Chapter 16

165 8 1
                                    

Shanea's Pov:

Hindi ako nakatulog dahil kakaisip sa mangyayari next week. I'll be seeing James for our business. And wala naman atang masama dun diba? Business lang naman yun. Yeah business.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ako nakatulog ng maayos kaya ang kinalabasan late na akong nagising. At bigla kung naalala na susunduin nga pala ako ni Keir ngayon.

Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ko ang living area namin and I saw Keir talking to my parents. Omygod! Hindi ko pa nasabi sa kanila na may boyfriend na ako. Mabilis na akong pumasok ulit sa kwarto ko at nagmamadali na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kung mag-ayos sa sarili ko at bumaba ako na parang walang nangyari. Wala naman talaga nangyari kinakabahan lang ako.

Pagbaba ko ay kaagad kung naagaw ang atensyon nila. Hindi ko pinapakita na kinakabahan ako. My knees are trembling like an idiot. What's the matter? Boyfriend mo naman talaga si Keir. Last kasing pagpapakilala ko ay hindi kami nagtagal. I didn't want to keep it a secret now. I'm not yet ready siguro.

May usapan rin kami ni Keir na sa labas kami kakain ngayon. Nang nakalapit na ako sa kanila ay binigyan ako ni Mommy ng 'pakilala naman mo to samin' look. Na gets ko naman agad yun at kaagad akong tumabi kay Keir. Ngumiti si mommy at ngumiti rin naman siya. Nanatili namang seryoso si Daddy.

"U-uhm.. mom?dad? Si Keir b-boyfriend ko" pakilala ko kay Keir.

"I know nagpakilala na siya sa amin." Nakita ni mommy si Keir sa Canada noon pero as my photographer mukhang hindi nila inaasahan na magiging boyfriend ko ang photographer ko. We'll I didn't expect him to be my boyfriend.

"Well go ahead. Mom? Dad?" Sabi ko at nakipagbeso na sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Mommy at simple lang na tumango si Daddy.

"Una na po kami. Tita, Tito" tumango lang sila mommy at daddy.

"Why can't you two join with us?" Aya ni mommy. Umiling naman ako.

"Wag na mom. Sa labas kasi kami ngayun kakain ni Keir. Bye!" Sambit ko Hindi naman ako nag-alala sa oras kaya okay lang na malate ako sa office. Tinignan ko naman si Keir and he's smiling awkward.

"Is that so? Okay... take care both!" Sambit ni mommy at lumabas na ng bahay. Pinagbuksan ako ni Keir ng pintuan. "Thank you!" Sabi ko sa kanya at ngumiti lang. Umikot naman siya at sumakay sa drives seat.

Nilingon ko siya" sorry nga pala at late akong nagising. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog" sabi ko sa kaniya. Nagdri-drive narin naman siya palabas ng subdivision.

Ngumiti naman siya sakin. "It's okay. I had fun talking with your parents" malambing niyang sabi. Hindi ko maiwasang maisip ulit kung bakit hindi ako nakatulog kagabi ng maayos.

Wala narin naman siguro sa kaniya yun. I'm sure naka move-on na yun sakin. It's been years narin simula ng nangyari and I already forgive him about what happened naman. It's all in the past now. I shouldn't be worry about the meeting him this week. We'll just talk business, that's all nothing more.

Nandito kami sa parting lot SM at dito kami daw kakain. Kinalas ko na yung seatbelt ko at bababa sana ako ng naunahan niya akong pagbuksan ng pintuan. He smile and take my hand.

I smiled at him. At naghawak kamay kami papasok sa loob. Hindi rin matatakasan ang tingin ng mga tao. Kilala rin kasi ang pamilya namin sa isa sa pinaka mayaman na tao sa Cebu. And nakadagdag pa ang pagiging model ko international.

Nag suggest rin ako na sa Japan resturant kami kakain. He agreed naman. Medyo marami ng tao pero may mga bakante parin namang upuan. Naghahanap kami ng upuan and nakakita kami medyo sulok na. Wala namang problema sakin yun, okay narin yun at hindi ko gusto na baka bigla nalang may sumulpot habang kumakain kami.

"What's your order?" Tanong niya sakin.

"Ikaw nalang bahala." Sambit ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumayo na at pumunta na sa counter para makapag order.

Tinignan ko naman siya. Makikita parin kasi siya kung titingnan ko siya mula dito hindi nga lang yung malapitan. I looked at him and I can't help myself to think about him. Keir is goodman, a gentlemen. Inshort mabuti siyang tao. Pero kahit mag boyfriend-girlfriend na kami hindi ko maramdam sa kaniya ang gusto kung maramdaman sa isang taong mahal ko... Mahal ko si Keir pero ngayon hindi ko alam kung mahal ko ba siya dahil mahal ko siya. O mahal ko lang siya kasi siya yung nandyan ng kailangan ko ng taong malalapitan. O mahal ko lang siya bilang kaibigan.. I try my best to be a better girlfriend.

Pero ngayon, hindi ako sigurado kung tama ba yung desisyon kung sagutin siya. Hindi ko kasi maramdaman sa kaniya yung tibok ng puso ko. Yung parang pagmakikita mo lang siya titibok ng bigla yung puso mo sa walang dahilan. Hindi katulad kay James. I like and love James before and sa kaniya ko lang din nararamdaman ang tibok ng puso ko. Ewan ko nalang ngayon kasi hindi naman kami masyadong nagkikita. Pero nung sa bar hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko nung nag-usap at lumapit siya sa akin.

Gulo-gulo ako. Sana lang tama yung desisyon kung to. Nung una pa lang ayaw ko ng masaktan si Keir dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero nung sinagot ko siya, parang masasaktan ko siya sa huli. Ayaw ko na mangyari yun, siya yung taong sumalo sakin. Siya ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako.

"Shanea? Are you okay?" Tsaka pa lang ako natauhan ng magsalita si Keir sa harap ko.

"A-ah yeah.. let's eat? Medyo late na ako sa office" sabi ko at nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain at minsan ay napapatingin pa kay Keir habang tahimik ring nangunguya. Napapangiti naman ako everytime magtapat ang mga mata namin.

I don't want to hurt this person, but I know I already hurting him.

When A Playboy Fall inlove [COMPLETE]Where stories live. Discover now