Undead 12

10 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa ginawang yun ni Aidan


Nakaalis na sila pero nakatunganga pa din ako dito sa kinatatayuan ko


Bakit? Anong ibig sabihin niya dun sa ginawa niya?


Hayyssss! Aalis na nga lang bibigyan pa ako ng isipin


Umiling nalang ako at hindi na inintindi ang ginawa niya "Wala lang yun Tala okay, wala lang yun" sabi ko sa sarili ko at pumasok na sa loob


'Wait!'


Pupunta pala ako kay Morgan, Aish!




KASALUKUYAN akong nakikipag usap ngayon kay Morgan tungkol sa pag papatrol


Ang sabi niya madalas sa umaga mag patrol ang mga babae pero kung gugustuhin daw ay pwedi naman sa gabi meron din kaming makakasama sa pagpapatrol


Within the perimeter lang daw kami pweding mag patrol sabi niya. Marami din siyang sinabi tungkol sa mga pwedi at hindi pweding gawin tulad nalang nun ang hindi pag sunod sa gusto niya


Kahit labag sa kalooban ko wala akong nagawa, of course kailangan kong makisama para hindi sila makatunog sa plano namin


I also asked him kung pwedi kong makuha kahit yung dalawang katana lang namin, mahalaga yun samin dahil binigay yun ng parents ko bago sila mawala yun nalang ang tanging bagay na nakakapag paalala samin sakanila


But unfortunately he refused to give it back to us so wala na akong nagawa kahit naiinis ako sakanya ay pinabayaan ko nalang, gagawa nalang ako ng paraan para makuha ko yun


"Lalabas dito ang mga magpapatrol ngayon, isa sakanila ang makakasama mo sa pag papatrol" sabi nito at tumango nalang ako bilang pag sang ayun


Iniabot naman nito sakin ang isang walkie talkie at isang baril for protection daw, pwedi naman namin tong baril dalhin sa quartes namin dahil binigay niya daw to para sa pag papatrol ko 


Kinuha ko nalang dahil baka magbago pa isip niya malaking tulong padin itong baril para sa mga plano namin, meron narin itong kasamang mga bala


Pagkatapos ng usapan namin ay pumasok na muna ako sa loob at nagtungo sa tent namin, ng makarating ako ay naabutan ko sila doon na nagkakatuwaan


"Oh ate andyan kana pala kamusta ang usapan niyo ni Morgan" salubong na tanong sakin ni Abi pagkapasok ko sa tent


"Maayus naman, pumunta lang ako dito para magpaalam sa inyo"


"Mag iingat ka ate ah" Abi said


"Balitaan mo kami mamaya sa mangyayari Tala ako na muna ang bahala sakanila" Tita Carol said

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How Far Can You Go?Where stories live. Discover now