Chapter 34

1.2K 28 4
                                    


Allison's POV

"Allison. . ."







"Allison. . ."










Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi klaro sa paningin ko kung sino ang nasa harapan ko. What I can only see is her beautiful smile.







"S-Sam. . ."









"Allison. . " Muli niyang binanggit ang pangalan ko at saka ako mahinang tinapik sa pisngi. Kung panaginip lamang ito, ay titiyakin kong hindi na ako magigising.









Kanina lang ay nakita ko siya mula sa bus. At ito na nga ngayon, nasa harapan ko na siya. Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sakin.








I smiled at her habang inaabot ang pisngi ng babaeng pinakamamahal ko. Matapos ang dalawang taon ay ngayon lang ako muling ngumiti, pakiramdam ko ay nabanat ang mukha ko dahil sa pag ngiti kong iyon.











"I missed y-"











"Huy Allison! Gumising ka na, nandito na tayo sa bus stop!" Napatalon ako nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko. Halos magkadikit na kasi ang mga mukha namin ni Cheska, napaatras nalang din tuloy siya sa inakto ko.








Nagpalinga linga ako sa paligid. Bakit nasa bus pa rin ako?









"Let's go?" Isa isa ng kinuha ni Cheska ang mga grocery bags. Muli akong nakaramdam ng labis na kalungkutan. Ngayon ko nalang ulit kasi napanaginipan si Samantha.







Sumunod nalang din ako kay Cheska at tinulungan siyang bitbitin ang pinamili namin. Lutang pa rin ang isip kong tumingin sa paligid. Ayokong paniwalain ang sarili ko na isang panaginip lang iyon, dahil totoong nahawakan ko si Samantha. Totoo ang mga ngiti at hawak na nakita't naramdaman ko.







"Ang sarap ng tulog mo sa bus ah!" Natatawang sambit ni Cheska habang naglalakad papuntang Mugs Cafe. Madilim na ang paligid at hindi ako makapaniwalang sa maigsing pagkikita namin ni Sam sa panaginip ay inabot na ito ng gabi.







"Hello? May kausap ba ako!" Napaatras ako nang bigla na lamang humarang si Cheska sa harapan ko na naging dahilan para ma out of balance siya.







"Ches-" Doon na ako tuluyang nataranta at nabitawan ang mga grocery bags na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang takbo ng oras, pati na rin ang ikot ng mundo.







"You. . You smell like her. . " Sa kabila ng mabagal na takbo ng oras na naramdaman ko ay mabilis kong nasalo si Cheska. Maging siya ay nagulat din lalo na't ngayon ay halos magkadikit na ang aming mga mukha. Kaya naman mas lalo kong naamoy ang isang pamilyar na pabango.






Mariin akong napapikit. Nakaramdam ako ng tila paghiwa sa bandang puso ko. Everything reminds me of her and it really makes me crazy. I know I deserve this kind of pain. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako paparusahan ng ganito.







"Ah. . ." Mabilis na iniwas ni Cheska ang mga titig niya sa akin nang dumilat ako. She bit her lower lip and that makes her hot. . .








Seduced By A Lesbian: AllisonWhere stories live. Discover now