SOY 01

4 0 0
                                    

" So, lets now proceed to your grades."  Ms. Reyes started.

Nandito ako ngayon sa classroom , kinakabahan dahil ngayon  ilalabas ang grades namin.

Shet! Sana hindi ako bagsak.

"Let's us all congratulate Mr. Alejo dahil sya na naman ang nakakuha ng may pinaka mataas na marka in all subject. Congrts Mr. Alejo." Ani ni Ms. Reyes ng may ngiti sa labi habang nakatingin kay Yzach.

Nakatingin ako sa kanya habang pumapalakpak. Yzach Felip Alejo , the man i envy.  Nasa medyo pagitna sya ng pwesto at ako naman ay nasa pinaka likudan. Tumayo siya habang nakayuko na mukhang nahihiya pa pero may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Masyadong malago ang kanyang buhok pero bumagay naman iyon sa kanyang mukha , mayroon din siyang suot na salamin sa mata at  braces kaya mapapaghalataang matalino nga sya.

Yzach or should i say Felip is a silent type of person ngunit sa oras naman ng recitation ay palaging present , na talagang ikinahanga ko.

Hindi ko masasabing isa syang nerd na nababasa ko sa mga libro kase wala syang pimples at maayos din naman syang manamit pero dahil sa suot nyang braces at nerdy glasses parang ganon na din sya.

Sana ganoon din ako katalino. When kaya? . In another life?. Wag naman sana! , Malay ko ba kung maging isang kuto na lang ako sasusunod na buhay.

" At sa inyo namang lahat kita ko ang pag iimprove  ng mga grades nyo." pagdudugtong ni Ms. Reyes

Hihinga na sana ako ng maluwag dahil sa wakas umayos na ang grades ko ngunit hindi iyon natuloy ng bigla akong tawagin ni Ms.Reyes dahilan para mapalunok ako ng malalim.

Sheezz!! Asa ka pa , Aysel! pero akala ko talaga safe nako!

"But you Ms. Montalbo " Huminga muna si Ms. Reyes ng malalim bago muling nagsalita. " I want to talk to you in my office mamaya pagkatapos ng klase."

Tumango na lamang ako at bahagyang yumuko. Nang matapos lahat ng sinabi patungkol sa grades nagsimula na si Ms. Reyes na magdiscuss patungkol sa kanyang lesson sa Chemistry.

"So that's all for today's lesson. Don't forget to study kase may long test tayo bukas. Goodbye."

Pagkaalis na pagkaalis ni Ms. Reyes ay sya namang pagsunod ko sa kanya patungo sa kanyang opisina.

Bago ako pumasok isang malalim na paghinga muna ang aking ginawa at isang sign of the cross.

" Good day Ms. " pauna kong pagbati

Maliit na pagngiti lamang ang kanyang ginawa saka nagsalita " Jerselle iha , uunahan na kita kapag may naihulog kapang isang subjet sa susunod na semestre maaring hindi ka na makagraduate."

Bigla ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa sinabi ni Ms. Reyes. Pano na to?.

"Ms. pasensya na po talaga. Sa maniwala po kayo't sa hindi pero nag aaral po talaga ako ng mabuti pero...  pero hindi ko po alam... hindi ko po alam kung bakit hindi ako makasabay sa mga kaklase ko." pagsasabi ko ng totoo

"I know iha , nakikita ko naman iyon pero ...masakit mang sabihin ...pero kulang pa iyon. Iha hanggat maari ayaw kong hindi ka makagraduate o sinumang mga estudyate ko , kaya doble pag-aaral pa ha , kaya mo yan. Your Calculus , Biology and Chemistry ang nasa pinaka mababang grado. I suggest na magpatulong ka ka sa mga kaklase mo at ang best option mo ay si Mr. Alejo , but dont worry I'll try to ask him if he's willing to tutor you"

Nakayukong tumango ako at nagpasalamat bago umalis sa opisinang iyon. Ano na ngayon ang aking gagawin?. Kailangan kong makahabol. Kailangan ko si Felip!.

STUCK ON YOUWhere stories live. Discover now