Chapter 9

191 13 2
                                    

Shanea's Pov:

Nandito kami ngayon sa isang store kung saan may mga laruan at nagsimula ng mamili ang pamangkin ko. Nakasunod sa kanya ang kanyang Nanny habang nasa likod lang kami at sumusunod sa kanila. Para kaming mga buntot na naka sunod sa kanila.

"Hey? Adrielle is big now, wala bang plano ang Kuya mo at si Ate Fatima na sunda na si Adrielle?" tanong ni Ella sakin at nagkibit balikat nalang ako.

"I don't know about them. Gusto ko rin naman masundan si Adrielle." sabi ko.

"Ikaw? Wala ka pang balak sagutin ang manliligaw mo?" Baling niya sakin na nakangiti.

"I'm scared! I still have the doubt of myself. Paano kung sasagutin ko siya pero masasaktan lang din siya sa huli" malumay na sabi ko sa kaniya.

Hindi ko kayang saktan ang lalaking walang ibang pinaramdam sakin kundi pagmamahal. He made me happy the way it is. Parang bang kapag kasama ko siya nalilimutan ko ang mga problema ko. Pero kapag iniisip ko rin na kapag sasagutin ko siya at masasaktan ko siya. Nasasaktan rin ako. I love him! But not romantically. Ang hirap para sakin.

"Hindi naman maiiwasan na hindi masaktan yung tao eh! Syempre, nagmamahal siya. Masasaktan talafa kapag nagmahal ang isang tao. Hindi naman sa lahat na bagay laging masaya diba? Loving can hurt." sambit ni Ella. Pero ayaw ko talagang sagutin siya eh. Alam kung pinapaasa ko na siya pero matagal ko namang kinlaro sa kaniya na hindi talaga muna ako papasok sa isang relasyon ulit.

"Shanea if you are not ready on relationship maybe you should stop him for courting him kung wala naman talagang pag-asa yung tao, mukhang masasaktan mo layo siya." sambit niya sakin.

Ang hirap naman nito! Ang hirap magdesisyon, hindi ko gusto paasahin si Keir pero mukhang tama si Ella. Hindi ko din gustong magpadalos-dalos at baka magkasakitan lang kami sa huli.

"I'm done tita ninang!" Nakangiting sabi ng pamangkin sakin at tinignan ko ang dalawang basket na laruan. Ngumiti naman ako sa kaniya at hinawakan siya sa pulsohan.

"Let's go baby! Magpapa cash na tayo" sabi ko at hinila na siya papunta sa cashier. Nagsimula ng magpack ng mga laruan ng cashier at ang laki nung ibang napili ni Adrielle. Mukhang mapapalaban ako ngayon ah!

"Psst." Napatingin ako kay Ella ng sikohin niya ako.

"What?" Tanong ko naman sa kaniya. Problema nito?

"Tayo naman lalabas bukas ah? Bar tayo?" Sambit niya sakin at kumindat pa talaga ang bruha. Inirapan ko naman siya at tumango nalang ako.

Matapos naming binayaran lahat ng binili ng aking pamangkin ay naglalakad kami pababa sa 2nd floor.

"Are you hungry, Adrielle?" Tanong ko sa pamangkin ko.

"Opo Tita Ninang" naka pout na sambit nito. Oh! Come on. How cute he could be? Pinanggigilan ko na naman ang pisngi niya.

"Ouch. Stop pinching my cheecks tita ninang! It hurts po!" Mas lalalo siyang naka pout. At tumawa naman ako.

Nangmatapos kami kumain ay binihisan ko muna ng damit si Adrielle dahil medyo basa na ang kanyang likod siguro kaka takbo niya nito kanina sa Time Zone.

"Stand up! Baby" sabi ko at tumayo naman siya. "Let's change clothes, okay? Your back kasi is sweating na" tumango naman ito. Kaagad niyang tinaas ang kanyang kamay at hinubad ko na ang t-shirt niya at pinalitan.

Sa kaligitnaan ng pagbibihis ko kay Adrielle ay may biglang tumawag sa cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumawag. It's Kuya!

Kuya calling...

"Oh!" Bungad ko sa kanya.

"Where are you now?" aniya.

"Sa SM seaside, binihisan ko pa si Adrielle. Why?"

"Wala ba kayong plano umuwi?" Supladong sambit niya sakin. Napairap naman ako.

"After this. Uuwi na din naman kami you don't to worry Kuya." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Nakakainis! Parang walang tiwala sakin! Parang hindi kami magkapatid.
Simula ng dumating si Adrielle sa buhay nila ay sobrang over protective niya. Parang bang ano mang oras ay mababasag kapag hindi iningatan ng maayos. Sabagay, miracle baby nga pala tong si Adrielle kaya ganyan kung maka asta. Habang nagdedeliver kasi si Ate Fatima ay medyo nakumplikado ang panganganak. Habang iniire niya si Adrielle ay baka wala ng chance na mabuhay siya. Kaya paglabas niya kahit anong pump at lalo ng doctor para umiyak siya ay walang nangyari. Hanggang sa ready na silang ibalot ay bigla nalang itong humiyaw at umiyak ng malakas. At simula nun naging over protective na si Kuya sa kaniya.

"Ayan gwapo ng baby ko" pagkatapos kong bihihas si Adrielle ay kaagad naman kaming umuwi. Dala dala ng dalawang bodyguards ang mga gamit na pinamimili ni Adrielle.

Nandito na kami sa parking lot at nilagay na sa likod ng sasakyan ang mga pinamili at nagpaalam na si Ella samin.

"Don't forget tomorrow okay? 6:10pm tayo pupunta" sambit ni Ella sakin.

"Okay!" Tamad na sambit ko sa kanya.

"I'll go ahead na Shanea" nakipagbeso siya sakin. Lumuhod naman siya at nagpaalam kay Adrielle na inaantok na ang bata. "I'll go ahead na, baby adrielle" at hinalikan ang noo nito. Ngumiti at tumgano nalang si Adrielle.

Kumaway na siya sa amin at sumakay sa kanyang sasakyan at umalis na. Sumakay na din kami ni Adrielle sa kotse at paglabas namin sa parking lot ay kaagad na humilig sa akin si Adrielle sakin at pumikit na.

After 30minutes.

"Ate Emilda? Call Kuya! Siya na magbuhat kay Adrielle" sabi ko at mahimbing na natutulog sa lap ko si Adrielle. Kaagad namang lumabas si Kuya galing sa loob at dumiritso sa kotse at kinuha si Adrielle.

Lumabas naman ako at kinuha ang ibang gamit ni Adrielle na pinamili. 16 kasi lahat ng paper bags na dala namin. Pumasok ako sa loob at nilagay nalang sa sofa nila ang gamit. Nakita ko naman si Ate Fatima na kababa lang. Diniritso naman ni Kuya si Adrielle sa kwarto niya.

"I'll go ahead na, Ate" sabi ko kay Ate habang nakatingin sa pinamili ni Adrielle na laruan.
"Andami naman nito Shanea, baka wala kanang pera" ngumiti ako.

"Okay lang naman Ate. Ano kaba! Pamangkin ko yan kung ano gusto niya bibilhin ko talaga" sambit ko sa kanya.

"Ayaw kasi ng Kuya mo eh! Ayaw raw niyang masanay si Adrielle" umirap naman ako at pinagcross ang mga kamay.

"Hayaan mo nga siya, Ate. Basta ako I'll spoil my pamangkin. Wheather he likes it or not" sabi ko at tumuwid ako. "And by the way? Wala ba kayong planong sundan si Adrielle?" Nakita ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Para namang natataranta siyang tumingin sa paligid para bang sinisigurado na walang makakarinig samin.

"Shh...I'm 2weeks pregnant. At hindi alam ng Kuya mo. Kanina lang din ako sa CR habang nasa trabaho ang Kuya mo. Bukas ko sakaniya sasabihin nalang." Nakangiting sambit niya. Napa "O" naman ang bibig ko dahil ako naman ngayon ang nagulat. Agad naman akong tumili at pinigilan niya kaagad ako.

"Sorry ate.. I just can't help it, OMO! may bago na naman akong pamangkin!" I giggled. "Oh siya! I'll go ahead na ate baka hinahanap na ako ni Mommy." Sabi ko at hinatid niya ako sa labas. Hindi parin kasi bumaba si Kuya galing taas.

"Okay? Thank you pala Shanea. Take care" nakangiting sambit niya sakin.

"Thank you. Ikaw na bahala magpaalam ni Kuya na umalis na ako ha?" Sambit ko sa kaniya at tumango naman siya. Nag beso muna kami tsaka ako pumasok sa sasakyan at nag drive na si Manong pauwi sa bahay.

When A Playboy Fall inlove [COMPLETE]Where stories live. Discover now