hinalikan ako sa pisngi, "we need to sleep na baby. Matanda na kami para magpuyat, goodnigth, ilove you!" Umakyat na rin sila ni daddy. Ako naman ay nagpunta sa garden. Nakita kong nakaupo si jared malapit sa mini fountain. Napasin kong wala si trev.

"Umuwi na si trev?" lumingon naman ito sa akin ng magsalita ako. "Mauuna na daw siya umuwi" tumabi naman ako sa kanya. "Ahmmm. Uuwi ka na rin ba?" Tumango naman siya bilang sagot.. wala akong masabi pa. Nahihiya ako,hindi ko alam kung bakit.

Niyakap ko naman siya na ikinagulat niya. Maski ako ay hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap,basta ko na lang naramdaman na gusto ko siya yakapin. Yumakap rin naman agad ito sa akin. "Kaya pala nung una kong kita sayo sa mall Bumilis agad ang tibok ng puso ko,akala ko dahil natakot lang ako sayo,pero hindi pala kasi nararamdaman nito kung sino ka sa buhay ko." sabi ko. Naramdaman ko naman na mas humigpit angbyakap nito sa akin. "Hindi mo manaalala lahat, gagawa tayo ng panibagong memories sa buhay natin. We can start again. " kumalas ito sa pagyakap at tinitigan ako sa mata. "I love you so much shamie" muling sabi nito at hinalikan ako sa noo. Nakaramdam naman ako ng saya dahil sa sinabi niya.

"I love you too jared" pagsabi ko nun ay hinalikan ako ni jared sa labi. Tumugon naman ako sa halik nito. Tama.hindi ko man maalala ang ang lahat. Dito sa puso ko alam kong mahal ko siya...

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon