Undead 10

5 1 0
                                    

"So where are we heading now?" Tanong ko kay Levy na siyang nagmamaneho ng sasakyan

Kanina lang ay nagpalit sila ng pwesto ni Aidan matapos naming makalayo sa mga humahabol na walkers samin, si Noah at Aidan naman ang nasa likod ng sasakyan

"We're going to the North, doon kami tumutuloy 1-2 hours ang byahe mula dito" sagot niya

"Pano niyo nalaman ang lugar na yun?" Tanong ko sakanya

"Isa yung malawak na kulungan" pagkasabi niya palang ay nabahala na agad ako, kulungan yun ibig sabihin maraming kriminal

Hindi na maganda ang kutob ko rito pero hindi ko nalang pinahalata baka naman nagkakamali lang ako ng iniisip

"Don't worry isa akong pulis kaya safe kayo dun, ihiniwalay na namin ang mga nakakulong dun at ang mga survivor" paliwanag niya pero hindi parin ako satisfied sa paliwanag niya baka nga tama si Aidan

Hays! Bahala na hindi naman kami magtatagal dun at aalis din agad kami







--------









Nakarating na kami sa lugar na sinasabi ni Levy. Sa labas palang kita na kung gano kataas ang mga pader na nakapalibot sa buong lugar nagkalat din sa paligid ang mga barb wires at matatalim na kahoy na nagsisilbing harang maliban sa pader

Marami ring bantay sa gate tingin ko ay mga pulis din sila dahil sa mga kasuutan nila meron namang ibang tao na sa tingin ko ay nag aabang.

Lumingon ako sa likuran at nakitang natutulong pa ang dalawa at si Miles

Ng makahinto ang sasakyan ay saka ko lang ginising ang dalawa at sabay sabay na kaming bumaba, lumapit naman samin sina Noah at Aidan habang si Levy naman ay nakipag kamayan sa mga kasamahan niya

Malawak ang lugar nila, siguro ay isa itong provincial jail, dito kinukulong ang mga kriminal na habang buhay ng nakakulong. Kung titignan ang lugar ay para itong isang kampo ng mga sundalo tanaw ko rin mula dito sa kinatatayuan ko ang mga tent sa di kalayuan.

Marami ding mga bata sa paligid na masayang naglalaro, sa damu ng tao dito hindi imposibleng mahikayat nila ang mga walkers dahil sa ingay at amoy nila kaya sigurado ako na hindi safe ang lugar na ito lalo na at ilang oras lang ang byahe ng pinang galingan namin sa lugar na ito

Papano nalang kung sumusunod parin pala ang daan-daang walkers na humabol samin kanina, marami silang armas pero tingin ko ay hindi nila kakayanin ang dami ng mga walkers na naingkwentro namin kanina

Ilang sandali lang ay lumapit samin si Levy kasama ang mga kasamahan niya, ang iba sakanila ay mga sibilyan samantalang ang karamihan ay mga pulis.

"Guys this is Police Captain Dhel Morgan siya ang kumakatawan sa lugar nato" pakilala ni Levy sa lalaking kasama nita "Cop mga bagong kakilala siya si Aidan, Tala, Noah, Abigail at Phoebe nakilala ko sila nung pauwi na ako rito" pagpapakilala naman samin ni Levy

"Nice to meet you" ani sir Dhel at nakipag kamay samin malaki siyang tao moreno at matikas ang katawan "Nabanggit na ni Levy ang sadya niyo dito at base sa pagkakaalala ko ay may dalawang Carol na naandito" aniya habang naglalakad papasok, nakasunod naman kami sakanya

Dumaan kami sa maliit na pathway papasok sa pinaka looban kung nasaan nakatayo ang mga tent, dito palang ay nakikita ko na kung gano karami ang mga survivors at karamihan sakanila ay puro lalaki meron din namang mga babae pero iilan lang

"Ang mama ko lang ang sadya ko rito mr. Morgan, nagbabakasakali lang kami na baka nandito nga ang hinahanap namin, if ever man na naandito siya hindi rin kami magtatagal dito" ani Aidan

How Far Can You Go?Where stories live. Discover now