SOY 03

4 0 0
                                    

*MAD #1

_______

[Ate Aysel , nakuha ko na yung pinadala mo. Thankyou! The best ka talaga.]     ani Ian sa kabilang linya

"Syempre cute ako eh hahaha.Basta pagbutihin mo pag aaral mo dyan ha."  sabi ko

Walang sumagot sa kabilang linya , hanggang sa mamatay na ang tawag. Siguro ay dahil wala masyadong signal doon kaya hinayaan ko na lamang.

Sabado ngayon kaya narito ako ngayon sa aking kwarto nakahiga , dahil katatapos  ko lamang linisin ang buong bahay. Sumahod na ako kagabi kay Madam V , ng tatlong libo. Naipadala ko na din kay Ian ang limang daan.

Ian Jimzel Montalbo is my youngest brother at isang HighSchool student. Ang lolo at lola ko ang kasalukuyan nyang kasama sa probinsya dahil wala kaming magulang. Our mother died matapos ipanganak si Jimzel and  ang tatay naman namin ay hindi na alam kung nasaan.

Naghiwalay kaming magkapatid dahil kailangan kong mag Senior HighSchool dito sa City dahil wala naman kaming ganito sa probinsya. Kasalukuyan akong nakatira kina Tiya Glenda dahil sya lamang naman ang Tiya ko at kapatid ni mama. Wala ng asawa si Tiya Glenda at tanging pagiging labandera lamang ang ikinahahanap buhay kaya palaging mainit ang ulo sa tuwing hihingi ng pambaon ang dalawang anak , na ang magiging resulta sa akin hihingi ang dalawa kong pinsan.

Bumaba ako at nagtungo sa lamesa kung nasaan si Tiya Glenda saka iniabot ang isang libo para sa gastusin dito sa bahay. Nakakahiya naman kung hindi ako mag aabot kahit maliit na halaga lamang lalo pa't renta lamang din itong tinitirahan namin.

" Sa wakas may pambayad na din tayo sa renta dito sa bahay!!! Alam mo ba ngumawa na ng ngumawa si   Marites na kung hindi tayo makakabayad papalayasin tayo!! Walanya talaga yung Marites nayon , alam mo kung bakit? Ichinichismis ba naman akong magnanakaw daw ako. Nung kinompronta ko naman tangging tanggi. Nako po!!! Nakakagigil"

Hindi pa doon natapos ang pagkukwento ni Tiya Glenda kaya sa halip na pakinggan ko ay kumuha na lamang ako ng pinggan para maghain ng tanghalian.

"Totoy! Tinay! Tara kakain na tayo!!." Tawag ko sa dalawang pinsan na agad namang tinugunan.

Matapos silang magsikain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan saka nagdiretso sa kwarto para maghanda para sa pagkikita namin ni Felip dahil tuturuan nya ako.

12:30 pa lamang ay naroon na ako sa Cafe para hintayin sana hinatayin sya , ngunit pagkadating ko roon ay naroon na siya nakaupo habang nagbabasa ng libro , nakita ko rin ang inorder nyang kape na paubos na.

"Yow Felip! , akala ko ba mamaya pa tayo magkikita ,  ang aga mo ah , gusto mo na talaga akong makita ano , ayiee!!."  I joked

Ibinaba nya ang kanyang binabasang libro saka humarap sa akin kasabay ng pag irap sa kawalan. "psh. Asa ,"

At dahil nga napaaga ang pagkikita namin , maaga din kaming nagsimula sa pagrereview ng ilang subject. At katulad ng nakasanayan , magtatanong siya sa akin at kailangan ko naman itong sagutin ng walang binabasang anumang libro. At kapag nagkamali ako ay sya namang pagpapaliwanag nya kung ano ang dapat.

Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagrereview ng makita ko si Frans na papasok sa loob ng Cafe kaya nawala ako sa pokus. Iniiwas ko ang aking mukha patago sa kanya para hindi ko makita ngunit hindi iyon naging matagumpay. Nang humarap si Frans sa direksyon ko ay syang diretsong pagtapo ng kanyang mata patungo sa akin dahilan para mapairap ako dahil sa paglapit nya.

" Jerselle ." Frans started. Hindi sya ngumiti ng bumati sa akin at  pinanatili ang seryosong mukha na nasa kanyang harapan.

"Frans , ikaw pala." Ngumiti ako ng pilit at bahagyang tumingin kay Felip.

STUCK ON YOUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora